Martes, Marso 17, 2015

Inang Kalikasan sa Romblon




Itatanghal ng PIA Puppet Theater ang dulang “Inang Kalikasan” mamayang alas singko ng hapon sa Odiongan Public Plaza, Odiongan, Romblon. Hangarin ng “Inang  Kalikasan” na hikayatin ang publiko lalo na ang mga bata na mag-waste segregation para mahiwalay ang magagamit pa sa mga nabubulok at magtanim ng puno upang makatulong sa pag-ibsan ng  epekto ng nagbabagong klima. Ang pagsasadula ng “Inang Kalikasan” ay bahagi ng Climate Change Advocacy ng DENR-Mimaropa at ng PIA-Mimaropa.  Bukod sa dulang papet, mayroon din forum para maipaliwanag ang agham at iba pang isyu hinggil sa Climate Change. Dadalhin ang Climate Change Advocacy sa Anahao Elementary School (March 19, 8 am - 12 noon), Odiongan National High School (March 19, 1-5 pm) at Odiongan South Central Elementary School (March 20, 8 am -12 noon).