Mahalagang makasama ang mga sektor sa paghahanda sa anumang sakuna gaya ng lindol, pagbaha at iba.
Ngayon Ikalawang 2019 National Simultaneous Earthquake Drill (2nd Quarter), ibinahagi ng Deaf Disaster Assistance Team - DRR Manila Chapter ang ilang Filipino Signs na magagamit sa paghahanda sa mga kababayang Bingi sa kalamidad.
Nasa Ingles man ang mga termino, Filipino Sign Language (FSL) naman ang sign language na ginamit ni Mr. Ferdinand Vizmanos para maipaunawa sa mga kababayan, bingi man o hindi, ang mga pangkaraniwang kataga sa disaster risk reduction and management (DRRM).
Maraming salamat din kay Ms. Joi Villareal ng Philippine National Association of Sign Language Interpreters na siyang nagpa-facilitate ng video sa akin.
Narito ang link ng video: https://www.youtube.com/watch?v=c9hw0QPp2L0