Huwebes, Marso 24, 2016

Kampanya kotra iligal na droga, palalakasin sa barangay

Nakatakdang pag-usapan sa nalalapit na Barangay Assembly sa buong bansa ang isyu ng bawal na gamot.
Ayon kay James Fadrilan, regional director (RD) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) - Mimaropa, karamihan ng mga insidente na may kinalaman sa iligal na droga ay nasa mga barangay.

"Mayroon hong dapat itayo ang barangay, kung tawagin ay Barangay Anti-Drug Abuse Council. Para ho ang paglaban sa barangay level ay maisakatuparan. Malaki po (ang papel ng mga kababayan sa barangay)...sila po ang pwedeng makapagbigay ng impormasyon: kung nasaan ba itong pushers, users, na involved sa iligal na droga," sabi ni RD Fadrilan.
Kung walang impormasyong magagamit, sinabi ni RD Fadrilan na hindi matutukoy kung sino sino ang sangkot sa iligal na gawain.
Ang Barangay Assembly ay dalawang beses sa isang taon ginagawa ng mga barangay.
Sa asembliya iniuulat ng mga pinuno kung anong mga proyektong pinaglaanan ng pondong nalikom sa kita ng kanilang barangay.

" Ang nakapaloob doon ay yung kanilang accomplishment noong second semester ng 2015. Kasama dun ang kanilang financial report..."ani RD Fadrilan.
Para kay RD Fadrilan, ang asembliya ang "pagkakataon (ng mga kababayan) para makapagtanong sa kanilang mga opisya" hinggil sa mga proyektong naipatupad o aktibidad na napaglaanan ng pondo.

Ang nalalapit na Barangay Assembly ay gaganapin ngayong Sabado, ika-26 ng Marso.

Kaugnay nito, pupuntahan ni RD Fadrilan ang Barangay Lapu-lapu, ang napiling showcase barangay sa Mimaropa.

Ang Barangay Lapu-lapu ay matatagpuan sa Santa Cruz, Marinduque. 
Alamin ang iba pang detalye sa nalalapit na Barangay Assembly, tingnan sa http://bit.ly/1PsJiiG at http://bit.ly/1ZvoZsz. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento