Biyernes, Mayo 27, 2016

Yaman ng Mimaropa: Marinduque, tampok sa Cinema in the Open Air




Kilala ang Marinduque sa Moriones.

Pero hindi lang si Longino ang ipinagmamalaki ng lalawigang tinaguriang Puso ng Pilipinas.

Ngayong linggo, tunghayan ang iba pang kulturang-yaman ng Marinduque sa dokumentaryong "Yaman ng Mimaropa", sa ganap na ika-pito't kalahati ng gabi sa Cinema in the Open Air,  sa Maynila.

Ang "Yaman ng Mimaropa," isang produksyon ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ay dokumentaryong naglalagom ng mga kulturang yaman ng rehiyon.

Ang tradisyon sa Marinduque, ay sumasalamin sa lalim ng pananampalataya ng mga kababayan at ang kuneksyon nito sa kalusugan, pakikipag-kapwa-tao at iba pang mahalaga bahagi ng buhay.

Ang pagpapalabas ng "Yaman ng Mimaropa" sa Cinema in the Open Air ay isang proyekto ng NCCA at ng National Parks Development Committee.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento