Hanggang ngayong gabi na lang ang paghahain ng aplikasyon para sa Philippine National Police Academy Cadet Admission Test ---doon na mismo sa Camp General Mariano Castaneda, Silang, Cavite.
"Open po kami bukas (Biernes), hanggang alas siyete (ng gabi)...mag-antay kami ng mga aplikante para makatulong po tayo,"paliwanag ni Romulo Banta, ang Registrar ng PNPA nitong Huwebes.
Ang ika-30 ng Setyembre ang huling Biernes ng Setyembre na siyang taunang palugit ng pagsusumite ng aplikasyon para sa PNPA Admission Test.
Ito ang una sa dalawang bahagdang pagpasok sa Cadetship Program ng PNPA.
Kung tutuusin, pwedeng magsumite ng aplikasyon alinman araw maliban sa huling Biernes ng Setyembre.
"Ang kailangan lang namin dito ay yung birth certificate (ng aplikante) from NSO (ang dating
National Statistics Office na ngayoĆ½ kilala bilang PSA o Philippine Statistics Authority)...photocopy lang,"sabi ni G. Banta, " (kasama ang) litrato (isang passport size photograph) na may name tag tapos pwede nang mag-fill up dito (sa Camp Castaneda mismo).
Dapat walang suot na salamin, sombrero o pantakip sa ulo ang aplikante sa passport size photo na may puting background .
Iginiit ni G. Banta na wala babayarang fee ang aplikante.
Tandaan lang: kapag sinagutan ang aplikasyon dapat iwasan ang mga sumusunod para iwas diskwalipikasyon: (1) mga bura o pagpatong-patong na sagot sa mga patlang; (2) wala o kulang ang address ng tirahan; (3) walang lagda o walang isinulat na araw ng kapanganakan; (4) Inedit na larawan na magpapabago sa itsura ng mukha ng aplikante o walang passport size photo na nakabit sa aplikasyon; at (5) iba pang pagkakamali na mapapansin ng registrar.
Sa ngayon, may 17,000 aplikasyon na ang kwalipikado nang kumuha ng entrance exam.
Ang mga kwalipikado ay yung mga makakatanggap ng notisya mula PNPA sa kanilang mga e-mail address.
Ayon kay G. Banta, umabot na sa halos 20,000 ang bilang ng aplikasyon na kanilang natatangap.
Nalungkot lang si G. Banta dahil may mga lalawigan na na napakanipis ng mga aplikasyon tulad ng Palawan na may 50 aplikasyon pa lang.
Ang mga papasang aplikante (sa admission test at sa ikalawang bahagdan ng aplikasyon) sa pagka-kadete ng PNPA ay magiging iskolar sa loob ng apat na taon para sa kursong Bachelor of Science in Public Safety.
SilaĆ½ tatanggap ng buwanang sahod at allowances na aabot ng Php 29,000 bukod pa sa iba pang bonus at iba pang insentibo.
Ang PNPA sa Camp Castaneda ay matatawagan sa numerong (02) 925-5071, 0905-2525061 at 0908-2931-213. (LP)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento