Miyerkules, Pebrero 15, 2017
Suporta ng publiko sa relief and rehabilitation operation sa Surigao Del Norte, hiniling ng NDRRMC
Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ipagpapatuloy ang pagtulong sa mga lokal na pamahalaan sa Surigao Del Norte.
Ito ay para makabangon ang lalawigan lalo ang Surigao City mula sa pinsalang idinulot ng Magnitude 6.7 Earthquake.
Bagamat nakabalik na ang mga serbisyo gaya ng kuryente, telekomunikasyon at kahit paano ay tubig sa ilang lugar sa Surigao City, marami pa ring kukumpunuin ng mga tahanan, gusali at tulay na nasira ng lindol noong nakaraang linggo.
Sa pulong ng NDRRMC Response Cluster nitong Miyerkules, hinikayat ni Office of Civil Defense Deputy Administrator Kristoffer James E. Purisima ang iba’t-ibang sektor na ipagpatuloy ang diwa ng bayanihan at iwasang gumawa ng mga hakbang na makakaabala sa paghahatid ng relief goods at serbisyo sa mga kababayang nilindol.
Halos kalahati ng 30,000 family food packs at isang mobile kitchen para umalalay sa pagpapakain ng mga survivor ng lindol ang naipadala ng NDRRMC sa Surigao City.
Kabilang sa mga unang naipadala ng NDRRMC sa Surigao City ang mga high-energy biscuit (30,000 pieces), Brown Rice Bars (3,250 pieces), dignity kits, kumot, malong, kulambo, solar lamps, generation sets, CAMPOLAS kits (mga batayan gamot) at mga water purification unit.#
Ika-16 ng Pebrero, 2017
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento