Huwebes, Mayo 25, 2017

DOH: bukas ang Amai Pakpak Medical Center

Tiniyak ng Department of Health na handang tumanggap at manggamot ang Amay Pakpak Medical Center.

Bukod dito, walang na-hostage sa ospital taliwas sa mga naunang naglabasang balita.

Sa pulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, sinabi ni Health Undersecretary Herminigildo V.Valle na may mga personnel na mag-aasikaso sa may pitong pasyente na kinakalinga ng ospital.

Nagpapatuloy naman sa pag-momonitor ang NDRRMC sa mga nangyayari sa Marawi City at sa mga kalapit na bayan at sa paghahanda ng mga resources tulad relief goods at mga personnel kung sakaling kakailanganin ng militar, pulisya at ng mga lokal na pamahalaan sa Lanao Del Sur. #


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento