Makikita sa larawan mula sa video ng DOST Pagasa si Senior Weather Specialist Chris Perez habang ipinapaliwanag ang mga lugar na posibleng daanan ng Bagyong Urduja |
Kahit nasa dako pa ng Dagat Pasipiko, maagang nagpasabi ang weather bureau sa mga local disaster risk reduction and management office ng mga lokal na pamahalaan sa mga nasabing lugar na maghanda at gawin ang mga kaukulang hakbangin.
Ayon pa kay Senior Weather Specialist Chris Perez, maaring din tawirin ni Urduja ang ilang bahagi ng Katimugang Luzon batay sa kanilang forecasted track.
Kaninang ika- 3 ng umaga, tinataya ng DOST Pagasa ang bagyong Urduja batay sa lahat ng nakalap nilang datos sa layong 455 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte o 750 kilometro silangan timog silangan ng Legazpi city, Albay.
Taglay ni Urduja ang malakas na hangin na hanggang 55 kilometro bawat oras at pagbugso na hanggang 65 kilometro bawat oras.
Tinatayang kikilos si Urduya pa-hilaga-hilagang kanlurang direksyon sa bilis na 7 kilometro bawat oras
Wala pang babala ng bagyo ngunit sinabi ni Perez na maaring magkaroon mamaya o sa mga susunod na araw.
Samantala, sinabi ni Perez na may epekto pa rin ang Hanging Amihan sa Hilaga't Gitnang Luzon at ang Tail end of a cold front naman sa dako ng kabikulan at Quezon Province.
Pinapayuhan din ni Perez ang mga mangingisda at mga gumagamit ng maliliit na bangka o sasakyang pandagat na umiwas mula sa mga baybaying nakapaligid sa Hilagang Luzon, ang silangang baybayin ng Gitna at Katimugang Luzon pati na rin sa silangan baybayin ng Kabisayaan kung saan pinaiiral ang gale warning.
Inaasahang maalon hanggang sa napakaalon ang karagatan sa mga nasabing lugar na may taas na maaring umabot sa halos tatlo hanggang apat na metro. #
Miyerkules, ika-13 ng Disyembre 2017
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento