Linggo, Hulyo 15, 2018

Maritime Security Activity ng PHL Navy at Royal Australian Navy sa Palawan, mag-uumpisa ngayon

Mandirigma. Makikita sa file photo ang nagmamartsa ang isang grupo ng mga kababaihang Marine ng Naval Forces West (Navforwest)  -  Philippine Navy sa isang exercise . Magsasagawa ang Philippine Navy (Navforwest) at ang Royal Australian Navy (RAN) ng Maritime Security Activity simula ngayon hanggang ika-25 ng Hulyo. (Larawan mula sa Facebook account ng Navforwest - Philippine Navy)

Nakatakdang magsimula ngayong araw ang ika-4 na Maritime Security Activity  sa pagitan ng Philippine Navy -Naval Forces West (Navforwest) at ng Royal Australian Navy (RAN).

Ang Navforwest ang puwersang pang-dagat ng Armed Forces of the Philippiines - Western Command (Wescom).
Magtatagal ang MSA hanggang ika-25 ng Hulyo sa Palawan.
Nilalayon ng sabayang pagsasanay ng Navforwest at RAN na paglakasin ang kanilang inter-operability at koordinasyon kontra terrorismo at kidnapping.
Partikular na tutukan ng pagsasanay ay ang Naval Communication System, Planning, Individual shipboarding training, maritime surveillance at search and rescue.
Darating ang mga sasakyang pandagat ng Australya---ang HMAS Larrakin at HMAS Wollongong--- mamayang ika-9 ng umaga sa Puerto Princesa City Pier.
Magkakaroon ng ship tour sa mga sasakyan pandagat pagkaraan ng isang simpleng sermonya sa pantalan.
 Ang mga lalahok na sasakyang pandagat ng Navforwest ay ang BRP Simeon Castro (PC 374), ang BRP Carlos Albert (PC 375)at ang BRP Fort San Felipe (AGS 700).
Gaganapin ang opening ceremony sa Naval Station Apolinario Jalandoni Covered Court kung saan si Navforwest Deputy Commander Carlos V. Sabarre ang panauhing pandangal.#

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento