Biyernes, Agosto 24, 2018

WCO: oportunidad sa trabaho para sa mga TVET Graduates ng TESDA

Nakagraduate ba kayo sa TESDA (o TESDA-accredited training center) ng pagmamason, pagkakarpintero at pagwewelding?


Sinusubukan ng mga trainee ng Electrical Installation and Maintenance (EIM) course sa Buyabod School of Arts and Trades ng Sta. Cruz, Marinduque ang pagkakabit ng mga kable nitong nakaraang National Assessment Day. (larawan mula sa TESDA-Marinduque) 


Mag-aplay ng trabaho sa World Café of Opportunities (WCO) through Jobs Linkages and Networking Services sa darating na weekend.

Ang WCO ay isang istratehiya ng TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) para pagtagpo-tagpuin ang kanilang mga Technical-Vocational Education and Training (TVET) graduate at mga kumpanya o employer na mangangailangan ng kanilang serbisyo.

Idaraos ang WCO ng Mimaropa sa Bulwagang Panlalawigan, Provincial Complex ng Oriental Mindoro sa Calapan City sa Sabado (ika-25 ng Agosto, kasabay ng ika-24 na anibersaryo ng TESDA at National Tech-Voc Day).

Ayon sa TESDA Mimaropa, prioridad ang mga kababayang mayroong may kinalaman sa konstraksyon o kaya ay may hawak na  Masonry NC (National Certificate) II, Plumbing NCII, Carpentry NCII, SMAW NC II at mga kaalaman at kasanayan sa trabahong pang-turismo.

Sa mga nalalayuan sa Calapan City, abangan ang pagdaraos ng WCO sa Simeon Suan Vocational and Technical College (SSVT), Pagasa, bayan ng Bansud sa Linggo, Ika-26 ng Agosto.

Lalahok sa WCO sa Calapan City ang mga sumusunod na kumpanya:  Epson Precision Philippines, CitiMart Mall, Robinsons Retail Holdings, People Serve Multi-purpose Cooperative, Gaisano Capital Calapan, Nuciti Central Calapan, EEI Corporation, Sunway International Manpower Services, Inc., CDK International Manpower Services, Inc., Casa Ricardo’s Global, Inc,. Jeannie’s Touch Manpower Solution, Inc., Helping Hand Development Cooperative, Sevicio Filipino Incorporated, First Northern International Placement, Inc., Channel International Placement Services Corporation, Hopewell, Overseas Manpower Network, Inc., Eastwest Placement Center, Inc., Alberto Uy Construction and Development, Lumel Glenn Construction, Marcbilt Construction, Sixteen Enterprises, Newington Builders Inc., at STX  Enterprises.

Inaasahan din na magsisipunta ang mga nabanggit na kumpanya sa Bansud pagkagaling ng Calapan City.

Pero hindi lang trabaho ang mai-aalok ng WCO: mayroon ding loan programs.

May kalahok na mga banko at lending institution sa WCO na pwedeng pagtanungan ng mga TVET graduates tungkol sa pautang.

Bagay ito sa mga TVET graduate na mayroon nang pinatatakbong negosyo o kaya ay may binabalak na itayong hanap-buhay.

Para sa karagdagang detalye tumawag sa (043) – 288-2408.

Para sa mga taga-Mimaropa na interesado ngunit naninirahan sa ibang rehiyon, mangyaring tingnan ang pinakamalapit na WCO venue sa mga sumusunod na lugar:   Universitity of Baguio, Baguio City (Cordillera Autonomous Region o CAR), CSI Stadia Lacao, Dagupan City (Region I) ; Robinson’s Place Santiago City, Isabela (Region II; Robinson Starmills Pampanga (Region III); at Calabarzon sa SAVEMORE, Sta. Rosa, Laguna (Calabarzon).

Ang WCO sa National Capital Region (NCR) ay Philippine International Convention Center (o PICC sa Pasay City), Pacific Mall, Legaspi City (Bicol Region); Robinson’s Place Pavia, Iloilo (Region VI); IEC Convention Center of Cebu, Cebu City (Region VII); Tacloban City Convention Center, Tacloban City (Region VIII); KCC Mall de Zamboanga (Region IX); Robinson Cagayan de Oro (Region X);Davao Convention and Trade Center, Davao City (Region Xl); Gaisano Grand Mall Koronadal, South Kotabato (Region Xll),; Grand Palace Hotel, Butuan City (Caraga); at) sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) Compound, Cotabato City. #

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento