Lunes, Setyembre 7, 2015

Unang batch ng DOH paramedic trainees, ga-graduate na sa Martes


QUEZON CITY, ika-7 ng Setyembre ---Magsisitapos ngayong Martes ang unang batch ng mga trainee na pinag-aral ng Department of Health (DOH) para maging paramedic.

Ang paramedic ay bihasa o sanay sa pagbibigay ng paunang lunas (First Aid)  o kaya emergency medical care sa mga sugatan o may karamdaman.

Labing dalawa sa mga magsisitapos ay para sa Mimaropa na nakamotorsiklo kapag rumesponde.

"Ang mga ito (paramedics) ay mga naka-back pack--- may oxygen,  ECG machine, defibrillator, tracheostomy set, mga gamot para maka-responde agad sa mga taong nangangailangan ng tulong,"paliwanag ni  Regional Director Eduardo C. Janairo ng DOH-Mimaropa sa isang panayam.

"Ang mga gra-graduate ay pwedeng mag-inject (ng gamot) o gumamit ng defibrillator at pwede magsagawa ng minor surgery," sabi pa ni Director Janairo.

Dalawang taon ang itinagal ng pagsasanay: ilan sa mga trainee ay may background sa nursing.

Inaasahan din ni Director Janairo na magiging tagapagsanay or trainor ang mga bagong motorcyle paramedics.

Ang siyam sa mga ga-graduate ay mula sa DOH at ang nalalabi ay mula sa pribadong sektor ayon naman kay Glenn Ramos, Community Affairs and Media Relations Officer ng DOH Mimaropa.

Bukas ng gabi gaganapin sa Lungsod ng Maynila ang graduation mga DOH paramedic trainee.

Bukod kay Health Secretary Janette Garin, naanyayahan din sa graduation ang mga kalihim na sina Joel Villanueva ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Mario Montejo ng Department of Science and Technology.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento