Ipinapakita ang mga post na may etiketa na DOH Mimaropa. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na DOH Mimaropa. Ipakita ang lahat ng mga post

Martes, Enero 26, 2016

DOH asks parents to help protect children from intestinal worm infections

The Department of Health (DOH)  is encouraging parents of 5 to 12 year old children in public elementary schools to participate in the nationwide Oplan Goodbye Bulate (worm).

The region will kick-off the campaign on Wednesday at the  Jagmis Memorial Elementary School  and San Pedro Central School, Puerto Princesa City, Palawan.

Soil-transmitted helminthiasis (STH) or infections from intestinal worms may lead to cognitive impairment and malnutrition among children.

“School children harbor the highest load of infection that is why it is imperative to provide them the most effective measure to eliminate it by administering Albendazole, a 400 milligram chewable deworming drug for children, which is efficient and cost-effective” DOH Mimaropa Regional Director Eduardo C. Janairo said.

Director Janairo clarified that "deworming tablets will be given to children who will present a parent’s consent duly accomplished by their parent or guardian. Teachers were  advised to provide the drug to children who have taken their meals to avoid complication and serious adverse effect from the medicine.”

Adverse reactions such as allergy, mild abdominal pain and diarrhea may manifest within the first 10 hours after ingestion of the deworming drug.

But Director Janairo assured that these adverse reactions are "mild and transient."

Oplan Goodbye Bulate Campaign, a nationwide program implemented by DOH in partnership with the departments of Education and the Interior and Local Government,  is done twice a year simultaneously in all public elementary schools during January and July.

For Mimaropa, DOH is targeting to reach 470,947 school-based children.

Teachers and their school nurses will  provide the deworming medicine with assistance from barangay health workers and barangay nutrition scholars.

Children participating in the campaign are also expected to drilled in proper and frequent handwashing and toothbrushing. (LP)

26 January 2016

DOH, hinikayat ang mga magulang na suportahan ang Oplan Goodbye Bulate

Makikisa ang Mimaropa sa Oplan Goodbye Bulate na gaganapin ngayong Miyerkules, ika-27 ng Enero sa mga pampublikong paaralan sa elementarya.

Ang simbulong paglulunsad ng kampanya sa Mimaropa ay gaganapin sa Mateo Jagmis Memorial Elementary School at San Pedro Central School sa Puerto Princesa City, Palawan.

Nilalayon ng Oplan Goodbye Bulate ay mabigyan ng proteksyon ang mga batang lima hanggang 12 taong gulang sa mga bulate, karaniwang galing sa lupa.

Kapag may bulate sa tiyan ang bata, maaaring siyang maging malnourish.

Paliwanag ni Regional Director Eduardo C. Janairo ng Department of Health - Mimaropa,  mga bata sa paaralan ang madalas makakuha ng bulate kaya mahalagang mabigyan sila ng pamurga tulad ng Albendazole.

Ang Albendazole ay isang  400 milligramong gamot na mangunguya ng bata.

Pero paalala ni Director Janairo, ang Albendazole ay ibibigay lamang sa mga batang may dala-dalang pahintulot sa magulang at nakakain na.

Maaring makaranas ang bata ng allergy, pananakit ng tiyan o kaya ay pagtatae sa loob ng sampung oras matapos makakain ng pamurga, pero tiniyak ni Director Janairo na ang mga ito ay mawawala rin kaya walang dapat ikabahala ang mga magulang at mga guro.

Bahagi din ng kampanyang Oplan Goodbye Bulate ay sanayin ang mga bata sa wasto at madalas na paghuhugas ng kamay at pagsesepilyo.

Ang Oplan Goodbye Bulate ay isang kampanyang itinataguyod ng DOH kasama ang Department of the Interior and Local Government at ng Department of Education.

Ang mga magbibigay ng pamurgang gamot ay ang mga guro at mga nars sa paaralan at silaý aalalayan ng mga barangay health workers at barangay nutrition scholars.

Sa Hulyo ang susunod na pagbibigay na pamurga sa mga bata sa elementarya.

Para sa Mimaropa, target ng DOH na maabot ng Oplan Goodbye Bulate ang may 470,947 na mga bata sa mga paaralan. (LP)

26 Enero 2016

Lunes, Setyembre 7, 2015

Unang batch ng DOH paramedic trainees, ga-graduate na sa Martes


QUEZON CITY, ika-7 ng Setyembre ---Magsisitapos ngayong Martes ang unang batch ng mga trainee na pinag-aral ng Department of Health (DOH) para maging paramedic.

Ang paramedic ay bihasa o sanay sa pagbibigay ng paunang lunas (First Aid)  o kaya emergency medical care sa mga sugatan o may karamdaman.

Labing dalawa sa mga magsisitapos ay para sa Mimaropa na nakamotorsiklo kapag rumesponde.

"Ang mga ito (paramedics) ay mga naka-back pack--- may oxygen,  ECG machine, defibrillator, tracheostomy set, mga gamot para maka-responde agad sa mga taong nangangailangan ng tulong,"paliwanag ni  Regional Director Eduardo C. Janairo ng DOH-Mimaropa sa isang panayam.

"Ang mga gra-graduate ay pwedeng mag-inject (ng gamot) o gumamit ng defibrillator at pwede magsagawa ng minor surgery," sabi pa ni Director Janairo.

Dalawang taon ang itinagal ng pagsasanay: ilan sa mga trainee ay may background sa nursing.

Inaasahan din ni Director Janairo na magiging tagapagsanay or trainor ang mga bagong motorcyle paramedics.

Ang siyam sa mga ga-graduate ay mula sa DOH at ang nalalabi ay mula sa pribadong sektor ayon naman kay Glenn Ramos, Community Affairs and Media Relations Officer ng DOH Mimaropa.

Bukas ng gabi gaganapin sa Lungsod ng Maynila ang graduation mga DOH paramedic trainee.

Bukod kay Health Secretary Janette Garin, naanyayahan din sa graduation ang mga kalihim na sina Joel Villanueva ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Mario Montejo ng Department of Science and Technology.