Makikisa ang Mimaropa sa Oplan Goodbye Bulate na gaganapin ngayong Miyerkules, ika-27 ng Enero sa mga pampublikong paaralan sa elementarya.
Ang simbulong paglulunsad ng kampanya sa Mimaropa ay gaganapin sa Mateo Jagmis Memorial Elementary School at San Pedro Central School sa Puerto Princesa City, Palawan.
Nilalayon ng Oplan Goodbye Bulate ay mabigyan ng proteksyon ang mga batang lima hanggang 12 taong gulang sa mga bulate, karaniwang galing sa lupa.
Kapag may bulate sa tiyan ang bata, maaaring siyang maging malnourish.
Paliwanag ni Regional Director Eduardo C. Janairo ng Department of Health - Mimaropa, mga bata sa paaralan ang madalas makakuha ng bulate kaya mahalagang mabigyan sila ng pamurga tulad ng Albendazole.
Ang Albendazole ay isang 400 milligramong gamot na mangunguya ng bata.
Pero paalala ni Director Janairo, ang Albendazole ay ibibigay lamang sa mga batang may dala-dalang pahintulot sa magulang at nakakain na.
Maaring makaranas ang bata ng allergy, pananakit ng tiyan o kaya ay pagtatae sa loob ng sampung oras matapos makakain ng pamurga, pero tiniyak ni Director Janairo na ang mga ito ay mawawala rin kaya walang dapat ikabahala ang mga magulang at mga guro.
Bahagi din ng kampanyang Oplan Goodbye Bulate ay sanayin ang mga bata sa wasto at madalas na paghuhugas ng kamay at pagsesepilyo.
Ang Oplan Goodbye Bulate ay isang kampanyang itinataguyod ng DOH kasama ang Department of the Interior and Local Government at ng Department of Education.
Ang mga magbibigay ng pamurgang gamot ay ang mga guro at mga nars sa paaralan at silaĆ½ aalalayan ng mga barangay health workers at barangay nutrition scholars.
Sa Hulyo ang susunod na pagbibigay na pamurga sa mga bata sa elementarya.
Para sa Mimaropa, target ng DOH na maabot ng Oplan Goodbye Bulate ang may 470,947 na mga bata sa mga paaralan. (LP)
26 Enero 2016
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento