LUNGSOD
QUEZON, ika-21 ng Enero --- Hindi man natuloy ang mga kandidata
ng Ms. Universe sa Palawan, dadalaw naman ang kasalukuyang Ms.
Universe na si Pia Wurtzbach sa nakabibighaning Coron.
2013 Ms. Universe Gabrielle Isler ng Venezuela (gitna). Larawan galing sa CordAid |
Pupuntahan
ni Pia ngayong Sabado ang Integrated Watershed Management for Climate
Resilience in Coastal Communities Project sa Barangay Malawig na isa
sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Yolanda.
Sa Noong 2014, dumalaw at nakiramay din ang 2013 Miss Universe na si Gabrielle Isler sa Coron sa imbitasyon ng CordAid (Catholic Organization for Relief and Development Aid). Malalim ang partisipasyon sa nasabing proyekto ang isang kumunidad ng
katutubong Tagbanwa na karamihan ay mga kababaihan.
Sa pagdalaw nina Pia at Gabrielle, nababatid ng mga kababayan sa ibang panig ng bansa at maging sa buong mundo ang sinapit at kalagayan ng mga nakaligtas sa Bagyong Yolanda.
Ayon
kay Fr. Edwin Gariguez, ang Executive Secretary ng National
Secretariat for Social Action (NASSA)/Caritas Philippines,
katanggap-tanggap sa Simbahang Katolika ang proyekto dahil nilalayon
nitong bigyan kaalaman, kasanayan at kumpiyansa ang mga kababaihan at
mga kababayang katutubo.
Pinangangasiwaan
ng CordAid ang
proyekto kabalikat ang Simbahan Katolika sa pamamagitan ng
NASSA/Caritas Philippines at ang Apostolic Vicariate of Taytay-Social
Action Center (AVT-SAC).Sumusuporta
rin ang pamahalaang bayan ng Coron at ng Miss Universe Foundation.
Dahil
sa proyekto, nahahasa ang kakayahan ng mga kababaihan para malagpasan
ang mga bantang panganib mula sa kalikasan, nagbabagong klima at
kalamidad.
Ito
ay sa pamamagitan ng paggamit ng mga paraan ng pangangasiwa sa lupa
at katubigan na angkop at katanggap-tanggap sa kulturang katutubo.Bukod,
nagkakaroon ng pagkakataon ang mga benepisyaryong katutubo na
matutunan ang mga gawain tulad ng paggugulay at paggawa ng
handicrafts para mayroon silang kabuhayan.
Isang sa mga benepisyaryo ng proyekto na ininspeksyon ang kanyang gulayan sa Coron |
Ang
CordAid ang isa sa mga samahan tumulong sa mga kababayang pininsala
ng Bagyong Yolanda. (LP/NASSA/Caritas Philippines)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento