Humina't bumagal man ang Bagyong Chedeng, mapanganib pa rin.
"Medyo umangat kaunti ang direksyon. Kaninang umaga, sinabi natin ang direksyon nito ay West-North-West...ay ngayon po ang direksyong tinatahak ng Bagyong Chedeng ay pa-Northwest o hilagang kanluran. Sa puntong po yang, ang tinutumbok na tinataya ng forecast ng Pagasa ay etong boundary ng Isabela at Aurora," sabi kagabi ni Undersecretary Alexander Pama sa press briefing ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
"Ang sinasabi namin, may parating na bagyo, ibayong pag-iingat...pakinggan po natin ang abiso ng ating mga lokal na pamahalaan," ani Usec Pama.
Ayon sa Pagasa, gabi ng Easter Sunday inaasahang tatama sa kalupaan ng Aurora at Isabela batay sa kanilang pang-alas onseng forecast kagabi
Sabi sa forecast, taglay ng Bagyong Chedeng ang lakas ng hangin na 165 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 200 kilometro bawat oras.
May limang daang kilometro pa rin ang lapad ng bagyo ngunit sa loob ng ika-150 hanggang 200 kilometrong radius nito ay may katamtaman hanggang mabigat na pag-ulan.
Una rito, nagpaliwanag sa isang briefing sa NDRRMC si Pagasa Deputy Administrator Jun Dalida hinggil sa pagbagal at paghina ng bagyo.
Ani Dalida, may dalawang high pressure area na nakaharang sa dinadaanan ng Bagyong Chedeng sa karagatan.
Malamig ang temperatura ng dalawang high pressure area at hindi pabor sa mga bagyo kaya hindi makatuloy-tuloy si Chedeng.
Mula sa dating 19 kilometro kada oras ay naging 15 kilometro bawat oras ang pagkilos ng bagyo mula pa kahapon.
Ang mainit na temperatura ang hinahanap ng bagyong Chedeng: kaya pa-hilaga ang pagkilos nito kung saan mas mainit-init ang karagatan.
Pwede ring magbago ang direksyon ng bagyong Chedeng kung mawawala ang dalawang high pressure area na nakaharang.
Mapapanood ang press briefing kagabi ni Usec Pama sa http://t.co/8ILFapOQNn at http://t.co/DqMU6v0fUt .
Mapapanood ang press briefing kagabi ni Usec Pama sa http://t.co/8ILFapOQNn at http://t.co/DqMU6v0fUt .
3 Abril 2015
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento