Miyerkules, Hulyo 27, 2016

COMELEC: HANGGANG JULY 30 LANG ANG PAGPAPATALA SA HALALANG PAMBARANGAY AT SK

Umaapila ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kababayang hindi pa nakapagpaparehistro para sa darating na halalang pambarangay at sangguniang kabataan (SK) na magpatala na habang may panahon pa.

Sa pinakahuling nilang paalala, iginiit ng Comelec na hindi na palalawigin pa ang mga araw na inilaan para sa pagpapatala ng mga botante.

Ang huling araw ng pagpaparehistro ng botante ay sa Ika-30 ng Hulyo.

Umabot palang sa 1,181,139  ang bilang ng mga nagpa-rehistro mula ika-15 hanggang 23 Hulyo batay sa pinakahuling datos ng Comelec.

Ang Barangay and SK Elections ay idaraos sa ika-31 ng Oktubre, 2016.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, anomang pagpapalawig ng palugit sa ngayon ay makakaapekto sa kanilang paghahanda sa Project of Precincts o POPs.

Ang POPs ay naglalaman ng datos hinggil sa bilang ng mga presinto, ng mga botante at ng kanilang voting centers.  #

27 Hulyo 2016
  

COMELEC: NO EXTENSION OF REGISTRATION FOR BARANGAY AND SK POLLS


The Commission on Elections will not extend the July 30 deadline of the voter’s registration period for the 2016 Barangay and Sangguniang Kabataan elections.

Chairman Andres Bautista said that an extension will impact their preparations for the Project of Precincts (POPs) which contain data on the number of established precincts, respective number of registered voters, and their voting centers. He advised the public not to wait for the last minute to register.

There were 1,181,139 applicants who registered from July 15 to 23 based on latest COMELEC data. 

The Barangay and SK Elections will be held on October 31, 2016. #


FOR THE OFFICE OF DIR. JAMES JIMENEZ

Very truly yours,



Liezel G. Macasu
EID COMELEC
525 9294

27 July 2016


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento