Tatlong proyekto ang pinagtuunan ng pansin ng Department of Science and Technology - Mimaropa para makatulong ng lubusan sa mga kababayan.
Isa rito ang solar power source na pinagyaman ng kagawaran para suportahan ang Telemedicine project ng Department of Health - Mimaropa.
Ang isa pa ay ang isang website para mapalawak ang kaalaman ng mga kababayan at dayuhan sa mga magagandang pasyalan ng rehiyon.
at ang panghuli ang paggawa ng isang mobile application para makabili ang mga kababayan ng mga de-kalidad na produktong Mimaropa.
Lahat ng proyekto ay tampok sa isang exhibit sa Xentrol Mall sa Calapan City bilang pagdiriwang ng regional Science and Technology Week na may temang "Changing Lives through Science."
Para sa karagdagang detalye, panoorin si Dr. Ma. Josefina Abilay, ang regional director ng DOST-Mimaropa sa panayam na ito.
Nasa ibaba ang iba pang aktibidad ng exhibit ng DOST-Mimaropa sa Calapan.
Ika-22 ng Hulyo, 2016
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento