Biyernes, Hulyo 8, 2016
Butchoy tumawid na sa Katimugan Taiwan pero pinalalakas pa rin ang Hagabat
Nakatawid na ang Bagyong Butchoy (NEPARTAK) sa Katimugang Taiwan ayon sa Severe Weather Bulletin No. 12 Department of Science and Technology - Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomic Services Administration (DOST-Pagasa).
Patuloy man sa paglayo sa bansa ang Bagyong Butchoy, patuloy pa rin nitong palalakasin ang Habagat (o Southwest monsoon) para magpadala ng katamtaman hanggang manaka-nakang mabigat na pag-ulan sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Zambales, Bataan, Batangas, Pangasinan, Calamian group of Islands at sa dalawang lalawigan ng Mindoro.
Pinapayuhan ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ng Mimaropa ang mga kababayan sa nasabing mga lugar na ipagpatuloy ang pag-iingat at paghandaan ang mga baha sa mga lugar na bulubundukin, nasa dalisdis o di kaya mababa
Sa mga naglalayag, mabuti munang ipagpaliban muna ang pagbiyahe sa karagatan hanggang bumuti ang panahon.
ENGLISH
Butchoy crosses Southern Taiwan but still enhances Southwest Monsoon
Typhoon Butchoy (NEPARTAK) has crossed into Southern Taiwan based on the Severe Weather Bulletin No. 12 of the Department of Science and Technology - Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomic Services Administration (DOST-Pagasa).
Although Butchoy continues to move away from the Philippines, it continues to enhance the Southwest Monsoon bring rains over Metro Manila, Cavite, Laguna, Zambales, Bataan, Batangas, Pangasinan, Calamian group of Islands and the Mindoro provinces.
The Regional Disaster Risk Reduction and Management Council-Mimaropa urges kababayans especially those who live along mountainous and low areas to take precautions, listen to instructions of provincial disaster risk reduction and management councils and municipal risk reduction and management offices, and prepare for flooding and even landslides.
Travellers are advised to reschedule sea travels until the weather improves.
8 July 2016
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento