Miyerkules, Hunyo 29, 2016

DSWD-Mimaropa's latest Listahanan offers new insights in the regional profile

The latest Listahanan of the Department of Social Welfare and Development - Mimaropa is offering new information about the poverty situation in the region.

Apart from the inclusion of kababayans unlisted in the first Listahanan, DSWD Mimaropa Regional Director Wilma Naviamos  said there are studies on the impact of social protection programs such Patawid Pamilya Pilipino Program, Sustainable Livelihood Program and PhilHealth.

More than 569,000 households in  Mimaropa were assessed under the Listahanan and about  207,863 were identified as poor.

Listahanan has data on women, children, youth, senior citizens, Indigenous People’s  and Persons with Disability; health and sanitation; and access to basic needs and social services.

Director Naviamos said the launching of Listahanan 2, scheduled June 30 in Puerto Princesa City, aims to involve local governments and other private institutions  in poverty reduction activities.

To become data users of Listahanan, local governments and private instition must be willing to sign  a memorandum of agreement with the DSWD Mimaropa ensuring that the information will be used to help poor households identified in the listing. (LP)

SALIN SA PILIPINO

QUEZON CITY, Ika-30 Ng Hunyo (PIA) --- Ilulunsad ngayong araw na ito ng Department of Social Welfare and Development - Mimaropa ang Listahanan 2 sa Puerto Prinsesa City, Palawan.

"Ito'y pagbibilang ng mga mahihirap na pamilya sa rehiyon na hindi nakasama sa unang Listahanan at pagsusuri rin sa kalalagayan ng mga naunang nakasama sa Listahanan noong 2010," ayon kay Director Wilma Naviamos ng DSWD-Mimaropa.

Ang pagsasama sa mga datihang nakaasama sa Listahanan sa pagsusuri ay para mabatid kung anong pagbabagong naganap sa kanilang buhay magmula noong makasama sa Patawid Pamilyang Pilipino Program at iba pang social protection program.

Kabilang sa mga social protection program ay ang Sustainable Livelihood Program at ang PhilHealth.
Sa paglulunsad ng Listahanan 2, maari narin magamit ng mga kabalikat na samahan ng DSWD Mimaropa gaya ng mga lokal na pamahalaan at pribadong ang datos para mapakinabangan ng mga kababayang nasa Listahanan ang kanilang mga programa,

Mahigit sa 569,000 sa Mimaropa ang bilang ng mga kabahayang na sinuri para sa Listahanan 2 at  207,863 ang natukoy na mahihirap.

Makikita sa datos ng una at ikalawan Listahanan ang bilang ng mga maralita hanggang sa barangay. Natukoy din sa datos kung sino-sino ang nabibilang sa sektor ng kababaihan, kabataan nakatatandaa, katutubo at mga may-kapansanan.

Tukoy din sa datos ang kalagayan ng kanilang kalusugan, kalinisan at kung nakikinabang sa mga batayang serbisyo.

Para makagamit ng datos ng Listahanan, ayon kay Director Naviamos, kailangan mayroon nilagdaang memorandum of agreement ang isang ahensiya o institusyon sa DSWD-Mimaropa.

Lahat ng ahensiya na mayroong MOA sa DSWD-Mimaropa ay kailangan magsumite ng ulat kung paano ginamit ang datos ng Listahanan. (LP)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento