Ang munisipiyo ng Naujan, Oriental Mindoro ang magiging sentro ng pagdaraos ng earthquake drill sa Mimaropa.
tulad ng pagdaraos ng earthquake drill sa Kalakhang Maynila at sa iba pang rehiyon, ang pagdaraos ng earthquake drill ay pagkakataon para masubukan ang mga plano ng bayan kapag lumindol.
Batay sa ipinadalang dokumento ng Office of Civil Defense-Mimaropa, ang pagpapraktisan ng bayan ang isang lindol na may lakas na intensity 7.
Tulad ng dati, maguumpisa ang drill sa ganap na alas- 9 ng umaga mamaya kasabay ng pagtunog ng alarma.
Habang umuugong ang alarma, isasagawa ng mga kawani at ng iba pang kalahok ng pagdapa, pagtago at pagkapit o mas kilalang duck, cover and hold.
Kasama sa scenario ng Naujan ang pagguho ng ilang bahagi ng gusali ng munisipiyo, pagkaka-kulong ng mga kawani sa mga guho at pagkakaroon ng sunog sa ikalawang palapag.
Narito ang iba pang detalye ng earthquake scenario sa Naujan na resrespondehan ng munisipiyo.
Tatanggap ang Naujan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng ulat hinggil sa detalye at tatawag ang Municipal Administrator sa MDRRMO Chairperson para humingi ng tulong. Bilang tugon, magpapadala ang Alkalde ng mga responder sa lugar.
Itatayo ng MDRRMO a incident command post na pamumunuan ng isang MDRRMO officer at tatawagin siyang Incident Commander. Tatangap ang Incident command post ng ulat hinggil sa pagkakaipit ng 10 kawani sa mga guho at pagkakasugat ng dalawang department head. Ang mga darating na responder ay magtutungo sa Incident Command post para makakuha ng detalye ng sitwasyon. Itatakda naman ng Medical team ang triage area kung gagamutin ang mga sugatan at ikakasa ang search and rescue operation. Pagkagaling sa Incident Command Post, pupunta naman sa bahagi ng sunog ang mga bumbero.
Sa puntong ito, isinasagawa ang pagbilang ng mga kawani't bisita ng munisipiyo.
Pagkaraan ng isang oras, inaaasahang maiaalis na ang mga naipit o nakulong na kawani at mabibigyan ng first aid ang mga sugatang department head. Ipapadala ang mga sugatan sa pinakamalapit na ospital para sa karagdagang pagsuri.
Inaasahang kumpleto na ang pagbibilang ng mga kawani sa oras na ito.
Magsasagawa naman ng assessment ang mga safety officer bago pasukin ang gumuhong gusali.#
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento