Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Oriental Mindoro. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Oriental Mindoro. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Agosto 12, 2016

SLPRSD says Habagat to send rains over Oriental Mindoro


Southern Luzon Pagasa Regional Services Division (SLPRSD) says monsoon rains will be experienced over Oriental Mindoro. Kababayans are advised to take precautions as monsoon rains may trigger floods and landslides. 

See  flood (http://bit.ly/2aPWIMk) at landslide (http://bit.ly/2baOCPy)susceptibility maps for reference.

Cloudy skies with light to moderate rains and thunderstorms will prevail over Romblon and Marinduque. Moderate to strong winds blowing from the southwest will prevail with moderate to rough seas. Forecast was issued today 12 August 2016, valid until 5:00 pm tomorrow (Saturday).

12 August 2016



SLPRSD: Habagat magpapadala ng ulan sa Oriental Mindoro

Inihayag ng Southern Luzon Pagasa Regional Services Division (SLPRSD) na makakaranas ng ulan dala ng habagat ang Oriental Mindoro. Dahil maaring magdulot ng pagguho ng lupa at pagbaha ang mga ganitong ulan, pinapayuhan ang mga kababayan na dagdagan ang pag-iingat.

Tingnan ang mga flood (http://bit.ly/2aPWIMk) at landslide (http://bit.ly/2baOCPy)susceptibility maps para magabayan ng inyong aksyon.

Maulap na kalangitan may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Romblon at Marinduque.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran ang iiral at ang mga baybaying-dagat ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Ang pagtaya ng panahon ay inilabas ngayon ika-12 ng Agosto at epektibo hanggang bukas, ika-5 ng umaga ng Sabado.

12 Agosto 2016

SLPRSD says Habagat to send rains over Oriental Mindoro


Southern Luzon Pagasa Regional Services Division (SLPRSD) says monsoon rains will be experienced over Oriental Mindoro. Kababayans are advised to take precautions as monsoon rains may trigger floods and landslides. 

See  flood (http://bit.ly/2aPWIMk) at landslide (http://bit.ly/2baOCPy)susceptibility maps for reference.

Cloudy skies with light to moderate rains and thunderstorms will prevail over Romblon and Marinduque. Moderate to strong winds blowing from the southwest will prevail with moderate to rough seas. Forecast was issued today 12 August 2016, valid until 5:00 pm tomorrow (Saturday).

12 August 2016



SLPRSD: Habagat magpapadala ng ulan sa Oriental Mindoro

Inihayag ng Southern Luzon Pagasa Regional Services Division (SLPRSD) na makakaranas ng ulan dala ng habagat ang Oriental Mindoro. Dahil maaring magdulot ng pagguho ng lupa at pagbaha ang mga ganitong ulan, pinapayuhan ang mga kababayan na dagdagan ang pag-iingat.

Tingnan ang mga flood (http://bit.ly/2aPWIMk) at landslide (http://bit.ly/2baOCPy)susceptibility maps para magabayan ng inyong aksyon.

Maulap na kalangitan may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Romblon at Marinduque.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran ang iiral at ang mga baybaying-dagat ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Ang pagtaya ng panahon ay inilabas ngayon ika-12 ng Agosto at epektibo hanggang bukas, ika-5 ng umaga ng Sabado.

12 Agosto 2016

Martes, Hunyo 21, 2016

Naujan, Oriental Mindoro, pangungunahan ang earthquake drill sa Mimaropa

Ang munisipiyo ng  Naujan, Oriental Mindoro ang magiging sentro ng pagdaraos ng  earthquake drill sa Mimaropa.  

tulad ng pagdaraos ng earthquake drill sa Kalakhang Maynila at sa iba pang rehiyon, ang pagdaraos ng earthquake drill ay pagkakataon para masubukan ang mga plano ng bayan kapag lumindol.
Batay sa ipinadalang dokumento ng Office of Civil Defense-Mimaropa, ang pagpapraktisan ng bayan ang isang lindol na may lakas na intensity 7.

Tulad ng dati, maguumpisa ang  drill sa ganap na alas- 9 ng umaga mamaya kasabay ng pagtunog ng alarma.

Habang umuugong ang alarma, isasagawa ng mga kawani at ng iba pang kalahok ng pagdapa, pagtago at pagkapit o mas kilalang  duck, cover and hold.
Kasama sa scenario ng Naujan ang  pagguho ng ilang bahagi ng gusali ng munisipiyo, pagkaka-kulong ng mga kawani sa mga guho at pagkakaroon ng sunog sa ikalawang palapag.

Narito ang iba pang detalye ng earthquake scenario sa Naujan na resrespondehan ng munisipiyo.
Tatanggap ang Naujan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng ulat hinggil sa detalye at tatawag ang Municipal Administrator sa MDRRMO Chairperson para humingi ng tulong.  Bilang tugon, magpapadala ang Alkalde ng mga responder sa lugar. 

Itatayo ng MDRRMO a incident command post  na pamumunuan ng isang  MDRRMO officer at tatawagin siyang Incident Commander. Tatangap ang Incident command post ng ulat hinggil sa  pagkakaipit ng  10 kawani sa mga guho at pagkakasugat ng dalawang  department head. Ang mga darating na responder ay magtutungo sa  Incident Command post para makakuha ng detalye ng sitwasyon. Itatakda naman ng Medical team ang  triage area kung gagamutin ang mga sugatan at ikakasa ang search and rescue operation. Pagkagaling sa Incident Command Post, pupunta naman sa bahagi ng sunog ang mga bumbero.

Sa puntong ito, isinasagawa ang pagbilang ng mga kawani't bisita ng munisipiyo.
Pagkaraan ng isang oras, inaaasahang maiaalis na ang mga naipit o nakulong na kawani at mabibigyan ng first aid ang mga sugatang department head. Ipapadala ang mga sugatan sa pinakamalapit na ospital para sa karagdagang pagsuri.

Inaasahang kumpleto na ang pagbibilang ng mga kawani sa oras na ito.
Magsasagawa naman ng assessment ang mga safety officer bago pasukin ang gumuhong gusali.#

Linggo, Disyembre 13, 2015

Six ports in Mimaropa suspend operations due to Nona



QUEZON CITY, December 14 (PIA)---At least six ports in Mimaropa have suspended operations in response to the public storm warning signals raised by Pagasa DOST  due to Typhoon Nona.

These ports are Poctoy (Odiongan) and Romblon (Romblon town) of Romblon; Banalacan (Mogpog) and Cawit (Boac) of Marinduque; and Calapan (Calapan) and Dangay (Roxas) in Oriental Mindoro.

Once a public storm warning signal (PSWS) is in effect in a province, the Philippine Coast Guard will not allow any kind of vessel to sail except for those ships that are already in the ocean and searching for shelter.

As of 11 Sunday night, Romblon and Marinduque are under PSWS No. 2 while Oriental Mindoro is still under PSWS No. 1.


The seas covered by PSWS No. 2 will have 4 – 14 meter high waves and storm surges may occur in coastal barangays.  #

Dahil kay Bagyong Nona, babala ng bagyo nakataas sa Romblon, Marinduque at Oriental Mindoro


Itinaas ng Pagasa-DOST ang kanilang babala sa bagyo sa ilang mga lalawigan sa Mimaropa para makapaghanda sa paparating na bagyong si Nona.

Kaninang 7 ng gabi, nagpalabas ang Pagasa ng Severe Weather Bulletin No. 6-A kung saan pinaiiral ngayon sa Romblon ang Public Storm Signal No.2.
Nananatili ang Public Storm Signal No. 1 sa Marinduque ngunit kasama na nito ang Oriental Mindoro.
Kapag may Signal No. 2 sa lugar, antimanong walang pasok sa kindergarten, elementarya at highschool.
Kung Signal No. 1 naman, kindergarten lang ang antimanong walang pasok.
Pinapayuhan ang mga biyahero na kumunsulta muna sa Coast Guard District Southern Tagalog dahil karaniwan pinagbabawalan nang pumalaot ang anumang sasakyang pandagat sa sandaling nakataas na ang babala ng bagyo sa kanilang mga lugar.
Batay ito sa Memorandum Circular No. 02-13 ng Coast Guard kung saan sinasabing walang sasakyang pandagat ang papayagan makapaglayag kapag nakataas ang anumang babala ng bagyo sa kinalulugaran nito maliban lang kung maghahanap ng  masisilungan. 
CGD Southern Tagalog ay matatawagan sa numerong (043) 723-5624, 0919-9940067 at 0917-8732091 o kaya sa Coast Guard Substation Batangas sa 0918-2673510 o kaya sa Coast Guard Substation Romblon sa 0929-6864370.
Para sa Oriental Mindoro, tawagan ang Coast Guard Substation Oriental Mindoro sa 0947-9443845. 
Para naman sa byaheng Marinduque, tawagan muna ang Coast Guard Southern Luzon sa numerong 0929-6864188 o kaya sa Coast Guard Substation Lucena sa 0939-4631052. 
Ang mga lugar sa ilalim ng PSWS No. 2 ay makakaranas ng lakas hg hangin mula  61 hanggang 120 kilometro bawat oras sa loob ng 24 oras mula nang maipalabas ang babala.
Ang mga ganitong kalalakas ng hangin ay may kakayahan magpayuko ng mga poste ng ilaw at tore, magpalipad ng mga lumang bubong, makabunot o makapagpatumba ng puno, makasira ng palayan at maisan, at iba pang malilit hanggang katamtamanang pinsala.
Sa karagatan, ang mga alon ay maaring tumaas mula apat hanggang 14 na metro at posibleng magkaroon ng daluyong o storm surge sa mga baybaying barangay.
Tatlumpu hanggang anim na pung kilometro bawat oras ang lakas ng hangin na mararamdaman sa mga probinsyang nasa ilaim ng PSWS No.1.
Nanganganib sa ganitong mga hangin  ang mga kabahayan  na gawa sa mga magagaan na materyales at ang mga palay na namumulaklak pa lang. #


Linggo, Disyembre 7, 2014

Bagyong Ruby patawid ng Mimaropa: mga kababayan, pinag-iingat ng NDRRMC


Ang larawang ito ay mula sa Pagasa-DOST

Pinaghahanda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga bayan sa Hilagang Mindoro dahil ito ang susunod na dadaanan ng Bagyong Ruby mamayang gabi.

“Paalala natin sa ating mga kababayan, kung hindi importante ang inyong lakad ay manatili sa inyong tahanan. Kung mayroon pa kayong kailangan kumpunuin, ngayon na po...this is the time na dapat gawin yan at maghanda po kayo ng inyong emergency survival kits para kung saka-sakali kailangan ninyo agad mag-evacuate ay mayroon po kayong magagamit agad para sa inyong pamilya,” sabi ni NDRRMC Public Affairs Chief Romina Marasigan kaninang umaga sa isang briefing.

Napag-alaman na may mga lokal na pamahalaan tulad sa Oriental Mindoro ang magsasagawa ng force evacuation ngayong maghapon sa mga lugar na bahain, pagguhuan ng lupa o kaya ay madaanan ng daluyong o storm surge.

Sa huling ulat ng Pagasa-DOST kaninang alas-5 ng umaga, binaybay ng Bagyong Ruby kagabi at kaninang madaling araw ang Sibuyan Sea sa halip na dumaan sa kalupaan ng alinmang isla sa Romblon.

Gayumpaman, dahil sa lapad ng bagyo, nakaranas pa rin ng malakas ng hangin at pag-ulan ang lalawigan at iba pang lugar na malapit sa dinadaanan ni Ruby.
Sa loob ng kanyang 450 kilometrong dayametro, aabot sa 5-15 millimetro ng ulan kada oras ang kayang ibuhos ng bagyo.

Tinataya ng Pagasa-DOST na mga bandang ika-6 hanggang ika-8 ngayong gabi darating ang Bagyong Ruby sa Hilagang Mindoro kung hindi magbabago ang direksyon nito.

Namataan ang mata ng Bagyong Ruby kaninang alas-4 ng umaga sa layong 110 kilometro Hilagang-kanluran ng Masbate City o 50 kilometro Hilagang-silangan ng Romblon, Romblon.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 120 kilometro bawat oras na may pagbugso ng 150 kilometro bawat oras.

Tinataya rin na kikilos ang Bagyong Ruby sa kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometro bawat oras.

Dahil dito, pinairal ng Pagasa-DOST ang Public Storm Warning Signal No. 3 sa Oriental Mindoro, Occidental Mindoro pati Lubang Island, Marinduque, Romblon, Burias Island, Batangas, Laguna, Cavite at Katimugang Quezon.

Public Storm Warning Signal No. 2 naman sa Masbate, Calamian Group of Islands, Bulacan, Bataan, Hilagang Quezon, Rizal, Camarines Sur, Camarines Norte, Metro Manila, Semirara Island, Aklan at Capiz.

Inaasahan ng Pagasa-DOST na ganap na mararanasan ng Metro Manila ang pagbuhos ng ulan at hangin mga dalawang oras matapos makaraan ang Bagyong Ruby sa Hilagang bahagi ng Mindoro.

Ang mga lalawigan sa nasa ilalim ng Signal No. 3 at Signal No. 2 ay posibleng maharap sa biglaang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga mababa at bulunbunduking lugar.

Ang mga baybayin naman ng mga lugar na ito ay pwedeng pangyarihang ng mga dambuhalang alon: mga dalawang metrong taas ng tubig sa Signal No. 3 at isang metro naman sa Signal No. 2.

Nakataas naman sa Public Storm Warning Signal No.1 ang Polillo Island, Zambales, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Catanduanes, Hilagang Palawan pati isla ng Cuyo, Albay, Sorsogon, Northern Samar, Iloilo, Antique, Biliran at Bantayan Island.

Ayon sa Pagasa-DOST, makupad ang andar ng Bagyong Ruby dahil may mga pangyayari gaya ng pagpasok ng Amihan (Northeast Monsoon) ang nakakaapekto sa kanyang pagkilos kaya maaring abutin ng ilang araw pa ang bagyo sa bansa.

Posibleng huwebes pa makalabas ng Pilipinas ang Bagyong Ruby batay na rin sa pagtaya ng Pagasa-DOST, ayon pa kay Marasigan.


Ang Amihan at ang Bagyong Ruby ang mga dahilan para maging maalon hanggang sa napakaalon ng karagatan sa Mimaropa kaya pinapayuhan ng mga awtoridad ang mga nagmamay-ari ng mga maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot. (LP)

08 Disyembre 2014, 9:30 am

Sabado, Setyembre 20, 2014

Pamahalaan, hiniling sa mga mamamayan ang kooperasyon sa panahon ng kagipitan

QUEZON CITY, Setyembre 21, (PIA): Magtiwala at sumunod sa bilin ng mga lokal na pamahalaan tuwing  nagsusungit ang panahon.

Ito ang mga magkakahiwalay ngunit nagkakaisang panawagan nina Interior and local Government Secretary Mar Roxas, Executive Secretary Jojo Ochoa at National Disaster Risk Reduction and Management Council Executive Director Alexander Pama sa mga mamamayan bago pa man pagtulungan bayuhin ng Bagyong Mario at ng hanging habagat ang halos buong Luzon.

Isa na rito ang paglikas sa mga ligtas na lugar o evacuation center kung ang tinitirahan ay mababa o madaling bahain.

Sa Mimaropa, naka-alerto ang mga ahensiyang kabilang sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, mga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council at  mga katulad nitong mga organisasyon gaya ng City Disaster Risk Reduction and Management Office at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa posibleng epekto ng habagat sa rehiyon.

Agad naglabas ng mga babala ang mga substation ng Coast Guard District Southern Luzon at Coast Guard District – Palawan sa mga sasakyan-dagat, maliit man o malaki matapos makakuha ng abiso mmula sa Pagasa-DOST.

Naka-antabay naman ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP-Mimaropa) sa lahat ng police provincial offices at Bureau of Fire Protection (BFP-Mimaropa) sa posibleng suportang kakailanganin ng mga lokal na pamahalaan.

Nakababad naman pagbabantay ang Department of Health – Mimaropa samantalang naghanda sa pagpoposisyon ng mga relief supply ang Department of Social Welfare and Development para sa mga lugar at islang malalayo at mahirap mapuntahan.

Binuhay naman ng Department of Public Works and Highways – Mimaropa ang kanilang mga Motor Vehicle User Charge teams at maintenance crew para sumugod at magkumpuni ng mga masisirang kalsada at mababarahang lansangan.

Tulad ng Coast Guard, PNP at BFP, ang Red Cross ng Calapan at ang 4th Infantry Battalion ng Philippine Army  ay naghanda ng mga emergency - rescue unit para sumagip ng mga taong masusugatan, maiipit sa kanilang binahang bahay at ibang suportang kakailanganin ng mga lokal na pamahalaan.

Tuloy-tuloy naman ang pagdaloy ng impormasyon mula sa Office of Civil Defense – Mimaropa (OCD-Mimaropa) na walang tigil na nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at pang-rehiyong ahensiya.


At sa abot ng kanilang makakaya, sinikap ng Philippine Information Agency – Mimaropa makatulong sa paghahatid ng mga impormasyong galing sa OCD-Mimaropa, mga substation ng Coast Guard District Southern Tagalog at Coast Guard District Palawan at mga lokal na pamahalaan ng Romblon at Marinduque. 

Kasama ng PIA-Mimaropa ang ilang mga kasamahan sa Philippine Broadcasting Service-Radyo ng Bayan, People's Television Network-4 at mga kaibigan sa iba pang media organization sa paghahatid ng mga balitang nangyayari sa rehiyon habang binubuhusan ng ulan ng habagat. (Lyndon Plantilla)

Mimaropa balik sigla matapos paulanan ng Habagat

QUEZON CITY, Setyembre 21, (PIA):  Mas maganda na ang kalagayan ng panahon ngayon sa Mimaropa kumpara noong mga nakaraang araw na maulan dahil sa Hanging Habagat.

Paminsan-minsan nagiging maulap ang papawirin, ngunit sapat ang lakas ng haring araw para pagpawisan at magpaypay ang mga tao tulad sa Calapan City Port (Oriental Mindoro) kahapon.

Kaya naman nanumbalik na ang mga papunta at pabalik na mga byahe (mga nasuspinde dahil sa sama ng panahon) sa Mimaropa tulad ng Calapan-Batangas; Banalacan (Mogpog, Marinduque) – Dalahican (Lucena City); Abra De Ilog (Occidental Mindoro) – Batangas; Odiongan (Romblon) – Batangas at Romblon (Romblon)- Batangas.

Noong kalakasan ng ulan nitong Biernes, iniulat ng Coast Guard District Southern Tagalog na may 1,168 na pasahero ang nanatili sa mga pantalan ng Romblon (Romblon), Calapan (Calapan City, Oriental Mindoro) at Mamburao (Occidental Mindoro).

Naistranded din ang may 86 na rolling cargoes, 11 sea vessels at walong banking de motor sa mga nasabing pantalan.

Dahil nga bumalik na ang mga byahe kasunod ng pagbuti ng panahon, malamang nakaalis na rin sa mga pantalan ang lahat na naistanded.

Sa ulat ng Office Civil Defense-Mimaropa, tila mas maraming ibinuhos na ulan ang habagat sa Occidental Mindoro para bahain ang ilang mga barangay sa mga bayan ng Calintaan, Magsaysay, Paluan, Sta. Cruz, Maburao at San Jose kumpara sa iba pang lalawigan.

May naiulat na pagbaha ring naganap sa  mga barangay ng Taclobo at  Poblacion San Fernando, Romblon.

Pero inaasahang bumaba na tubig sa mga lugar na binaha; madadaanan na rin ang mga spillway ng Pola sa Sta. Cruz at ang Anahawin at Villabeck sa Calintaan na pare-parehong umapaw noong kasagsagan ng ulan ayon sa Department of Public Works and Highways – Mimaropa.

Pero sa mga bayan ng Occidental Mindoro, ang mga bayan ng Calintaan at Magsaysay ang mayroong mga inilikas na 1,294 na pamilya sa walong evacuation center.

Tatlong bahay naman sa Calintaan ang naiulat na nasira samantalang ang Rizal ay nag-ulat na may mayroong isang bahagyang nadisgrasya ng pag-ulan sa kanilang bayan.

Patay-sindi rin ang kuryente sa Calintaan magmula noong Biernes ng umaga ngunit naiwasto naman pagsapit ng hapon.


Lahat ng mga evacuees at mga naistanded sa mga pantalan ay inaasikaso ng mga kawani ng mga social welfare and development office, mga municipal disaster risk reduction and management council, coast guard at iba pang mga awtoridad gaya ng Philippine Ports Authority. (Lyndon Plantilla)