Ipinapakita ang mga post na may etiketa na LPA. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na LPA. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Setyembre 7, 2018

DOST-Pagasa: LPA at Habagat, magpapaulan pa rin sa Luzon at Western Visayas



Tambalang LPA at Habagat.  Ipinapaliwanag ni DOST-Pagasa Weather Specialist Gener Quitlong na magpapatuloy ang pagpapaulan ng LPA at ng Habagat sa mga kanlurang bahagi ng Luzon at Kabisayaan. (hinango ang larawan sa Weather Update ng DOST-Pagasa)

Tinataya ng DOST-Pagasa na magpapaulan pa rin sa Luzon at sa ilang bahagi ng Kabisayaan ang Low Pressure Area (LPA) ngayong weekend hanggang Martes.

Mula sa Rosales, Pangasinan, ayon kay DOST-Pagasa Weather Specialist Gener Quitlong,  didiretso ang LPA sa Region 2 partikular sa dako ng Tuguegarao ngayong Sabado.

Pagsapit ng Linggo, pupunta naman sa dako ng Bashi, Balintang Channel sa Batanes.

Inaasahan ng DOST-Pagasa na nasa pagitan ng Taiwan at Batanes ang LPA pagsapit ng Lunes at doon ito posibleng lumakas hanggang maging ganap na bagyo.

Pag naging bagyo ang LPA habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), tatawagin itong Neneng.

Martes naman inaasahang lalabas ng PAR ang LPA patungong Hongkong.

Dahil na rito sa LPA, sinabi ni Quitlong na pag-iibayuhin nito ang Habagat na siyang magpapaulan sa mga kanlurang bahagi ng Luzon at ng kabisayaan.

Kabilang sa mga makakaranas ng maulap na papawiran na may kalat-kalat  na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ay ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region,  Cagayan Valley Region, at Central Luzon, Palawan, Mindoro provinces at Western Visayas.

Ayon sa DOST Pagasa, maaring maranasan ng mga nasabing lugar ang biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.

Gaya ng dati, pinapayuhan ng DOST-Pagasa at ng National Disaster Risk Reduction and Management ang mga kababayan ng ibayong paghahanda at pagkikipag-ugnayan sa kanilang local government unit.

Binanggit din ni Quitlong ang posibilidad na pagpasok ng isang pang LPA mula sa silangang bahagi ng Dagat Pasipiko sa darating na Miyerkules.

Kung lalakas at magiging bagyo pagtawid ng ikalawang LPA sa PAR, tatawagin itong Ompong.
Magpapatuloy sa pagbabantay ang DOST-Pagasa at NDRRMC sa pagkilos at epekto ng dalawang LPA at Habagat.#




Huwebes, Setyembre 6, 2018

LPA, Habagat, magpapaulan sa Mimaropa



Ipinapakita ni DOST-Pagasa Weather Specialist Samuel Duran ang lokasyon ng bagong LPA at ng Habagat (Southwest Monsoon) sa mapa. Ang dalawang weather system ang magpapaulan sa Mimaropa at mga karatig-rehiyon. (Halaw sa Weather Update ng DOST-Pagasa ang larawan)


Itinaas ng  Visayas Pagasa Regional Service Division ang Orange Warning Level  sa katimugan Palawan partikular sa mga bayan ng Quezon, Rizal, Bataraza, Brooke’s Point, Sofronio Espanola at Narra.

Kapag naitaas ang Orange Warning Level sa isang lugar, ayon sa DOST-Pagasa, dapat paghandaan ng mga kababayan ang malakas na pagbuhos ng ulan na maaring magdulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mga dalisdis o kaya sa mga bulubundukin.

Kabilang sa ihahanda ay ang emergency kit, go bag o kaya ay emergency balde na dadalhin kung sakaling kakailanganing lumikas.

Ang babalang Orange Warning Level ay batay sa pagbasa ng DOST Pagasa sa radar at iba pang datos pang-metrologikal.

Sa weder forkast ng DOST-Pagasa nitong Huwebes ng hapon, kinumpirma ni Weather Specialist Samuel Duran na maapektuhan ng  bagong  Low Pressure Area (LPA) ang lagay ng panahon sa Palawan at sa Mindoro.

Dahil sa LPA, ang Palawan at Mindoro ay inaasahang makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Huling namataan  ng DOST-Pagasa ang LPA kaninang ika-3 ng hapon sa layong 130 kilometro kanluran ng Calapan City.

Ang nalalabing bahagi ng Minaropa, Metro Manila, Gitnang Luzon, Katimugan Luzon, Kabikulan at Kabisayaan ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot naman ng Habagat.

Pinag-iingat pa rin ng DOST-Pagasa ang mga kababayan sa mga nabanggit na lugar dahil posibleng madulot din ng  pagbaha at pagguho ng lupa ang ulang hatid ng habagat.

Hinihikayat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga kababayan na makipag-ugnayan palagi sa kani-kanilang disaster risk reduction and management office para sa mga  hakbangin na makakaiwas sa pagkamatay o kaya pagkasira ng mga ari-arian. #

Biyernes, Hunyo 1, 2018

Flood warning advisories dahil sa LPA


TROUGH. Ipinakikita ni DOST Pagasa Weather Specialist Ezra Bulquerin ang bahagi ng Mindoro Province kung saan may namuong trough matapos umalis ang Low Pressure Area sa West Philippine Sea malapit sa Palawan. (videograb mula sa DOST-Pagasa)


Nagpalabas ng flood warning advisories ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa mga lugar na maaring maapektuhan ng masama ang panahon.

Dahil may umiiral na trough sa may Mindoro Provinces matapos lumisan ang low pressure area (LPA) na namuo sa Palawan, ang mga ilog at mga sangay na maaring maapektuhan ay ang mga sumusunod: Abra de Ilog, Cagaray, Labangan, Magbando, Lunintao, Anahawin, Monpong, Amnay, Pola, Pagbahan, Mamburao at Ibod (lahat Occidental Mindoro); Malaylay-baco, Pulang Tubig, Mag-asawang Tubig, Butas, Pula, Agsalin, Bansud, Sumagui, Bongabon, Baric, Bulalacao at Balete (lahat ay nasa Oriental Mindoro).

Ang trough ay isang lugar kung saan mababa ang atmospheric pressure: ibig sabihin, maulan.

Binabantayan ngayon ng DOST-Pagasa ang LPA sa Philippine Sea na siyang nagiging dahilan ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Kabisayaan at Kamindanawan.

Sa Eastern Visayas, ang mga ilog at mga sangay ay ang mga sumusunod: Oras, Dolores, Olot, Taft, Borongan, Suribao, Llorento, Balangiga at Sulat (Eastern Samar); Sangputan, Palo, Salano (Ouilot), Daguitan, Marabang, Cadacan, Bongquirogon, Salug, Pagbanagaran, Pagsangahan at Binahaan (Leyte); Bisay, Himbangan at Pandan (Southern Leyte); Catarman, Bugko, Pambukhan, Catubig, Palapag, Maou at Gamay (Northern Samar);  Basey, Silaga, Calbiga at Jibatan (Samar); at lahat ng mga ilog at sangay nito sa Biliran.

Sa Zamboanga Peninsula, ang mga ilog at sangay nito na maaring maapektuhan ng LPA ay ang Tumaga, Taguite, Tigbao, Digsa, Sanito, Bakalan, Kabasalan at Sibuguey (Zamboanga Sibugay); Paro-Dapitan, Dipolog, Dikaya, Gold Duwait, Sindangan, Ingin (Maras), Palandoc, Bucas, Pataug, Quipit, Siocon, Piacan, Anungan, Pangamiran, Sibuco (Zamboanga Del Norte); Kamalarang, Tupilac, Labangan at Mapangi. (Zamboanga del Sur).

Sa Hilagang Mindanao: Mandulog, Agus, Liangan at Maranding (Lanao Del Norte); Odiongan, Gingoog, Balatocan, Cabulig, Lower Tagaloan, Lower/Middle Western Cagayan, Iponon at Alubijid (Misamis Oriental).

At sa Davao Region: Cateel, Dapnan, Baganga Mahanub, Manorigao, Caraga, Causaman, Quinonoan, Bagwan, Mayo, Bitanayan, Sumlog, Tangmoan, Dacongbonwa, Kabasagan, Many, Maya at Sumlao/Cuabo (Davao Oriental); Davao, Talomo, Lipadas, Tagulaya Sibulan, Digos at Padada Mainit (Davao del Sur); Tagum-Libuganon, Tuganay, Saug at Lasang (Davao del Norte); Panglan, Malita, Batanan (Lais), Lawan, Latuan, Calian, Lamita, Lawayon, Culama, Caburan Bi; Maubio, Carabana, Tubayo, Kayapung, Malala, Capisolo, Tanoman Bi, Tanoman Smal, Kalbay Butua, Nuin, Butula, Baki, Malagupo, Balagona at Batulaki (Davao Occidental); Matibo at Hijo (Compostela Valley). #



LPA sa bansa, iisa na lang


LUMABAS NA. Makikita sa likuran ni Weather Specialist Ezra Bulquerin na lumagpas na sa boundary ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bahagi ng Low Pressure Area (LPA) (kaliwa) sa West Philippine Sea. Tanging ang LPA sa Philippine Sea ang natitira. (Videograb mula sa DOST-Pagasa)


Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na namuo sa West Philippine Sea kanluran ng Palawan. 

Huling namataan ng DOST-Pagasa ang LPA sa layong 580 kilometers Kanluran ng Puerto Princesa City.

Lumakas man at naging bagyo man ang unang LPA, papalayo na ito sa bansa.
Ang dapat pag-ingat din ng mga kababayan ay ang trough.

Ayon kay Weather Specialist Ezra Bulquerin,  may namuong trough sa may dako ng Mindoro Provinces.

Ang trough ay isang mahabang rehiyon na may low atmospheric pressure kung saan umaakyat ang hangin at nagkakaroon precipitation o uulan.

Dahil dito ang Mindoro Provinces ay  maaring makaraanas ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Sa iba pang bahagi ng Mimaropa at Katimungang Luzon, sinab ng Southern Luzon Pagasa Regional Services Division (SLPRSD) na bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Kabikulan.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa Hilagang Samar, Marinduque at Romblon.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa silangan hanggang sa hilagang-silangan ang iiral, na may banayad hanggang sa katamtaman na pag-alon ng karagatan.

Samantala, nananatili pa rin sa silangan ng Kabisayaan at Mindanao ang ikalawang LPA na nasa Philippine Sea.

Itong LPA sa Philippine Sea na ang tinututukan ng DOST Pagasa dahil maari itong maging bagyo sa loob ng 36 hanggang 72 oras.

Huling namataan ang ikalawang LPA sa layong 580 kilometers Silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Dahil sa ikalawang LPA, sinabi ni Bulquerin na makakaranas parin ang Silangang Kabisayaan, Caraga at Davao ng katamtaman hanggan paminsan-minsang paglakas ng ulan.

Ang una at ikalawang mga LPA ay nakapaloob sa Intertropical convergence zone o ITCZ na isang mahabang linya ng mga ulan.

Sa mga lugar na may malakas ang pag-ulan, paaalala ng DOST Pagasa, dapat maging alerto ang mga kababayan sa mga biglaang pagbaha at pagguho ng lupa. #

NDRRMC: publiko, PDRRMOs pinababantayan ang mga LPA sa Palawan, PHL Sea




LPA sa PHL Sea. Inihayag ni DOST Pagasa Weather Specialist Reyes na maaring maging bagyo ang LPA sa may Philippine Sea sa mga darating na araw. (Videograb mula sa DOST-Pagasa)

Pinayuhan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang publiko at ang mga disaster risk reduction and management offices (DRRMO)sa Palawan na ipagpatuloy ang monitoring at paghahanda sa posibleng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa bunga ng Low Pressure Area (LPA) na umiiral sa buong lalawigan ngayon.

Tinataya ng DOST-Pagasa na magpapadudulot ang LPA ng kalat-kalat na katamtamang hanggang sa paminsan-minsang malalakas na pag-ulan at kulog-kidlat sa Palawan.

Huling namataan ang LPA sa West Philippine Sea sa layong 325 kilometro kanluran ng Puerto Princesa City kaninang ika-10 ng umaga at tinatayang lalakas at magiging isang bagyo o tropical depression sa loob ng 48 oras.

Samantala, ang LPA naman sa may Philippine Sea ay tinatayang nasa layong 680 kilometro Silangan-Timog-Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Tulad ng LPA sa West Philippine Sea, tinataya rin ng DOST-Pagasa na magiging bagyo o tropical depression ang LPA sa may Philippine Sea sa loob ng 48 - 72 oras.

Samantala, sinabi ng DOST-Pagasa na ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ay magpapadala ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa silangan at kanlurang kabisayaan partikular sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, ARMM at Soccsksargen.

Pinapayuhan ng DOST-Pagasa ang mga residente sa lugar na makipag-ugnayan sa kanilang DRRMO para paghandaan ang epekto ng mga biglaang pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng ITCZ. #

NDRRMC urges public, DRRMOS to monitor LPAs in Palawan, PHL Sea




LPA in Palawan. DOST Pagasa Weather Specialist Sheilla Reyes says LPA in WPS to pour rainshowers in Palawan (Videograb from DOST Pagasa)


The National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) advised the public and the disaster risk reduction and management offices (DRRMOs) in Palawan to maintain the monitoring and preparation for possible flash floods and landslides as the low pressure area (LPA) will continue to send scattered moderate to occasionally heavy rainshowers and thunderstorms over the province.


At 10 am today, the LPA was estimated at 325 kilometers west of Puerto Princesa City and may develop into a tropical depression over the West Philippine Sea within two days.

The LPA on the Philippine Sea, estimated at 680 kilometers East Southeast of Hinatuan, Surigado Del Sur, may likewise develop into a tropical depression within 48 -72 hrs.

On the other hand, DOST-Pagasa said the Intertropical Convergence Zone (ITCZ) shall continue to send scattered rainshowers and thunderstorms over the Eastern and Western Visayas, particularly over the Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, ARMM and Soccsksargen.

Residents in areas that may be affected the ITCZ were advised to coordinate with their DRRMOs and  to take precautionary measures against flash floods and landslides resulting from heavy rains. #

Biyernes, Agosto 12, 2016

SLPRSD says Habagat to send rains over Oriental Mindoro


Southern Luzon Pagasa Regional Services Division (SLPRSD) says monsoon rains will be experienced over Oriental Mindoro. Kababayans are advised to take precautions as monsoon rains may trigger floods and landslides. 

See  flood (http://bit.ly/2aPWIMk) at landslide (http://bit.ly/2baOCPy)susceptibility maps for reference.

Cloudy skies with light to moderate rains and thunderstorms will prevail over Romblon and Marinduque. Moderate to strong winds blowing from the southwest will prevail with moderate to rough seas. Forecast was issued today 12 August 2016, valid until 5:00 pm tomorrow (Saturday).

12 August 2016



SLPRSD: Habagat magpapadala ng ulan sa Oriental Mindoro

Inihayag ng Southern Luzon Pagasa Regional Services Division (SLPRSD) na makakaranas ng ulan dala ng habagat ang Oriental Mindoro. Dahil maaring magdulot ng pagguho ng lupa at pagbaha ang mga ganitong ulan, pinapayuhan ang mga kababayan na dagdagan ang pag-iingat.

Tingnan ang mga flood (http://bit.ly/2aPWIMk) at landslide (http://bit.ly/2baOCPy)susceptibility maps para magabayan ng inyong aksyon.

Maulap na kalangitan may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Romblon at Marinduque.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran ang iiral at ang mga baybaying-dagat ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Ang pagtaya ng panahon ay inilabas ngayon ika-12 ng Agosto at epektibo hanggang bukas, ika-5 ng umaga ng Sabado.

12 Agosto 2016

SLPRSD says Habagat to send rains over Oriental Mindoro


Southern Luzon Pagasa Regional Services Division (SLPRSD) says monsoon rains will be experienced over Oriental Mindoro. Kababayans are advised to take precautions as monsoon rains may trigger floods and landslides. 

See  flood (http://bit.ly/2aPWIMk) at landslide (http://bit.ly/2baOCPy)susceptibility maps for reference.

Cloudy skies with light to moderate rains and thunderstorms will prevail over Romblon and Marinduque. Moderate to strong winds blowing from the southwest will prevail with moderate to rough seas. Forecast was issued today 12 August 2016, valid until 5:00 pm tomorrow (Saturday).

12 August 2016



SLPRSD: Habagat magpapadala ng ulan sa Oriental Mindoro

Inihayag ng Southern Luzon Pagasa Regional Services Division (SLPRSD) na makakaranas ng ulan dala ng habagat ang Oriental Mindoro. Dahil maaring magdulot ng pagguho ng lupa at pagbaha ang mga ganitong ulan, pinapayuhan ang mga kababayan na dagdagan ang pag-iingat.

Tingnan ang mga flood (http://bit.ly/2aPWIMk) at landslide (http://bit.ly/2baOCPy)susceptibility maps para magabayan ng inyong aksyon.

Maulap na kalangitan may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Romblon at Marinduque.

Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran ang iiral at ang mga baybaying-dagat ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Ang pagtaya ng panahon ay inilabas ngayon ika-12 ng Agosto at epektibo hanggang bukas, ika-5 ng umaga ng Sabado.

12 Agosto 2016