Ipinapakita ang mga post na may etiketa na #Palawan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na #Palawan. Ipakita ang lahat ng mga post
Miyerkules, Nobyembre 21, 2018
DOST-Pagasa: Palawan tatawirin ni Samuel
Inaantay na lang ng mga taga-Palawan ang pagdating ng bagyong Samuel.
Ayon kay Loriedin De la Cruz, DOST-Pagasa weather specialist, mas kritikal ang Palawan dahil dadaanan ito ng sentro ng bagyo na nakarating na sa Sulu Sea at papunta sa dako ng Cuyo.
Sa press briefing kaninang hapon, iniulat ng DOST-Pagasa na ang katamtaman hanggang napakalakas ang pag-ulan sa Palawan kabilang ang mga isla ng Cuyo at Calamianes, Aurora, Quezon, Mindoro Provinces, isla ng Panay at Guimaras ay maaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga mababa at bulubunduking lugar at maging sa mga naninirahan malapit sa mga ilog.
Batay sa lahat ng datos, huling namataan kaninang ika-3 ng hapon ang mata ng bagyong Samuel sa layong 65 kilometro timog-timog-silangan ng Cuyo, Palawan.
Taglay ni Samuel ang pinakamalakas na hangin na 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso nang hanggang 65 kilometro bawat oras.
Sa ngayon, kumikilos ang bagyong Samuel sa direksyon kanluran-timog-kanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras.
Una rito, hinakayat ni Office of Civil Defense Mimaropa Regional Director Eugene Cabrera sa mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng pre-emptive evacuation sa mga lugar na lantad sa panganib.
Kaninang hapon, ipinag-utos ni El Nido, Palawan Mayor Nieves Rosento ang pre-emptive evacuation sa kanilang mga kapitan ng barangay kung kinakailangan at siguruhin ang kanilang pagkain at iba pang pangangailangan.
Kinansela din ni Rosento ang lahat ng mga inland at island tours ngayong Miyerkules kabilang ang pagbisita sa Nacpan Beach, Duli Beach, Bulalacao Water falls, Nagkalitkalit Waterfalls at Bundok Mansilawit.
Dahil dito, sinuspinde ng ilang mga lokal na pamahalaan sa Oriental Mindoro tulad ng Pinamalayan at Mansalay ang pasok hanggang elementarya ngayong hapon.
Pero suspindido na ang pasok sa pre-school at kindergarten sa buong Southern Oriental Mindoro at Southern Occidental Mindoro alinsunod sa mga patakaran ng DepED tuwing may bagyo.
Sa Palawan, sinuspinde ang pasok sa lahat ng level ng paaralan sa El Nido, Culion, Agutaya, Dumaran, Magsaysay, San Vicente, Cuyo Island, Cagayancillo at Coron.
Hanggang highschool ang suspindido ang klase sa Araceli, Roxas, Linapacan, Busuanga at Taytay.
Pinairal din ng Puerto Princesa City at ng mga bayan ng Quezon at Balabac ang suspension ng pasok sa pres-school at kindergarten.
Sa Romblon, ang bayan ng Calatrava ang tanging nagsuspinde ng pasok sa lahat ng antas ng paaralan samantala ang mga bayan ng Romblon at San Agustin ay nagsuspinde ng pasok hanggan sa highschool lamang.
Hanggang elementary naman ang suspension ng klase sa bayan ng Cajidiocan.
Ang mga lugar na nasa ilalim ng TCWS No. 1, ay awtomatikong suspendido ang pasok sa kindergarten at pre-school, pampubliko man o pribado, alinsunod sa DepEd Order No. 43 Series of 2012.
Kapag umakyat sa TCWS No. 2 ang babala, suspindido naman ang pasok hanggang elementarya.
Wala na ring pasok sa lahat ng antas ng paaralan kabilang ang graduate school kung itataas ng DOST-Pagasa ang babala ng bagyo sa Signal No. 3 o higit pa.
Kung walang babala ng bagyo ngunit masama ang lagay ng panahon sa isang lugar, maaaring magdeklara ng suspension ng klase ang lokal na pamahalaan nito.
Bukas, dakong ika-2 ng hapon, tinataya ng DOST-Pagasa ang lokasyon ng bagyong Samuel ay nasa layong 255 kilometro kanluran-hilagang-kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan. #
Mga etiketa:
#EmpoweringCommunities,
#Palawan,
#ResiliencePH,
#SamuelPH
Biyernes, Hunyo 1, 2018
NDRRMC: publiko, PDRRMOs pinababantayan ang mga LPA sa Palawan, PHL Sea
LPA sa PHL Sea. Inihayag ni DOST Pagasa Weather Specialist Reyes na maaring maging bagyo ang LPA sa may Philippine Sea sa mga darating na araw. (Videograb mula sa DOST-Pagasa)
Tinataya ng DOST-Pagasa na magpapadudulot ang LPA ng kalat-kalat na katamtamang hanggang sa paminsan-minsang malalakas na pag-ulan at kulog-kidlat sa Palawan.
Huling namataan ang LPA sa West Philippine Sea sa layong 325 kilometro kanluran ng Puerto Princesa City kaninang ika-10 ng umaga at tinatayang lalakas at magiging isang bagyo o tropical depression sa loob ng 48 oras.
Samantala, ang LPA naman sa may Philippine Sea ay tinatayang nasa layong 680 kilometro Silangan-Timog-Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Tulad ng LPA sa West Philippine Sea, tinataya rin ng DOST-Pagasa na magiging bagyo o tropical depression ang LPA sa may Philippine Sea sa loob ng 48 - 72 oras.
Samantala, sinabi ng DOST-Pagasa na ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ay magpapadala ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa silangan at kanlurang kabisayaan partikular sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, ARMM at Soccsksargen.
Pinapayuhan ng DOST-Pagasa ang mga residente sa lugar na makipag-ugnayan sa kanilang DRRMO para paghandaan ang epekto ng mga biglaang pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng ITCZ. #
Mga etiketa:
#EmpoweringCommunities,
#ndrrmc,
#Palawan,
#Philippine Sea,
#PHL sea,
LPA
NDRRMC urges public, DRRMOS to monitor LPAs in Palawan, PHL Sea
![]() | |
LPA in Palawan. DOST Pagasa Weather Specialist Sheilla Reyes says LPA in WPS to pour rainshowers in Palawan (Videograb from DOST Pagasa)
The National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) advised the public and the disaster risk reduction and management offices (DRRMOs) in Palawan to maintain the monitoring and preparation for possible flash floods and landslides as the low pressure area (LPA) will continue to send scattered moderate to occasionally heavy rainshowers and thunderstorms over the province.
At 10 am today, the LPA was estimated at 325 kilometers west of Puerto Princesa City and may develop into a tropical depression over the West Philippine Sea within two days.
The LPA on the Philippine Sea, estimated at 680 kilometers East Southeast of Hinatuan, Surigado Del Sur, may likewise develop into a tropical depression within 48 -72 hrs.
On the other hand, DOST-Pagasa said the Intertropical Convergence Zone (ITCZ) shall continue to send scattered rainshowers and thunderstorms over the Eastern and Western Visayas, particularly over the Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, ARMM and Soccsksargen.
Residents in areas that may be affected the ITCZ were advised to coordinate with their DRRMOs and to take precautionary measures against flash floods and landslides resulting from heavy rains. #
Mga etiketa:
#EmpoweringCommunities,
#ndrrmc,
#Palawan,
#Philippine Sea,
#PHL sea,
LPA
Huwebes, Mayo 31, 2018
DOST-Pagasa: mga LPA sa WPS, PS maaring lumakas at maging bagyo
![]() |
LPA sa Philippine Sea.
Itinuturo ni DOST-Pagasa Weather Specialist Meno Mendoza ang bahagi ng
Mindanao kung saan maapektuhan ng LPA sa Philippine Sea (Video grab mula sa DOST Pagasa)
|
Nagbabala ang DOST-Pagasa na maaring maging tropical
depression sa loob ng 2 hanggang 5 araw ang dalawang low pressure area (LPA) sa
West Philippine Sea at Philippine Sea.
Kaya naman pinapayuhan ng DOST-Pagasa ang mga kababayan sa
Palawan, Mindanao at Kabisayaan na paghandaan ang posibleng biglaang pagbaha at
pagguho ng lupa na maaring maidulot ng dalawang LPA.
Ang LPA sa West Philippine Sea (huling namataang lokasyon sa
layong 115 kilometros timog-timog-kanluran ng Puerto Princesa City) ay inaasahang
tatawid ng Palawan ngayong araw na ito.
Ang LPA na ito ay tinatayang magdadala ng katamtaman
hanggang paminsan-minsang malalakas na pag-ulan at kulog-kidlat.
Sa kabilang dako, ang LPA sa Philippine Sea (huling namataan
sa layong 980 kilometro Silangan Timog Silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur) at
ang Inter-tropical convergence zone (ITCZ) ay maaring dahilan ng mauulap na kalagitan na may
kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Zamboanga Peninsula, Hilagang
Mindanao, ARMM, Soccsksargen at silangang Kabisayaan.
DOST Pagasa: LPAs in WPS, PS may develop into tropical depressions
![]() |
LPA in West
Philippine Sea. DOST Weather Specialist Meno Mendoza shows a map of Palawan
where a LPA is expected to cross today. (video grab mula sa DOST-Pagasa)
|
DOST Pagasa warned residents in Palawan, Mindanao and
the Visayas to take precautions against flash floods and landslides as two low pressure
areas (LPA) in the West Philippine and
Philippine Seas may develop into tropical depression in the coming days.
The LPA near Palawan (last estimated location at 115
kilometers South-South-West of Puerto Princesa City) is expected to cross the
island province today.
This LPA is forecasted to bring moderate to occasional heavy
rains and thunderstorms.
On the other hand, the LPA on the Philippine Sea (last
estimated location at 980 kilometers East South East of Hinatuan, Surigao Del
Sur) and the Inter-tropical convergence zone (ITCZ) may bring cloudy skies with
scattered rainshowers and thunderstorms over Zamboanga Peninsula, Northern
Mindanao, ARMM, Soccsksargen and Eastern Visayas.
Martes, Nobyembre 28, 2017
Palawan hosts Mimaropa JJWC's Children's Congress today
The Mimaropa Regional Juvenile Justice Committee and Provincial Social
Welfare and Development Office will hold today a Children’s Congress at the VGR Hall Provincial Capitol in Puerto Princesa City, Palawan in observance of the 6th
Juvenile Justice Welfare Act Awareness Week . The congress aims to discuss HIV and AIDS, mental health, drug and alcohol dependency
and other issues affecting children.
Below is the schedule of activities.
29 November 2017
Bilang pakikiisa sa ika-6 na Juvenile Justice Welfare Act Awareness Week, magdaraos ang Mimaropa Regional Juvenile Justice Committee ng Chlidren’s Congress sa VGR Hall, Palawan Provincial Capitol sa Puerto Princesa City ngayong maghapon. Ang Children’s Congress, sa pakikipagtulungan sa Provincial Social Welfare and Development Act of Palawan, ay isang pagkakataon para mapag-usapan ang mga isyu ng HIV at AIDS, drug dependency, mental health, pagsali sa mga kilusang rebelde at iba pang paksa na may kinalaman sa mga bata. #
Makikita sa ibaba ang schedule of activities.
Ika-29 ng Nobyembre 2017
Mga etiketa:
#EmpoweringCommunities,
#jjwc,
#Palawan,
JJWC
Biyernes, Nobyembre 24, 2017
DILG-Mimaropa: bilang ng mga nakapasa sa SGLG ngayong 2017, dumami
Dumami ngayong 2017 ang bilang ng mga nakapasa sa Seal of Good Local Governance o SGLG sa Mimaropa.
Ayon kay DILG Assist. Regional Director Karl Caesar Rimando, 14 na lokal na pamahalaan ang nakapasa noong nakaraang taon at ngayon ay umabot na sa 20.
Ang mga 2017 SGLG passer na pinararangalan sa mga oras na ito sa Maynila ay ang Oriental Mindoro; ang mga lungsod ng Puerto Prinsesa at Calapan; Gloria, Naujan, Pinamalayan, San Teodoro at Socorro sa Oriental Mindoro; Abra de Ilog, Calintaan, Lubang, Sablayan at San Jose sa Occidental Mindoro; Magdiwang, Odiongan, Romblon at San Andres ng Romblon; Brooke's Point, Narra at Sofronio Espanola ng Palawan.
Ang Brooke's Point ay mayroong Special Distinction dahil sa pagkakapasa sa tatlong magkakasunod na taon sa SGLG.
Bawat isang nakapasang lokal na pamahalaan, nagpakita ng prinsipiyo ng katapatan, kahusayan at integridad sa kanilang paninilbihan sa mga kababayan, ay tatanggap ng ayuda mula sa Performance Challenge Fund para sa kanilang mga development project.
Ang ayuda ay nagkakahalaga sa pagitan ng 2 - 3 milyong piso.#
24 Nobyembre 2017
Ayon kay DILG Assist. Regional Director Karl Caesar Rimando, 14 na lokal na pamahalaan ang nakapasa noong nakaraang taon at ngayon ay umabot na sa 20.
Ang mga 2017 SGLG passer na pinararangalan sa mga oras na ito sa Maynila ay ang Oriental Mindoro; ang mga lungsod ng Puerto Prinsesa at Calapan; Gloria, Naujan, Pinamalayan, San Teodoro at Socorro sa Oriental Mindoro; Abra de Ilog, Calintaan, Lubang, Sablayan at San Jose sa Occidental Mindoro; Magdiwang, Odiongan, Romblon at San Andres ng Romblon; Brooke's Point, Narra at Sofronio Espanola ng Palawan.
Ang Brooke's Point ay mayroong Special Distinction dahil sa pagkakapasa sa tatlong magkakasunod na taon sa SGLG.
Bawat isang nakapasang lokal na pamahalaan, nagpakita ng prinsipiyo ng katapatan, kahusayan at integridad sa kanilang paninilbihan sa mga kababayan, ay tatanggap ng ayuda mula sa Performance Challenge Fund para sa kanilang mga development project.
Ang ayuda ay nagkakahalaga sa pagitan ng 2 - 3 milyong piso.#
24 Nobyembre 2017
20 lokal na pamahalaan sa Mimaropa, pasado sa 2017 Seal of Good Local Governance
Pinarangalan ngayon hapon ang 448 na lokal na pamahalaan na nakapasa sa 2017 Seal of Good Local Governance o SGLG sa Maynila.
Dalawampu sa nakapasa ay nagmula sa Mimaropa sa pangunguna ng Brooke's Point, Palawan na tatlong taon nang nakakapasa sa SGLG.
Ayon kay DILG Assist.Regional Director Karl Caesar Rimando, ang SGLG ay pagkilala sa katapatan at kahusayan ng pamahalaang lokal sa pangangasiwa ng pananalapi, paghahanda sa sakuna, palakasin ang social protection para sa marginalized sector, pagpapasigla ng negosyo at pagpaparami ng trabaho, pananatili ng peace and order sa kumunidad at pangagalaga sa kalikasan.#
24 November 2017
Dalawampu sa nakapasa ay nagmula sa Mimaropa sa pangunguna ng Brooke's Point, Palawan na tatlong taon nang nakakapasa sa SGLG.
Ayon kay DILG Assist.Regional Director Karl Caesar Rimando, ang SGLG ay pagkilala sa katapatan at kahusayan ng pamahalaang lokal sa pangangasiwa ng pananalapi, paghahanda sa sakuna, palakasin ang social protection para sa marginalized sector, pagpapasigla ng negosyo at pagpaparami ng trabaho, pananatili ng peace and order sa kumunidad at pangagalaga sa kalikasan.#
24 November 2017
Biyernes, Nobyembre 17, 2017
Bagyong Tino, papunta na sa direksyon ng Vietnam
Anumang oras ngayong umaga inaasahan ng D-O-S-T Pagasa na ang Tropical Depression Tino ay makakalalabas ng Philippine Area of Responsibility patungong Vietnam.
Wala nang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 na ipinairal sa buong Palawan at inaasahang mas magandang panahon sa lalawigan ngayong araw kumpara kahapon.
Tulad ng mga nakaraang ulat ng mga weather specialist ng D-O-S-T Pagasa, mabilis ang pagkilos ni Tino---28 kilometers per hour pa-kanluran-hilagang-kanluran.
Huling namataan ang sentro ng Bagyong Tino kaninang ika-3 ng umaga sa layong 305 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Puerto Princesa City,
Napatili din ng Bagyong Tino ang lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na umakyat at bumaba sa pagitan ng 80 hanggang 90 kilometro bawat oras.
Dahil wala nang babala ng bagyo, inaasahang papayagan na ng Coast Guard District Palawan ang mga sasakyang pandagat na makapaglayag.
Gayumpaman, pinapayuhan ng DOST-Pagasa ang mga mandaragat lalo na yung gumagamit na malilit na bangka pag-ibayuhin ang pag-iingat dahil ang kanlurang babayin ng Hilangang Luzon hanggang sa dako ng Palawan ay magiging katamtaman hanggang napaka-alon.
Ayon kay Gener Quitlong ng DOST-Pagasa, maaring umabot na isa hanggang dalawang metro ang taas ng alon sa mga nasabing bahagi ng karagatan.
Samantala, ang Mimaropa, kasama ang Kabikulan, Cagayan, Aurora at Quezon, ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
18 Nobyembre 2017
Mga etiketa:
#EmpoweringCommunities,
#Palawan,
#TinoPH
Bagyong Tino, tatahakin na ang West Philippine Sea
Inihayag ng DOST-Pagasa na nakarating na ang Bagyong Tino sa kanlurang baybayin ng Palawan matapos tumama sa kalupaan sa hilagang bahagi ng lalawigan kaninang ika-5 ng hapon.
Ayon kay DOST-Pagasa Weather Specialist Sheilla Reyes, nakataas pa rin Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa buong Palawan kaya inaasaahang bawal pumalaot ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat.
"Mapanganib pumalaot sa may seaboards (baybayin) ng Palawan,"sabi ni Reyes.
Ang dahilan ay magkakaranas ang buong Palawan ng kalat-kalat na katamtaman hanggang sa napakalakas na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.
Ito rin ang batayan kaya pinapayuhan din ng mga awtoridad ang mga kababayan sa Palawan na maging alerto sa mga biglaang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga mababa at bulubunduking lugar.
Namataan ng DOST-Pagasa ang mata ng bagyo kaninang ika-7 ng gabi sa layong 40 kilometro Hilagang Kanluran ng Puerto Princesa city taglay ang malakas na hanging aabot sa 55 kilometro bawat malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 90 kilometro bawat oras.
![]() |
| Makikita sa video grab si Pagasa Weather Specialist Sheilla Reyesna ipinapakita ang direksyon ng Bagyong Tino |
Kung hindi magbabago ang bilis ng bagyo, 28 kilometro bawat oras pa-kanluran-hilagang-kanlurang direksyon, sinabi ni Reyes na maaring makalabas ang Bagyong Tino ng Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga.
Samantala, makakaranas naman ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkulog-pagkidlat ang Mindoro, Marinduque, Romblon, Kabikulan at kabisayaan.#
17 Nobyembre 2017
Mga etiketa:
#EmpoweringCommunities,
#Palawan,
#TinoPH
Martes, Oktubre 31, 2017
DOST-Pagasa: Bagyong Ramil magpapaulan ngayong maghapon at bukas sa napakaraming bahagi ng bansa.
Magdala ng payong, kapote o kaya bota bago pumunta sa sementeryo.
Patuloy ang babala ng DOST-Pagasa sa mga kababayan sa Northern Palawan, Calamian Group of Islands, Southern Occidental Mindoro, Southern Oriental Mindoro, Aklan at Antique na maghanda sa Bagyong Ramil.
Nangangahulugan din ito na pagbabawalan ng mga substation ng Philippine Coast Guard na pumalaot ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat sa lahat ng mga pantalan ng mga lalawigang kung saan pinaiiral ang TCWS No. 1.
Ayon kay Elvie Tan Enriquez ng DOST-Pagasa, maaring lumikha ang Hanging Amihan malalaking alon sa mga baybayin ng Hilagang Luzon, silangang baybayin ng Sentral at Katimugan Luzon kaya hinihikayat nila ang mga mangingisda, mandaragat at mga byahero na ipagpaliban ang pagpalaot.
Ang Bagyong Ramil ay ang dating low pressure area na lumakas at naging isang tropical depression.
Ipinaliwanag ni Bb. Tan na pinalalakas ng Hanging Amihan ang Bagyong Ramil na may katamtaman hanggang manaka-nakang malakas na pag-ulan sa loob ng 200 kilometrong lapad nito.
Sa briefing kaninang ika-11 ng umaga, inulat ni Senior Weather Specialist Chris Perez na ang bagyong Ramil huling namataan sa layong 85 kilometro timog-silangan-timog ng Coron, Palawan.
Taglay ng Bagyong Ramil ang lakas ng hangin na 45 kilometro bawat oras na malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 60 kilometro bawat oras.
Inaasahan ng DOST-Pagasa na kikilos ang Bagyong Ramil pakanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras at tatawid sa Calamian Group of Islands o Hilagang Palawan ngayong araw na ito.
Pinag-iingat din ang mga kababayan na naninirahan sa iba pang bahagi ng Mimaropa, Kabikulan, Metro Manila at Calabarzon sa mga biglaang pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa malakas na pag-ulan dala pa ring Hanging Amihan.#
Unang araw ng Nobyembre, 2017
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)











