Dumami ngayong 2017 ang bilang ng mga nakapasa sa Seal of Good Local Governance o SGLG sa Mimaropa.
Ayon kay DILG Assist. Regional Director Karl Caesar Rimando, 14 na lokal na pamahalaan ang nakapasa noong nakaraang taon at ngayon ay umabot na sa 20.
Ang mga 2017 SGLG passer na pinararangalan sa mga oras na ito sa Maynila ay ang Oriental Mindoro; ang mga lungsod ng Puerto Prinsesa at Calapan; Gloria, Naujan, Pinamalayan, San Teodoro at Socorro sa Oriental Mindoro; Abra de Ilog, Calintaan, Lubang, Sablayan at San Jose sa Occidental Mindoro; Magdiwang, Odiongan, Romblon at San Andres ng Romblon; Brooke's Point, Narra at Sofronio Espanola ng Palawan.
Ang Brooke's Point ay mayroong Special Distinction dahil sa pagkakapasa sa tatlong magkakasunod na taon sa SGLG.
Bawat isang nakapasang lokal na pamahalaan, nagpakita ng prinsipiyo ng katapatan, kahusayan at integridad sa kanilang paninilbihan sa mga kababayan, ay tatanggap ng ayuda mula sa Performance Challenge Fund para sa kanilang mga development project.
Ang ayuda ay nagkakahalaga sa pagitan ng 2 - 3 milyong piso.#
24 Nobyembre 2017
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento