Umabot sa 230 ang bilang ng mga taong inilikas sa Palawan dahil sa Bagyong Tino.
Halos kalahati ng nasabing bilang ay bunga ng pre-emptive evacuation na ipinanawagan kahapon ni Office of Civil Defense – Mimaropa Regional Director Eugene Cabrera sa mga lokal na pamahalaan na may mga lugar na bahain at posibleng pangyarihan ng landslide.
Ang mga pinagdausan ng pre-emptive evacuation ay sa mga barangay Libertad at Silanga sa bayan ng Taytay at sa Caramay, bayan ng Roxas.
Samantala, nagkaroon ng isang metro baha sa mga barangay ng Alimanguan, Sto. Nino and Binga sa bayan ng San Vicente.
Limang pung katao mula sa Barangay Alimanguan ang inilkas sa bahay ng kanilang barangay captain samantalang 75 katao mula sa Purok Tres ng nasabing barangay ang lumikas naman sa kani-kanilang mga kamag-anak na mataas ang kinalalagyan ang mga tirahan.
Sa kabilang dako, nasuspinde rin ang klase sa lahat ng level sa Culion samantala ang mga nasa pre-school lamang ang nasuspinde ang klase sa Puerto Princesa City dahil pa rin sa Bagyong Tino.
Isang bahay sa Puerto Princesa City ang ganap na nasira samantala sa dalawang bahay bahagyang napinsala sa bayan ng San Vicente.
Samantala, sa Mansalay, Oriental Mindoro, 99 na katao mula sa Barangay Poblacion ang lumikas sa kanilang barangay hall matapos bumaha sa kanilang lugar.
Napag-alaman na napakalakas ng pag-ulan sa Mansalay kahapon.
Bukod sa Barangay Poblacion, bumaha rin sa mga barangay ng Del Mundo, Teresita, Don Pedro at Manaul
Samantala, magdamag nagbantay ang mga miyembro ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ng Mimaropa ang pagdaan ng Bagyong Tino.
Nagtulungan mga tanggapan ng Office of Civil Defense-Mimaropa sa mga kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan, Science and Technology at Philippine Information Agency kabilang din ang Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Puerto Princesa City at Roxas D-R-R-M-O sa pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa pagdaanan ng Bagyong Tino at mga nauukol na hakbang na dapat gawin.
Nakaantanbay naman ang mga resource at asset ng Department of Public Works and Highways, Police Regional Office – Mimaropa, Bureau of Fire Protection, Department of Social Welfare and Development Office, Department of Health, Coast Guard District Southern Tagalog at Coast Guard District Palawan kung sakaling kakailanganin
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento