Papalayo na ang Bagyong Tino subalit pinag-iingat pa rin ng mga taga-DOST-Pagasa ang mga kababayang nagbabalak pumalaot sa mga kanlurang baybayin ng Hilagang Luzon hanggang Palawan.
Ayon kay DOST-Pagasa Weather Specialist Gener Quitlong, katamtaman hanggang napakaalon ang mararanasan sa mga nasabing baybayin at ang taas ng pag-aalon ay maaring umabot ng isa hanggang dalawang metro.
Dahil wala nang babala ng bagyo, maaring nang payagan ng Coastguard ang mga kababayan na pumalaot depende sa kondisyon ng karagatan.
Samantala, kahit sandali lang, nakapagdulot ng abala sa byahe ang Bagyong Tino.
Iniulat ng Office of Civil Defense na may 124 pasahero ang naistranded sa Palawan nang masuspinde ang mga biyahe ng Coron-El Nido, Coron-Cuilion, Cuyo-Puerto Princesa at Puerto Princesa – Iloilo kahapon.
Bahagi ito ng patakaran ng Coast Guard tuwing may babala ng bagyo sa kanilang lugar at ng ipinatawag na No-Sail Policy ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ng Mimaropa.
18 Nobyembre 2017
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento