Anumang oras ngayong umaga inaasahan ng D-O-S-T Pagasa na ang Tropical Depression Tino ay makakalalabas ng Philippine Area of Responsibility patungong Vietnam.
Wala nang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 na ipinairal sa buong Palawan at inaasahang mas magandang panahon sa lalawigan ngayong araw kumpara kahapon.
Tulad ng mga nakaraang ulat ng mga weather specialist ng D-O-S-T Pagasa, mabilis ang pagkilos ni Tino---28 kilometers per hour pa-kanluran-hilagang-kanluran.
Huling namataan ang sentro ng Bagyong Tino kaninang ika-3 ng umaga sa layong 305 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Puerto Princesa City,
Napatili din ng Bagyong Tino ang lakas ng hangin na 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na umakyat at bumaba sa pagitan ng 80 hanggang 90 kilometro bawat oras.
Dahil wala nang babala ng bagyo, inaasahang papayagan na ng Coast Guard District Palawan ang mga sasakyang pandagat na makapaglayag.
Gayumpaman, pinapayuhan ng DOST-Pagasa ang mga mandaragat lalo na yung gumagamit na malilit na bangka pag-ibayuhin ang pag-iingat dahil ang kanlurang babayin ng Hilangang Luzon hanggang sa dako ng Palawan ay magiging katamtaman hanggang napaka-alon.
Ayon kay Gener Quitlong ng DOST-Pagasa, maaring umabot na isa hanggang dalawang metro ang taas ng alon sa mga nasabing bahagi ng karagatan.
Samantala, ang Mimaropa, kasama ang Kabikulan, Cagayan, Aurora at Quezon, ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
18 Nobyembre 2017
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento