Ipinapakita ang mga post na may etiketa na #LPA. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na #LPA. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Hunyo 3, 2018

NDRRMC: pinag-iingat ang publiko sa LPA na maaring maging bagyo

LPA sa Philippine Sea. Ipinapakita ni DOST-Weather Specialist Meno Mendoza ang bahagi ng Mindanao na maariing paulanan ng ITCZ at ng LPA. Ang LPA sa Philippine Sea ay maaring maging bagyo sa loob ng 24 - 48 oras. (videograb mula sa DOST Pagasa)

Patuloy na pinag-iingat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga kababayan at disaster risk reduction and management office (PDRRMO) sa Caraga, Davao at Eastern Visayas sa biglaang pagbaha at pagguho dala ng Low Pressure Area sa Philippine Sea at ng umiiral na Intertropical Convergence Zone sa Kamindanawan.

Huling namataan ng DOST Pagasa ang LPA sa layong  495 km silangan ng Surigao City, Surigao del Norte at posibleng maging bagyo o tropical depression sa loob ng 24 o 48 oras.

Dahil dito, hinihikayat ng NDRRMC ang mga kababayan at ang kanilang mga PDRRMO na subaybayan ang paalala ng konseho at ng DOST Pagasa hinggil sa LPA.

Ang Palawan at ang nalalabing bahagi ng kabisayaan at kamindanawan ay makakaranas ng kalat-kalat na mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkulot-pagkidlat.

Sa espesyal na pagtaya ng panahon sa pagpasukan ng mga bata sa Lunes, ika-4 ng Hunyo,  tinataya pa rin ng DOST Pagasa na makakaranas ng manaka-nakang hanggang sa malalakas na pag-ulan ang mga kababayan sa Palawan, Mindoro at sa mga kanluraning bahagi ng Kabisayaan at Kamindanawan.

Batay pa rin sa espesyal na pagtaya ng panahon, makakaranas ang nalalabing bahagi ng Kabisayaan at Kamindanawan ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makakaranas na mainit na panahon na may manaka-nakang pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa hapon o sa gabi. #

Huwebes, Mayo 31, 2018

DOST-Pagasa: mga LPA sa WPS, PS maaring lumakas at maging bagyo

LPA sa Philippine Sea. Itinuturo ni DOST-Pagasa Weather Specialist Meno Mendoza ang bahagi ng Mindanao kung saan maapektuhan ng LPA sa Philippine Sea (Video grab mula sa DOST Pagasa)

Nagbabala ang DOST-Pagasa na maaring maging tropical depression sa loob ng 2 hanggang 5 araw ang dalawang low pressure area (LPA) sa West Philippine Sea at Philippine Sea.

Kaya naman pinapayuhan ng DOST-Pagasa ang mga kababayan sa Palawan, Mindanao at Kabisayaan na paghandaan ang posibleng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa na maaring maidulot ng dalawang LPA.

Ang LPA sa West Philippine Sea (huling namataang lokasyon sa layong 115 kilometros timog-timog-kanluran ng Puerto Princesa City) ay inaasahang tatawid ng Palawan ngayong araw na ito.

Ang LPA na ito ay tinatayang magdadala ng katamtaman hanggang paminsan-minsang malalakas na pag-ulan at kulog-kidlat.

Sa kabilang dako, ang LPA sa Philippine Sea (huling namataan sa layong 980 kilometro Silangan Timog Silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur) at ang Inter-tropical convergence zone (ITCZ) ay maaring  dahilan ng mauulap na kalagitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Zamboanga Peninsula, Hilagang Mindanao, ARMM, Soccsksargen at silangang Kabisayaan.

Bagamat walang gale warning, pinapayuhan ng DOST-Pagasa ang mga namamalakaya sa Mindanao na mag-ingat dahil ang pag-alon sa kanilang karagatan ay inaasahang magiging katamtaman hanggang napakaalon ngayon.  #

DOST Pagasa: LPAs in WPS, PS may develop into tropical depressions


LPA in West Philippine Sea. DOST Weather Specialist Meno Mendoza shows a map of Palawan where a LPA is expected to cross today. (video grab mula sa DOST-Pagasa)

DOST Pagasa warned residents in Palawan, Mindanao and the Visayas to take precautions against flash floods and landslides as two low pressure areas (LPA) in  the West Philippine and Philippine Seas may develop into tropical depression in the coming days.

The LPA near Palawan (last estimated location at 115 kilometers South-South-West of Puerto Princesa City) is expected to cross the island province today.

This LPA is forecasted to bring moderate to occasional heavy rains and thunderstorms.

On the other hand, the LPA on the Philippine Sea (last estimated location at 980 kilometers East South East of Hinatuan, Surigao Del Sur) and the Inter-tropical convergence zone (ITCZ) may bring cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms over Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, ARMM, Soccsksargen and Eastern Visayas.

Although there is no gale warning, fisherfolks in Mindanao are advised to take safety precautions as the seas in the area is forecasted to be moderate to rough today. #