Patuloy na pinag-iingat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga kababayan at disaster risk reduction and management office (PDRRMO) sa Caraga, Davao at Eastern Visayas sa biglaang pagbaha at pagguho dala ng Low Pressure Area sa Philippine Sea at ng umiiral na Intertropical Convergence Zone sa Kamindanawan.
Huling namataan ng DOST Pagasa ang LPA sa layong 495 km silangan ng Surigao City, Surigao del Norte at posibleng maging bagyo o tropical depression sa loob ng 24 o 48 oras.
Dahil dito, hinihikayat ng NDRRMC ang mga kababayan at ang kanilang mga PDRRMO na subaybayan ang paalala ng konseho at ng DOST Pagasa hinggil sa LPA.
Ang Palawan at ang nalalabing bahagi ng kabisayaan at kamindanawan ay makakaranas ng kalat-kalat na mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkulot-pagkidlat.
Sa espesyal na pagtaya ng panahon sa pagpasukan ng mga bata sa Lunes, ika-4 ng Hunyo, tinataya pa rin ng DOST Pagasa na makakaranas ng manaka-nakang hanggang sa malalakas na pag-ulan ang mga kababayan sa Palawan, Mindoro at sa mga kanluraning bahagi ng Kabisayaan at Kamindanawan.
Batay pa rin sa espesyal na pagtaya ng panahon, makakaranas ang nalalabing bahagi ng Kabisayaan at Kamindanawan ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makakaranas na mainit na panahon na may manaka-nakang pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa hapon o sa gabi. #
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento