Biyernes, Hunyo 1, 2018

LPA sa bansa, iisa na lang


LUMABAS NA. Makikita sa likuran ni Weather Specialist Ezra Bulquerin na lumagpas na sa boundary ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bahagi ng Low Pressure Area (LPA) (kaliwa) sa West Philippine Sea. Tanging ang LPA sa Philippine Sea ang natitira. (Videograb mula sa DOST-Pagasa)


Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na namuo sa West Philippine Sea kanluran ng Palawan. 

Huling namataan ng DOST-Pagasa ang LPA sa layong 580 kilometers Kanluran ng Puerto Princesa City.

Lumakas man at naging bagyo man ang unang LPA, papalayo na ito sa bansa.
Ang dapat pag-ingat din ng mga kababayan ay ang trough.

Ayon kay Weather Specialist Ezra Bulquerin,  may namuong trough sa may dako ng Mindoro Provinces.

Ang trough ay isang mahabang rehiyon na may low atmospheric pressure kung saan umaakyat ang hangin at nagkakaroon precipitation o uulan.

Dahil dito ang Mindoro Provinces ay  maaring makaraanas ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Sa iba pang bahagi ng Mimaropa at Katimungang Luzon, sinab ng Southern Luzon Pagasa Regional Services Division (SLPRSD) na bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Kabikulan.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa Hilagang Samar, Marinduque at Romblon.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa silangan hanggang sa hilagang-silangan ang iiral, na may banayad hanggang sa katamtaman na pag-alon ng karagatan.

Samantala, nananatili pa rin sa silangan ng Kabisayaan at Mindanao ang ikalawang LPA na nasa Philippine Sea.

Itong LPA sa Philippine Sea na ang tinututukan ng DOST Pagasa dahil maari itong maging bagyo sa loob ng 36 hanggang 72 oras.

Huling namataan ang ikalawang LPA sa layong 580 kilometers Silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Dahil sa ikalawang LPA, sinabi ni Bulquerin na makakaranas parin ang Silangang Kabisayaan, Caraga at Davao ng katamtaman hanggan paminsan-minsang paglakas ng ulan.

Ang una at ikalawang mga LPA ay nakapaloob sa Intertropical convergence zone o ITCZ na isang mahabang linya ng mga ulan.

Sa mga lugar na may malakas ang pag-ulan, paaalala ng DOST Pagasa, dapat maging alerto ang mga kababayan sa mga biglaang pagbaha at pagguho ng lupa. #

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento