Lunes, Hunyo 11, 2018

Babala ng DOST-Pagasa sa publiko: ilang baybayin maalon dahil sa Habagat

Mapanganib na baybayin.  Tinitingnan ni DOST-Pagasa Weather Specialist Obet Badrina ang mga baybaying napakaalon dahil sa Habagat. Sinabi ni Badrina na dapat munang iwasan ng mga mangingisda at mandaragat na may maliliit na bangka ang mga naturang lugar. (larawan mula sa DOST-Pagasa)


Walang nang bagyo sa bansa ngunit iiral pa rin ang Habagat .

Ayon kay DOST Pagasa Weather Specialist Obet Badrina, nakataas pa rin ang  Gale Warning o ang babala ng malakas na pag-alon sa Karagatan sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Cagayan at ang hilagang baybayin ng  Ilocos Norte,  
Isabela, Aurora, Zambales, Bataan, Mindoro at Batangas pati ang kanlurang baybayin ng Palawan.

“Sa ganitong mga lugar, magiging malakas ang pag-alon ng karagatan, delikadong maglayag ang mga maliliit na sasakyang pandagat…iwasang pumalaot sa mga lugar na ito…dahil pa rin sa epekto ng Southwest Monsoon (Habagat),” babala ni Badrina.

Samantala, ang Bagyong Domeng ay napakalayo na sa Pilipinas at papuntang sa direksyon ng Japan.

Ayon kay Badrina, ang Bagyong Domeng ay isa na lamang severe tropical storm na maaring malusaw sa mga darating na araw.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento