Ipinapakita ang mga post na may etiketa na DOST-Pagasa. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na DOST-Pagasa. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Setyembre 6, 2018

LPA, Habagat, magpapaulan sa Mimaropa



Ipinapakita ni DOST-Pagasa Weather Specialist Samuel Duran ang lokasyon ng bagong LPA at ng Habagat (Southwest Monsoon) sa mapa. Ang dalawang weather system ang magpapaulan sa Mimaropa at mga karatig-rehiyon. (Halaw sa Weather Update ng DOST-Pagasa ang larawan)


Itinaas ng  Visayas Pagasa Regional Service Division ang Orange Warning Level  sa katimugan Palawan partikular sa mga bayan ng Quezon, Rizal, Bataraza, Brooke’s Point, Sofronio Espanola at Narra.

Kapag naitaas ang Orange Warning Level sa isang lugar, ayon sa DOST-Pagasa, dapat paghandaan ng mga kababayan ang malakas na pagbuhos ng ulan na maaring magdulot ng pagbaha sa mga mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mga dalisdis o kaya sa mga bulubundukin.

Kabilang sa ihahanda ay ang emergency kit, go bag o kaya ay emergency balde na dadalhin kung sakaling kakailanganing lumikas.

Ang babalang Orange Warning Level ay batay sa pagbasa ng DOST Pagasa sa radar at iba pang datos pang-metrologikal.

Sa weder forkast ng DOST-Pagasa nitong Huwebes ng hapon, kinumpirma ni Weather Specialist Samuel Duran na maapektuhan ng  bagong  Low Pressure Area (LPA) ang lagay ng panahon sa Palawan at sa Mindoro.

Dahil sa LPA, ang Palawan at Mindoro ay inaasahang makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Huling namataan  ng DOST-Pagasa ang LPA kaninang ika-3 ng hapon sa layong 130 kilometro kanluran ng Calapan City.

Ang nalalabing bahagi ng Minaropa, Metro Manila, Gitnang Luzon, Katimugan Luzon, Kabikulan at Kabisayaan ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot naman ng Habagat.

Pinag-iingat pa rin ng DOST-Pagasa ang mga kababayan sa mga nabanggit na lugar dahil posibleng madulot din ng  pagbaha at pagguho ng lupa ang ulang hatid ng habagat.

Hinihikayat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga kababayan na makipag-ugnayan palagi sa kani-kanilang disaster risk reduction and management office para sa mga  hakbangin na makakaiwas sa pagkamatay o kaya pagkasira ng mga ari-arian. #

Linggo, Hunyo 17, 2018

NDRRMC: Kanlurang bahagi ng Luzon, maaring maapektuhan ng pagpapaulan ng Habagat


Isang larawan na kinunan ng Sattelite; makikita ang pulang linya na sumasagisag sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na nakapaligid sa Pilipinas. (larawan mula sa DOST-Pagasa)


Nagbabala muli nitong Linggo ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa pagpapaulan ng Habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Dahil dito, pinapayuhan ng NDRRMC ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang mga disaster risk reduction and management office para maghanda sa posibleng pagbaha  at pagguho ng lupa sa mga bahain at bulubunduking lugar.

Ang mga ulang dala ng Habagat ay mahina, nagiging katamtaman hanggang sa napakalakas bagamat paputol-putol ang pagbuhos. 

Makakaranas ang Ilocos Region ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkulog at pagkidlat.

Dahil dito, ang mga ilog at sangay na maaring maapektuhan ay ang mga sumusunod:Balincugin at Alaminos (Pangasinan);  Lower Abra, Silay-Sta. Maria at Buaya (Ilocos Sur); Amburayan, Bararo,  Lower Bauang at Arigay (La Union); Bulu, Banban, Bacarra-Vintar, Laoag at Quiaoit (Ilocos Norte).
Ang Gitnang Luzon naman ay makakaranas naman ng katamtaman hanggang paminsan-minsang malakas na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.

Ang maaring maapektuhan na ilog at sangay sa Gitnang Luzon ay ang mga sumusunod: Balanga at Moron (Bataan); at Panatawan, Sto. Tomas, Bucau, Bancul at Lawis (Zambales).

At ang Cordillera Administrative Region (CAR) naman ay makakaranas ng mahina hanggang katamtaman na may paminsan-minsang pag-kulog-pagkidlat.

Dahil dito ang mga maaring maapektuhang ilog at sangay sa rehiyon ay ang mga sumusunod: Upper Bauang (Benguet); Upper Abulug (Apayao); Upper Abra, Tineg at Ikmin (Abra); lahat ng ilog at sangay sa Mountain Province.

Biyernes, Hunyo 15, 2018

Shallow low pressure area, binabantayan ng DOST Pagasa



DALAWANG WEATHER SYSTEM.  Ipinapakita ni Rene Quitlong ng DOST Pagasa ang shallow low pressure area (gawing kaliwa) at ang Bagyong Ester (kanan). Hahatakin ng dalawa ang Habagat at magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa. (Videograb mula sa DOST-Pagasa)


Dalawang dahilan kung bakit kailangan pa ring mag-ingat ang mga kababayan sa Habagat : ang papalayong Bagyong Ester at ang shallow low pressure area sa katimugan ng Tsina.

Bagamat parehong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), hinahatak ng dalawang weather system ang Habagat na siyang magpapaulan sa ilang mga bahagi ng bansa, ayon kay Rene Quitlong ng DOST Pagasa.

“Ang magandang balita,” ayon kay Quitlong, “Hindi nila nakikitang papasok sa Philippine Area of Responsibility ang shallow  low pressure area bagamat may posibilidad na maging isang bagyo.”

Kabilang sa mga mauulanan dulot ng Habagat ay ang Ilocos region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Pampanga, Tarlac, Bataan, Batanes at Babuyan group of Island.

“Ang Metro Manila, ang nalalabing bahagi ng Gitnang Luzon, kasama ang Calabarzon at probinsyang Marinduque province ay naapektuhan ng Habagat. Ngunit ngayon, mahina hanggang katamtamang pag-ulan, pagkulog-pagkidlat ang mararanasan,” sabi ni Quitlong.

Samantala, ang Cagayan Valley, ang Kabikulan at ang Palawan ay makakaranas ngayonng bahagyang maulap hanggang sa maulap na maaring makaranas ng pulo-pulong pagkulog at pagkidlat.

Dahil naman sa paglakas ng Habagat, sinabi ni Quitlong na nakataas pa rin ang Gale Warning o babala sa pagtaas ng alon sa mga baybaying dagat   ng mga sumusunod na lalawigan: Batanes, Babuyan Group of Islands, Hilaga’t Silangang baybayin ng Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Isabela,  Pangasinan, Zambales at Bataan.

Uulanin din ang mga nasabing baybaying dagat dala ng Habagat; ang mga ito ay maaring maging maalon hanggang sa napakaalon.

Maaring umabot hanggang apat at kalahating metro ang mga alon doon.

Kapag may gale warning, pinapayuhan ng DOST Pagasa at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga kababayang na ipapaliban ang pagpalaot sa mga nasabing lugar.
Ang nalalabing baybabayin dagat ng bansa naman ay maaring maging katamtaman hanggang sa maalon.

“Ibayong pag-iingat pa rin (sa mga baybaying hindi pinaiiral ang gale warning) dahil sa mga alon ay nabanggit na baybayin ay maaring umabot hanggang tatlong metro ang taas,” dagdag pa ni Quitlong.  

Lunes, Hunyo 11, 2018

Babala ng DOST-Pagasa sa publiko: ilang baybayin maalon dahil sa Habagat

Mapanganib na baybayin.  Tinitingnan ni DOST-Pagasa Weather Specialist Obet Badrina ang mga baybaying napakaalon dahil sa Habagat. Sinabi ni Badrina na dapat munang iwasan ng mga mangingisda at mandaragat na may maliliit na bangka ang mga naturang lugar. (larawan mula sa DOST-Pagasa)


Walang nang bagyo sa bansa ngunit iiral pa rin ang Habagat .

Ayon kay DOST Pagasa Weather Specialist Obet Badrina, nakataas pa rin ang  Gale Warning o ang babala ng malakas na pag-alon sa Karagatan sa mga baybayin ng Batanes, Calayan, Babuyan, Cagayan at ang hilagang baybayin ng  Ilocos Norte,  
Isabela, Aurora, Zambales, Bataan, Mindoro at Batangas pati ang kanlurang baybayin ng Palawan.

“Sa ganitong mga lugar, magiging malakas ang pag-alon ng karagatan, delikadong maglayag ang mga maliliit na sasakyang pandagat…iwasang pumalaot sa mga lugar na ito…dahil pa rin sa epekto ng Southwest Monsoon (Habagat),” babala ni Badrina.

Samantala, ang Bagyong Domeng ay napakalayo na sa Pilipinas at papuntang sa direksyon ng Japan.

Ayon kay Badrina, ang Bagyong Domeng ay isa na lamang severe tropical storm na maaring malusaw sa mga darating na araw.

Huwebes, Mayo 31, 2018

DOST-Pagasa: mga LPA sa WPS, PS maaring lumakas at maging bagyo

LPA sa Philippine Sea. Itinuturo ni DOST-Pagasa Weather Specialist Meno Mendoza ang bahagi ng Mindanao kung saan maapektuhan ng LPA sa Philippine Sea (Video grab mula sa DOST Pagasa)

Nagbabala ang DOST-Pagasa na maaring maging tropical depression sa loob ng 2 hanggang 5 araw ang dalawang low pressure area (LPA) sa West Philippine Sea at Philippine Sea.

Kaya naman pinapayuhan ng DOST-Pagasa ang mga kababayan sa Palawan, Mindanao at Kabisayaan na paghandaan ang posibleng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa na maaring maidulot ng dalawang LPA.

Ang LPA sa West Philippine Sea (huling namataang lokasyon sa layong 115 kilometros timog-timog-kanluran ng Puerto Princesa City) ay inaasahang tatawid ng Palawan ngayong araw na ito.

Ang LPA na ito ay tinatayang magdadala ng katamtaman hanggang paminsan-minsang malalakas na pag-ulan at kulog-kidlat.

Sa kabilang dako, ang LPA sa Philippine Sea (huling namataan sa layong 980 kilometro Silangan Timog Silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur) at ang Inter-tropical convergence zone (ITCZ) ay maaring  dahilan ng mauulap na kalagitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Zamboanga Peninsula, Hilagang Mindanao, ARMM, Soccsksargen at silangang Kabisayaan.

Bagamat walang gale warning, pinapayuhan ng DOST-Pagasa ang mga namamalakaya sa Mindanao na mag-ingat dahil ang pag-alon sa kanilang karagatan ay inaasahang magiging katamtaman hanggang napakaalon ngayon.  #

DOST Pagasa: LPAs in WPS, PS may develop into tropical depressions


LPA in West Philippine Sea. DOST Weather Specialist Meno Mendoza shows a map of Palawan where a LPA is expected to cross today. (video grab mula sa DOST-Pagasa)

DOST Pagasa warned residents in Palawan, Mindanao and the Visayas to take precautions against flash floods and landslides as two low pressure areas (LPA) in  the West Philippine and Philippine Seas may develop into tropical depression in the coming days.

The LPA near Palawan (last estimated location at 115 kilometers South-South-West of Puerto Princesa City) is expected to cross the island province today.

This LPA is forecasted to bring moderate to occasional heavy rains and thunderstorms.

On the other hand, the LPA on the Philippine Sea (last estimated location at 980 kilometers East South East of Hinatuan, Surigao Del Sur) and the Inter-tropical convergence zone (ITCZ) may bring cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms over Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, ARMM, Soccsksargen and Eastern Visayas.

Although there is no gale warning, fisherfolks in Mindanao are advised to take safety precautions as the seas in the area is forecasted to be moderate to rough today. #