Ipinapakita ang mga post na may etiketa na #Habagat. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na #Habagat. Ipakita ang lahat ng mga post
Linggo, Hunyo 17, 2018
DOST-Pagasa: Kanluran at Hilagang bahagi ng Luzon, apektado pa rin ng Habagat
Maalong Karagatan. Namumula ang bahagi ng kanluran at hilagang Luzon dahil sa nakataas ang gale warning ng DOST Pagasa sa mga nasabing lugar. Pinapayuhan ni DOST Pagasa Weather Specialist Obet Badrina (nasa larawan) ang mga mangingisda at iba pang mandaragat na gamit ang mga maliit na sasakyang pandagat na iwasang muna ang mga baybayin ng Batanes, Calayan at Babuyan group of Islands, hilagang baybayin ng Cagayan, Ilocos provinces, La Union at Pangasinan dahil mapanganib ang mga malalaking alon sa lugar. (larawan mula sa DOST Pagasa)
Umaasa ang DOST Pagasa na magiging mas maganda ang panahon sa bansa sa mga darating na araw.
Pero sa ngayon, magtitiis muna ng kaunti ang mga kababayan dahil umiiral pa rin ang Habagat sa bansa.
"Southwest monsoon parin o hanging Habagat ang patuloy na nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng bansa partikular sa Ilocos Region, kaya asahan pa rin na magiging maulap ang kalangitan sa malaking bahagi ng Ilocos Region, Cordillera, sa Batanes kasama ang Kamaynilaan, Bataan at Zambales," paliwanag ni Obet Badrina, weather specialist ng DOST-Pagasa.
Posibleng makaranas ang mga nasabing lugar na mahina hanggang katamtamang pag-ulan.
Sa ibang bahagi ng Luzon, Kabisayaan at Kamindanawan, sinabi ni Badrina na inaasahan nilang magiging maaliwalas ang panahon na may pulu-pulung pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Samantala, pinapayuhan ni Badrina ang mga mangingisda at iba pang mandaragat na gumagamit ng maliliit na sasakyang pandagat na iwasang munang pumalaot sa mga baybayin ng Batanes, Calayan at Babuyan group of Islands, hilagang baybayin ng Cagayan, Ilocos provinces, La Union at Pangasinan.
Nakataas sa mga nasabing lugar ang Gale Warning o Babala ng maalong baybayin ng DOST Pagasa.
"Malakas pa rin ang pag-alon ng karagatan dulot pa rin ng Southwest Monsoon o Habagat," sabi ni Badrina.
Ang taas ng alon ay tinatayang aabot sa pagitan ng kulang-kulang na tatlo hanggang apat at kalahating metro.
Hinikayat din ni Badrina ang iba pang mandaragat na maging maingat sa iba pang baybaying dagat kung saan makakaranas ng katamtaman hanggang maalong karagatan.
DOST-Pagasa: Habagat still affecting western and northern parts of Luzon
Gale warning. Weather Specialist Obet Badrina says sea traveling in the coasts of Batanes, Calayan, Babuyan group of Islands, the northern coast of Cagayan, Ilocos provinces, La Union and Pangasinan remains dangerous to small sea vessels due to the Southwest monsoon. (video grab from DOST Pagasa)
DOST Pagasa is expecting better weather in the coming days.
However, the public must keep watching weather forecasts as the Southwest Monsoon continues to affect the country particularly the western and northern part of Luzon.
Weather Specialist Obet Badrina said Ilocos Region, Cordillera, Bataan, Zambales and Metro Manila will experience cloudy skies with light to moderate rains.
Other parts of Luzon, including the Visayas and Mindanao may have sunny skies with isolated rainshowers and thunderstorms.
Badrina likewise urged fisherfolks and operators of small sea vessels to avoid venturing into the coasts of Batanes, Calayan, Babuyan group of Islands, the northern coast of Cagayan, Ilocos provinces, La Union and Pangasinan.
Gale warning is in effect over these coasts where waves may reach between 2.8 to 4.5 meters high still brought about by the Southwest Monsoon.
NDRRMC: Kanlurang bahagi ng Luzon, maaring maapektuhan ng pagpapaulan ng Habagat
Isang larawan na kinunan ng Sattelite; makikita ang pulang linya na sumasagisag sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na nakapaligid sa Pilipinas. (larawan mula sa DOST-Pagasa)
Nagbabala muli nitong Linggo ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa pagpapaulan ng Habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon.
Dahil dito, pinapayuhan ng NDRRMC ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang mga disaster risk reduction and management office para maghanda sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga bahain at bulubunduking lugar.
Ang mga ulang dala ng Habagat ay mahina, nagiging katamtaman hanggang sa napakalakas bagamat paputol-putol ang pagbuhos.
Makakaranas ang Ilocos Region ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkulog at pagkidlat.
Dahil dito, ang mga ilog at sangay na maaring maapektuhan ay ang mga sumusunod:Balincugin at Alaminos (Pangasinan); Lower Abra, Silay-Sta. Maria at Buaya (Ilocos Sur); Amburayan, Bararo, Lower Bauang at Arigay (La Union); Bulu, Banban, Bacarra-Vintar, Laoag at Quiaoit (Ilocos Norte).
Ang Gitnang Luzon naman ay makakaranas naman ng katamtaman hanggang paminsan-minsang malakas na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat.
Ang maaring maapektuhan na ilog at sangay sa Gitnang Luzon ay ang mga sumusunod: Balanga at Moron (Bataan); at Panatawan, Sto. Tomas, Bucau, Bancul at Lawis (Zambales).
At ang Cordillera Administrative Region (CAR) naman ay makakaranas ng mahina hanggang katamtaman na may paminsan-minsang pag-kulog-pagkidlat.
Dahil dito ang mga maaring maapektuhang ilog at sangay sa rehiyon ay ang mga sumusunod: Upper Bauang (Benguet); Upper Abulug (Apayao); Upper Abra, Tineg at Ikmin (Abra); lahat ng ilog at sangay sa Mountain Province.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)