Ipinapakita ang mga post na may etiketa na #Southwest Monsson. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na #Southwest Monsson. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Setyembre 7, 2018

DOST-Pagasa: LPA at Habagat, magpapaulan pa rin sa Luzon at Western Visayas



Tambalang LPA at Habagat.  Ipinapaliwanag ni DOST-Pagasa Weather Specialist Gener Quitlong na magpapatuloy ang pagpapaulan ng LPA at ng Habagat sa mga kanlurang bahagi ng Luzon at Kabisayaan. (hinango ang larawan sa Weather Update ng DOST-Pagasa)

Tinataya ng DOST-Pagasa na magpapaulan pa rin sa Luzon at sa ilang bahagi ng Kabisayaan ang Low Pressure Area (LPA) ngayong weekend hanggang Martes.

Mula sa Rosales, Pangasinan, ayon kay DOST-Pagasa Weather Specialist Gener Quitlong,  didiretso ang LPA sa Region 2 partikular sa dako ng Tuguegarao ngayong Sabado.

Pagsapit ng Linggo, pupunta naman sa dako ng Bashi, Balintang Channel sa Batanes.

Inaasahan ng DOST-Pagasa na nasa pagitan ng Taiwan at Batanes ang LPA pagsapit ng Lunes at doon ito posibleng lumakas hanggang maging ganap na bagyo.

Pag naging bagyo ang LPA habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), tatawagin itong Neneng.

Martes naman inaasahang lalabas ng PAR ang LPA patungong Hongkong.

Dahil na rito sa LPA, sinabi ni Quitlong na pag-iibayuhin nito ang Habagat na siyang magpapaulan sa mga kanlurang bahagi ng Luzon at ng kabisayaan.

Kabilang sa mga makakaranas ng maulap na papawiran na may kalat-kalat  na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ay ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region,  Cagayan Valley Region, at Central Luzon, Palawan, Mindoro provinces at Western Visayas.

Ayon sa DOST Pagasa, maaring maranasan ng mga nasabing lugar ang biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.

Gaya ng dati, pinapayuhan ng DOST-Pagasa at ng National Disaster Risk Reduction and Management ang mga kababayan ng ibayong paghahanda at pagkikipag-ugnayan sa kanilang local government unit.

Binanggit din ni Quitlong ang posibilidad na pagpasok ng isang pang LPA mula sa silangang bahagi ng Dagat Pasipiko sa darating na Miyerkules.

Kung lalakas at magiging bagyo pagtawid ng ikalawang LPA sa PAR, tatawagin itong Ompong.
Magpapatuloy sa pagbabantay ang DOST-Pagasa at NDRRMC sa pagkilos at epekto ng dalawang LPA at Habagat.#




Linggo, Hunyo 17, 2018

DOST-Pagasa: Kanluran at Hilagang bahagi ng Luzon, apektado pa rin ng Habagat


Maalong Karagatan. Namumula ang bahagi ng kanluran at hilagang Luzon dahil sa nakataas ang gale warning ng DOST Pagasa sa mga nasabing lugar. Pinapayuhan ni DOST Pagasa Weather Specialist Obet Badrina (nasa larawan) ang mga mangingisda at iba pang mandaragat na gamit ang mga maliit na sasakyang pandagat na iwasang muna ang mga  baybayin ng Batanes, Calayan at Babuyan group of Islands, hilagang baybayin ng Cagayan, Ilocos provinces, La Union at Pangasinan dahil mapanganib ang mga malalaking alon sa lugar. (larawan mula sa DOST Pagasa)

Umaasa ang DOST Pagasa na magiging mas maganda ang panahon sa bansa sa mga darating na araw.

Pero sa ngayon, magtitiis muna ng kaunti ang mga kababayan dahil umiiral pa rin ang Habagat sa bansa.

"Southwest monsoon parin o hanging Habagat ang patuloy na nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng bansa partikular sa Ilocos Region, kaya asahan pa rin na magiging maulap ang kalangitan sa malaking bahagi ng Ilocos Region, Cordillera, sa Batanes kasama ang Kamaynilaan, Bataan at Zambales," paliwanag ni Obet Badrina, weather specialist ng DOST-Pagasa.

Posibleng makaranas ang mga nasabing lugar na mahina hanggang katamtamang pag-ulan.

Sa ibang bahagi ng Luzon, Kabisayaan at Kamindanawan, sinabi ni Badrina na inaasahan nilang magiging maaliwalas ang panahon na may pulu-pulung pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Samantala, pinapayuhan ni Badrina ang mga mangingisda at iba pang mandaragat na gumagamit ng maliliit na sasakyang pandagat na iwasang munang pumalaot sa mga baybayin ng Batanes, Calayan at Babuyan group of Islands, hilagang baybayin ng Cagayan, Ilocos provinces, La Union at Pangasinan.

Nakataas sa mga nasabing lugar ang Gale Warning o Babala ng maalong baybayin ng DOST Pagasa.
"Malakas pa rin ang pag-alon ng karagatan dulot pa rin ng Southwest Monsoon o Habagat," sabi ni Badrina.

Ang taas ng alon ay tinatayang aabot sa pagitan ng kulang-kulang na tatlo hanggang apat at kalahating metro.

Hinikayat din ni Badrina ang iba pang mandaragat na maging maingat sa iba pang baybaying dagat kung saan makakaranas ng katamtaman hanggang maalong karagatan.

DOST-Pagasa: Habagat still affecting western and northern parts of Luzon


Gale warning. Weather Specialist Obet Badrina says sea traveling in the coasts of Batanes, Calayan, Babuyan group of Islands, the northern coast of  Cagayan, Ilocos provinces, La Union and Pangasinan remains dangerous to small sea vessels due to the Southwest monsoon. (video grab from DOST Pagasa)


DOST Pagasa is expecting  better weather in the coming days.

However, the public must keep watching weather forecasts as the Southwest Monsoon continues to affect the country particularly the western and northern part of Luzon.

Weather Specialist Obet Badrina said Ilocos Region, Cordillera, Bataan, Zambales and Metro Manila will experience cloudy skies with light to moderate rains.

Other parts of Luzon, including the Visayas and Mindanao may have sunny skies with isolated rainshowers and thunderstorms.

Badrina likewise urged fisherfolks and operators of small sea vessels to avoid venturing into the coasts of Batanes, Calayan, Babuyan group of Islands, the northern coast of  Cagayan, Ilocos provinces, La Union and Pangasinan.

Gale warning is in effect over these coasts where waves may reach between 2.8 to 4.5 meters high still brought about by the Southwest Monsoon.