Linggo, Disyembre 13, 2015

Dahil kay Bagyong Nona, babala ng bagyo nakataas sa Romblon, Marinduque at Oriental Mindoro


Itinaas ng Pagasa-DOST ang kanilang babala sa bagyo sa ilang mga lalawigan sa Mimaropa para makapaghanda sa paparating na bagyong si Nona.

Kaninang 7 ng gabi, nagpalabas ang Pagasa ng Severe Weather Bulletin No. 6-A kung saan pinaiiral ngayon sa Romblon ang Public Storm Signal No.2.
Nananatili ang Public Storm Signal No. 1 sa Marinduque ngunit kasama na nito ang Oriental Mindoro.
Kapag may Signal No. 2 sa lugar, antimanong walang pasok sa kindergarten, elementarya at highschool.
Kung Signal No. 1 naman, kindergarten lang ang antimanong walang pasok.
Pinapayuhan ang mga biyahero na kumunsulta muna sa Coast Guard District Southern Tagalog dahil karaniwan pinagbabawalan nang pumalaot ang anumang sasakyang pandagat sa sandaling nakataas na ang babala ng bagyo sa kanilang mga lugar.
Batay ito sa Memorandum Circular No. 02-13 ng Coast Guard kung saan sinasabing walang sasakyang pandagat ang papayagan makapaglayag kapag nakataas ang anumang babala ng bagyo sa kinalulugaran nito maliban lang kung maghahanap ng  masisilungan. 
CGD Southern Tagalog ay matatawagan sa numerong (043) 723-5624, 0919-9940067 at 0917-8732091 o kaya sa Coast Guard Substation Batangas sa 0918-2673510 o kaya sa Coast Guard Substation Romblon sa 0929-6864370.
Para sa Oriental Mindoro, tawagan ang Coast Guard Substation Oriental Mindoro sa 0947-9443845. 
Para naman sa byaheng Marinduque, tawagan muna ang Coast Guard Southern Luzon sa numerong 0929-6864188 o kaya sa Coast Guard Substation Lucena sa 0939-4631052. 
Ang mga lugar sa ilalim ng PSWS No. 2 ay makakaranas ng lakas hg hangin mula  61 hanggang 120 kilometro bawat oras sa loob ng 24 oras mula nang maipalabas ang babala.
Ang mga ganitong kalalakas ng hangin ay may kakayahan magpayuko ng mga poste ng ilaw at tore, magpalipad ng mga lumang bubong, makabunot o makapagpatumba ng puno, makasira ng palayan at maisan, at iba pang malilit hanggang katamtamanang pinsala.
Sa karagatan, ang mga alon ay maaring tumaas mula apat hanggang 14 na metro at posibleng magkaroon ng daluyong o storm surge sa mga baybaying barangay.
Tatlumpu hanggang anim na pung kilometro bawat oras ang lakas ng hangin na mararamdaman sa mga probinsyang nasa ilaim ng PSWS No.1.
Nanganganib sa ganitong mga hangin  ang mga kabahayan  na gawa sa mga magagaan na materyales at ang mga palay na namumulaklak pa lang. #


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento