Una,
ang Mimaropa ay mayroon UNA--- Ulirang Nakatatanda Awards--- kung saan
kinikilala ang kontribusyon ng mga nakatatanda sa sa kanilang samahan, pederasyon, pamayanan at
sa buong rehiyon.
Ngayon, ang Mimaropa ay mayroon nang Senior
Citizens’ Health Fair na inilunsad ng Department of Health sa Boac, Marinduque.
Ayon kay DOH Mimaropa Regional Director
Eduardo Janairo, nilalayon din ng Senior Citizens’ Health Fair na bigyan ng
pagkilala sa mga nakatatandang patuloy
na nagbabahagi ng kanilang kaalaman, kasanayan at karanasan sa mga nakababata
para sa ikauunlad ng pamayanan.
Pero ang naiiba sa Senior Citizens’ Health
Fair, binibigyan diin ang pagtuturo at pagpapataas ng kaalaman ng mga
nakatatanda sa mga nilalaman ng Republic
Act No. 9994 o mas kilala bilang “Expanded Senior Act of 2010.
Sa ilalim ng batas, mababatid ang mga
pribilehiyo at mga karagdagan benipisyo sa mga nakatatanda.
Gayundin, hangad din ng Senior Citizen’s
Health Fair na maipakalat ang mga paraan para maging malusog ang mga kababayan
habang nagkaka-edad.
Ang Senior Citizens’Health Fair ay inilunsad
ngayong Huwebes sa Bayan ng Boac, Marinduque.
Tampok sa Senior Citizens’Health Fair ang
Ballroom Dancing, Group-line dancing at ang kambal patimpalak na Kisig at Gandang Walang Kupas
pageant.
Idinagdag ni Director Janairo na kanilang dadalhin ang Senior Citizens’Health Fair sa iba pang lalawigan para makinabang ang iba pang mga kababayan sa Mimaropa.
#
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento