LUNGSOD QUEZON, ika-20 ng Disyembre
(PIA) --- Inihayag ng Department of Social Welfare and Development – Mimaropa nitong
Sabado na mahigit sa Php 9-M (batay sa
ulat nitong ika-19 ng Disyembre, ika-3
ng hapon) na halaga ng relief assistance
ang naibigay sa mga nakaligtas o
survivor ng Typhoon Nona sa buong rehiyon.
Kalahati ng halaga ay mga family food
pack na ipinamahagi ng mga lokal na pamahalaan samantala ang nalalabi ay pondong natipon at
ibinahagi ng pambansang pamahalaan.
Nag-ambag din ang mga non-government
organization na family food packs na nagkakahalaga ng Php 50,080.
Mula pa noong ika-13 ng Disyembre,
nagbabantay na sa pagkilos ng Bagyong Nona ang DSWD-Mimaropa, kasama ang iba
pang ahensiyang kasapi ng Mimaropa
Regional Disaster Risk Reduction and Management Council.
Maagang nagposisyon ang regional office
ng mga food pack sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon lalo na yung mga bayan na may
malalayong barangay o kung tawagin ay Geographically Isolated Depressed Areas.
Isang halimbawa ay sa gawi ng Coron at Busuanga kung saan
nagtulungan ang DSWD-Palawan at ang kanilang Provincial Disaster Risk Reduction
and Management Office sa pagtitipon ng relief goods.
Batay sa kanilang monitoring, iniulat ng
DSWD-Mimaropa ang Oriental Mindoro ang may mataas na bilang ng mga nasirang
tahanan: 20,314 (ganap na nasira) and 17,842 (bahagyang nasira).
Nagpapatuloy din ang operasyon ng
lalawigan sa may 113 evacuation centers
kung saan 4, 985 families or 20, 567 individuals sineserbisyuhan.
Ang Quick Response Team ng DSWD Mimaropa
ay walang tigil ang pagbabantay at sa kasusuri ng datos na nanggaling sa
kanilang mga field offices hinggil sa mga kababayan at mga lugar na naapektuhan
ng Bagyong Nona. (LP)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento