Biyernes, Disyembre 18, 2015

Damage assessment, relief operations sa Mimaropa, tuloy-tuloy

QUEZON CITY, ika-19 ng DIsyembre (PIA) – Lumilinaw na ang lawak ng pinsala ng Bagyong Nona sa Mimaropa partikular sa Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque at Romblon.

Ayon sa  Sitrep No. 14 ng Office of Civil Defense – Mimaropa, mahigit sa Php 647-M ang pinagsanib na halaga ng  pinsala sa mga gusali ng mga paaralan, pagamutan at regional health units, mga pasilidad ng gobyerno, palengke, food control projects, mga simbahan, mga kalsada at tulay.

Mahigit sa Php 288-M ang halaga ng pinsala sa linya ng mga kuryente at maging sa mga pasilidad sa tubig.

Sa Palay, ang halaga ng napinsala ay umabot sa halos Php 13-M, Php 531-M sa High Value Crops, Php 338-M para sa iba pang pananim.

Limang milyong piso ang halaga ng mga nasirang bangka, Php 1.8-M naman sa livestock, at Php 3.3-M sa pangisdaan.

Maraming sinirang bahay ang bagyong Nona sa Mimaropa: sa Occidental Mindoro ay 871, Romblon ay 2,326, sa Marinduque ay 5,312 at ang pinakamarami sa Oriental Mindoro… 47,242.


Inaasahang magpapalabas ng mga ahensya ng pamahalan ng mga pondong pang-kumpuni o pagpapatayo ng bahay, mga binhing pamalit ng mga palay at iba pananim at iba pang ayuda para malutas o maibsan ang epekto ng pamiminsala ng Bagyong Nona.  (LP)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento