Biyernes, Disyembre 18, 2015

Pagasa-DOST, nagbabala ng malakas na hangin, napakaalong kanlurang babaybayin ng Timog-Luzon

LUNGSOD QUEZON , Ika-19 ng Disyembre (PIA) ---Hinikayat ng Pagasa-DOST ang mga mangingisda sa Occidental Mindoro at sa Palawan na huwag munang pumalaot ngayong araw sa kanilang mga karagatan dahil magiging maalon hanggang napakaalon sa kanlurang baybayin.

Ang  kanlurang baybayin ay makakaranas ng maulap na himpapawid na may magaan hanggang katamtaman pag-ulan at manaka-nakang kulog at kidlat.

Ang lakas ng hangin ay nasa pagitan ng 51-63 kilometro bawat oras at ang malakas hanggang sa gale force wind ay may kinalaman sa paglakas ng amihan o Northeast monsoon.

Sa ilalim ng mga nasabing kondisyon,  ang taas ng alon ay aabot sa pagitan ng 3.4 hanggang  4.5 metro.

Inalerto din ng Pagasa-DOST ang mga nagmamay-ari o operator ng mga malalaking sasakyang pandagat hinggil sa maalong karagatan.

Samantala, ang  Oriental Mindoro, Marinduque at  Romblon ay magiging maulap na may magaan hanggang katamtaman na pag-ulan.


Katamtaman hanggang malakas na pag-ihip ng hangin ang maghahari sa mga nasabing lalawigan at ang katubigan sa kanilang baybayin ay magiging katamtaman hanggang sa napaka-alon. (LP)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento