Linggo, Disyembre 13, 2015

Bagyong Nona, lumakas; Marinduque at Romblon, Signal No. 1 na



Lumakas ang Bagyong Nona habang papalapit sa Kabikulan at Hilagang Samar.

Batay sa Severe Weather Bulletin No. 6 ng Pagasa-DOST,  mula sa dating 110 kilometro bawat oras, naging 140 kilometro bawat ang lakas ng hangin ng Bagyong Nona.

Ang dating pagbugso na  140 kilometro bawat oras ay naging 170 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang Bagyong Nona pa-kanluran sa bilis na 19 kilometro bawat oras.

Itinaas na rin ng Pagasa-DOST ang Public Storm Warning Signal No. 1 sa Marinduque at Romblon dahil madadaanan ang mga lalawigan ito alinsunod  sa forecast track ng Bagyo Nona.

Ibig sabihin ng PSWS No.1, ang mga lugar na nasa ilalim nito ay makakaranas ng  lakas ng hangin mula 30-60 kilometro sa loob ng 36 na oras mula nang ilabas ang babala.

Ang susunod na bulletin ng Pagasa ay ilalabas mamayang ika-11 ng gabi.

Kapag, nakataas ang PSWS No. 1, antimanong walang pasok sa kindergarten at malamang suspindido ang mga byaheng pandagat papaalis at papasok sa mga apektadong lalawigan.

Samantala, batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council,  ang Department of Social Welfare and Development –Mimaropa  ay may naitabing  8,855 family food packs at mayroong Php 4-M standby funds na pwedeng magamit kung kakailanganin. #

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento