Linggo, Disyembre 13, 2015

Operasyon sa Ilang mga pantalan sa Mimaropa, suspindido na dahil kay Nona




LUNGSOD QUEZON, Ika-14 ng Disyembre (PIA)---Yung pong mga kababayang gustong magbiyahe papuntang Romblon, Marinduque at Oriental Mindoro, huwag nang magpumilit dahil walang pantalan magagamit.

Sa Romblon, suspindido na ang operasyon (simula alas-5 ng hapon) sa Poctoy port sa bayan ng Odiongan at sa Romblon Port ng bayan ng Romblon.

Sa Marinduque, halos kasabay ng mga pantalan sa Romblon ang pagsuspindi ng operasyon sa mga pantalan ng Banalacan sa Mogpog at ng Cawit ng Boac.

Kaninang alas-8 ng gabi, humabol ang Calapan port ng Calapan City at ng Dangay port ng Roxas sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ang suspension ng operasyon ay bilang pagkilala sa Memorandum Circular 02-2013 ng Philippine Coast Guard na walang palalayaging sasakyang pandagat kung may babala ng bagyo sa kanilang kinaroroonan maliban na lang kung inabot sa dagat at naghahanap ng masisilungan.

Kaninang alas-11 ng gabi, itinaas ng Pagasa ang Public Storm Warning Signal No. 2 sa Romblon at Marinduque samantalang nanatili pa rin sa PSWS No. 1 ang Oriental Mindoro. #

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento