Lunes, Disyembre 14, 2015

Update mula sa OCD-Mimaropa/Mimaropa RDRRMC sa epekto ng Bagyong Nona

PIA-4B: Umabot sa 4,950 ang bilang ng nailikas na mga kababayan sa Mimaropa. Sa ulat ng OCD-Mimaropa ngayong tanghali,  ang pinakamaraming evacuees ay nasa marinduque: 3,827. Sumunod ang Oriental Mindoro na may bilang na 695 at Romblon na may 428.  Ang mga evacuees ay lumikas bago pa dumaan ang Bagyong Nona. (Lyndon Plantilla)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento