Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Province of Oriental Mindoro. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Province of Oriental Mindoro. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Disyembre 19, 2015

Relief assistance to Nona’s survivors in Mimaropa reach more than Php 9-M

QUEZON CITY, December 20 (PIA) --- The Department of Social Welfare and Development – Mimaropa reported on Saturday more than Php 9-M  (as of  3 pm, December 19) worth of relief assistance has been provided to survivors of Typhoon Nona in the region.

Half of the amount is the cost of family food packs distributed by local government units while the other half were fund augmented by the National Government.

Non-government organizations donated food packs worth Php 50,080.   

Since December 13, DSWD-Mimaropa, as well as the rest of the agency members of the Mimaropa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, has been monitoring Typhoon Nona.

Food packs were prepositioned in various parts of the region to serve far and isolated barangays also known as Geographically Isolated Depressed Areas.

For instance, DSWD-Palawan and the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office collaborated in the stock piling of relief goods in Coron-Busuanga Area.

Based on its monitoring, DSWD-Mimaropa reported that Oriental Mindoro  continues to operate 113 evacuation centers serving 4, 985 families or 20, 567 individuals.

In terms of damaged houses, Oriental Mindoro the highest number in the region: 20,314 (totally damaged) and 17,842 (partially damaged).


DSWD Mimaropa’s Quick Response Team is monitoring and validating data received in the field for further resource augmentation on a 24 hour basis. (LP)

Relief assistance sa mga survivor ni Nona sa Mimaropa, lagpas Php 9-M

LUNGSOD QUEZON, ika-20 ng Disyembre (PIA) --- Inihayag ng Department of Social Welfare and Development – Mimaropa nitong Sabado na mahigit sa Php 9-M  (batay sa ulat nitong  ika-19 ng Disyembre, ika-3 ng hapon) na halaga ng  relief assistance ang naibigay sa mga  nakaligtas o survivor ng Typhoon Nona sa buong rehiyon.

Kalahati ng halaga ay mga family food pack na ipinamahagi ng mga lokal na pamahalaan  samantala ang nalalabi ay pondong natipon at ibinahagi ng pambansang pamahalaan.

Nag-ambag din ang mga non-government organization na family food packs na nagkakahalaga ng Php 50,080.   

Mula pa noong ika-13 ng Disyembre, nagbabantay na sa pagkilos ng Bagyong Nona ang DSWD-Mimaropa, kasama ang iba pang ahensiyang kasapi ng  Mimaropa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council.

Maagang nagposisyon ang regional office ng mga food pack sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon lalo na yung mga bayan na may malalayong barangay o kung tawagin ay Geographically Isolated Depressed Areas.

Isang halimbawa ay sa  gawi ng Coron at Busuanga kung saan nagtulungan ang DSWD-Palawan at ang kanilang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa pagtitipon ng relief goods.

Batay sa kanilang monitoring, iniulat ng DSWD-Mimaropa ang Oriental Mindoro ang may mataas na bilang ng mga nasirang tahanan: 20,314 (ganap na nasira) and 17,842 (bahagyang nasira).

Nagpapatuloy din ang operasyon ng lalawigan sa may  113 evacuation centers kung saan 4, 985 families or 20, 567 individuals sineserbisyuhan.

Ang Quick Response Team ng DSWD Mimaropa ay walang tigil ang pagbabantay at sa kasusuri ng datos na nanggaling sa kanilang mga field offices hinggil sa mga kababayan at mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Nona. (LP)

Huwebes, Abril 30, 2015

DOLE - Mimaropa, may kambal na job fair sa Oriental Mindoro at Palawan ngayong Mayo Uno



QUEZON CITY, Ika-30 ng Abril (PIA)---Inaanyayahan ng Department of Labor and Employment - Mimaropa ang mga kababayan sa rehiyon na makilahok sa dalawang Job Fair na idaraos sa Oriental Mindoro at Palawan bukas, Labor Day.

Magkasabay magbubukas ang kambal na Job Fair sa Pinamalayan Municipal Gymnasium sa bayan ng Pinamalayan at sa Activity Center ng Robinsons Place sa Puerto Princesa City.

Ayon kay Jhomer Acedillo, Labor and Employment Officer II, karamihan ng mga bakanteng trabaho ngayon ay nahahahanay sa manufacturing.

Kabilang sa mga lalahok sa job fair ngayon ay mga kumpanyang may mga pabrika sa Batangas at Laguna.

Dalawamput-dalawang lokal na kumpanya ang sasali sa Pinamalayan samantalang 30 naman sa Puerto Princesa.

Bukod sa manufacturing, may mga opening na nasa linya ng construction; hotel and restaurant management; transport, storage and communication; financial intermediation, health and social work; real estate at community, social and personal services.

May limang ahensiya din sa Puerto Princesa ang nag-aalok ng mga trabaho para sa ibang bansa gaya ng  household workers, factory workers, mechanical engineers, construction workers at drivers.

Kung may mga kababayan na nangangailangan na mag-renew ng kanilang professional licenses, pwede silang sumabay ng mga job seekers ang Professional Regulatory Commission sa kambal na job fair.

Para sa karagdagang detalye, magtanong sa 043-288-2080 (para sa tanggapan ng DOLE sa Calapan) at  (048) 433-0383 (PESO Office sa Puerto Princesa City).



Miyerkules, Nobyembre 26, 2014

RDRRMC ng Mimaropa, pinaghahandaan si TD Queenie

Ang larawang ito ay mula sa PAGASA-DOST


QUEZON CITY, Nobyembre 27 (PIA) --- Hindi pa nakakarating sa Mimaropa ang Tropical Depression Queenie pero  pinaghahanda ng mga miyembro ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga kababayan sa rehiyon  lalo na yung mga taga Palawan na maghanda na.

Nakataas ang Public Storm Signal Number 1 sa Calamian Group of islands, Cuyo Islands at sa nalalabing bahagi ng Palawan.  

Pinasabihan na ang mga may-ari ng mga malalaking at maliliit na sasakyang pandagat na ipagpaliban muna ang paglaot habang hindi nakakalagpas ang TD Queenie.

Tulad ng dati, nakikipag-ugnayan na ang Office of Civil Defense (Mimaropa) sa lahat ng response organizations para paghandaan ang parating na tropical depression.

Alertado na rin ang mga field office ng Department of the Interior and Local Government.
Naka-antabay na rin ang mga Social Welfare and Development teams sa buong rehiyon at maging ang kanilang quick reaction teams.

Ayon pa sa Department of Social Welfare and Development - Mimaropa, nakaposisyon na ang kanilang mga relief goods sa mga malalayong island barangays.

Mayroong 18,766 family food pack ngayong ang DSWD-Mimaropa.

Nasa Code White ang status ng Deparment of Health - Mimaropa na patuloy ang pagmamatyag sa kanilang mga tanggapan sa iba't ibang lalawigan.

Nakahanda na rin ang mga tauhan ng Provincial Regional Office ng PNP-Mimaropa kabilang na rito ang kanilang search and rescue team.

Nakakalat naman sa iba't ibang district office ang mga asset ng Department of Public Works and Highways gaya ng heavy equipment para makatulong sa clearing operation.

Gaya ng OCD-Mimaropa, wala tigil ang Coast Guard District Southern Tagalog  ng mga weather bulletins sa kani-kanilang substations sa bawat probinsya.

Naka-stand by naman ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection kung kakailangan sa mga mga rescue operations: mayroon silang mga emergency medical units bukod sa mga fire-fighting equipments at personnel.

Tiniyak naman ng Department of Agriculture na mayroon silang mga planting materials na pwedeng ipamalit sa mga pananim na posibleng masira kapag naminsala ang TD Queenie.

Bagamat wala sa ilalim ng public storm signal number 1, naghanda na rin ang mga Provincial Disaster Risk Reduction and Management office ng Romblon at Oriental Mindoro  sa pagdating ng TD Queenie na may pito hanggang labinglimang millimetrong ulan sa loob ng kanyang tatlong daang kilometrong diyametro na maaring maging dahilan ng pagguho ng lupa o kaya ay biglaang pagbaha sa mga mabababang at bulubunduking lugar.

At panghuli, ang PIA-Mimaropa naman ang tumutulong sa pagpapakalat ng impormasyon sa mga hakbang na ginagawa ng mga miyembro ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Office.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa OCD-Mimaropa sa (042) 723-4248 o kaya sa ocd4_mimaropa@yahoo.com. (Lyndon Plantilla)

Biyernes, Setyembre 26, 2014

Eksperto: isang malaking puno, singlakas ng sampung aircon kung magpalamig


QUEZON CITY, Setyembre 27 (PIA): Gusto malamig ang paligid palagi pero ayaw mag-aircon? Magtanim daw ng puno.

Ang isang malaking puno ay may kakayahang makapagpalamig na sing-lakas ng sampung  air-conditioner, ayon sa isang eksperto ng Department of Environment and Natural Resource-Mimaropa (DENR-Mimaropa).

Sa isang seminar sa Mindoro College of Agriculture and Techonology (Minscat)-Calapan Campus kamakailan, ipinaliwanag pa ni Marilyn Limpiada na ang isang pares ng puno na nasa wastong gulang ay makagagawa ng oxygen na sasapat naman sa isang pamilya na may apat na miyembro.

Si Ms. Limpiada, ang Regional Technical Director ng Ecosystem Research and Development Service ng DENR-Mimaropa,  ay kabilang sa grupong nagtaguyod ng Climate Change Campus tour sa Calapan City bilang bahagi ng kampanya ng DENR-Mimaropa at ng Philippine Information Agency-Mimaropa (PIA-Mimaropa) na "Nagbabago na ang Panahon, Panahon na Magbago."

Nilalayon ng kampanya na maipaunawa sa publiko ang nagbabagong klima at kung paano makakaligtas sa mga epekto nito tulad ng madalas na pagbagyo, pagbaha at mahabang tag-tuyo.

Mismong si Regional Director Cristina Castillo (kasama ang mga taga- PIA-Oriental Mindoro sa ilalim ni Information Center Manager Louie Cueto, Ph.D.) ang nanguna sa panig ng PIA-Mimaropa  para pangasiwaan ang unang ratsada ng Campus Tour sa Calapan City.

Bukod sa nakapagpapalamig, ani pa ni Ms. Limpiada, ang mga puno ang pinakamahusay na sumisip o humigop ng Carbon Dioxide, isa sa mga mabibigat na greenhouse gas na kumakalat sa hangin at kalawakan.

Ang Carbon dioxide ay mula sa pagsunog ng mga  fossil fuel o petrolyong langis sa mga pabrika, sasakyan at power plants.

Ang iba pang greenhouse gas ay ang  Nitrous Oxide na mula sa kemikal na pataba; Halocarbons na mula sa air-c conditioner at refrigerator at Methane na nagmumula naman sa mga dumi ng hayop at nabubulok na basura.

Pangunahing layunin ng mga green house gas ay panatilihin ang wastong  temperatura sa daigdig.
Subalit sa lakas ng paggamit ng petrolyong langis, gaas at uling sa buong daigdig,sinabayan pa ng maramihang pagputol ng puno at pagtambak ng basura, sumusubra ang Carbon dioxide at iba pang greenhouse gas sa hangin at kalawakan na siyang nagpabilis ng global warming.

Ang global warming o pag-init ng mundo ang sinisisi sa pagbabago ng klima.

Kaya naman ang panawagan ni Ms. Limpiada sa mga estudyante at maging sa kanilang mga guro ay ang palagiang paglahok sa malawakang pagtatanim ng puno.

Ani Limpiada, ang isang ektarya ng kagubatan  ay may kakayahang sumisip ng isang toneladang karbon na humahalo sa hangin.

Sa Isang ektarya na siksik sa punong Gmelina, walong toneladang carbon, anya, ang kayang masipsip kada taon.

Kapag sinabayan ng pagtitipid sa paggamit ng apliances at maayos na pangangasiwa ng basura ang pagtatanim at pangangalaga ng mga puno at bakawan, naniniwala si Ms. Limpiada na malaki ang maitutulong sa pagbawas ng pag-init ng mundo at maantala ang pagbabago ng klima.

Nitong Biernes, sangkatutak na puno at bakawan ang itinanim ng mga mag-aaral, sundalo, mga pulis, mga kawani ng gobyerno at iba pang miyembro ng samahang makalikasan at pribadong sektor sa may anim na rehiyon sa Mindanao.

Ito ang tinawag na TreeVolution na ang hangaring makapagtanim na mahigit sa apat at kalahating milyong puno sa isang oras.

Sa ulat ng TreeVolution sa Facebook account nito, dakong alas singko ng hapon kahapon, lumagpas na di umano ng tatlong milyon ang bilang ng mga naitanim na puno.

Pero hindi pa ito ang opisyal at huling bilang dahil nagpapatuloy ang bilangan habang isinusulat ang report na ito. (Lyndon Plantilla)