At least three people's organizations based within or near the Malampaya Sound Protected Landscape and Seascape have shunned destructive forest (kaingin) and marine practices in favor of designing and manufacturing coffee tables, dividers and woven bags.
These community-based livelihood projects in Taytay and San Vicente towns of Palawan will be tackled this afternoon at the Biodiversity-Friendly Business and Investment Forum that the Biodiversity Management Bureau (BMB) has organized.
The forum, ongoing at the Hotel Intercontinental Manila in Makati, aims to match these livelihood projects with compatible investors or financiers that will help these local ventures to grow.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Province of Palawan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Province of Palawan. Ipakita ang lahat ng mga post
Martes, Pebrero 10, 2015
Martes, Disyembre 30, 2014
Bagyong Seniang bumilis, papunta na sa dako ng Cuyo
Ang larawan ay mula sa Pagasa-DOST
Bumilis ang pagtawid ng Bagyong Seniang papuntang Mimaropa partikular na sa dako ng Cuyo Island.
Mula sa 15 kilometro bawat oras, naging 19 kilometro bawat oras ang pagratsada ng bagyo bagamat nananatili ang lapad ng bagyo sa 300 kilometro, ang lakas ng hangin sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso sa 80 kilometro bawat oras.
Huling namataan ng Pagasa-DOST ang bagyo sa layong 108 kilometro timog kanluran ng Iloilo City kaninang ika-apat ng hapon.
Tinataya ng Pagasa-DOST na mamamataan ang bagyong Seniang sa layong 110 kilometro kanluran ng Puerto Princesa City bukas ng hapon (Miyerkules, Ika-31 ng Disyembre)
Dahil dito, itinaas ng Pagasa-DOST sa Public Storm Warning Signal No. 2 ang babala sa Palawan at sa isla ng Cuyo batay sa Severe Weather Bulletin No.11.
Nananatili naman sa PSWS No. 2 ang babala sa Calamian group of islands.
Malapad ang bagyo kaya lahat ng mga bayan na madadaanan nito ay maaring makaranas ng pito't kalahati at labing limang milimetrong pag-ulan.
Lalong pinag-iingat ng awtoridad ang mga kababayan sa mga mababa at bulubunduking lugar na nasa ilalim ng Signal No. 2 at Signal No. 1 sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.
Sa mga mangingisda at mga nagmamay-ari ng bangkang maliliit, nakikiusap ang mga opisyal na huwag na munang pumalaot dahil kaya ng bagyo na makalikha ng mga dambuhalang bagyo na may taas na limang metro.
Pinapayuhan din ang mga residente sa mga posibleng daanan ng bagyo na sundin ang mga gabay ng kani-kanilang disaster risk reduction and management office.
Magbibigay ang Pagasa-DOST ng panibagong pagtaya ng panahon mamayang 11 ng gabi.
30 Disyembre 2014
Linggo, Disyembre 7, 2014
Mga pinatuyung bahay-pawikan, nabawi sa Balabac
Ang larawan ito ay halaw sa FB account ng Philippine Navy
Kasama sa mga sumaksi sa turn-over ceremony ay sina Vice Admiral Alexander S Lopez, AFP, ang Commander ng Western Command at Commodore Manuel Natalio A Abinuman AFP, ang Commander ng Naval Forces West.
Ang mga pinatuyung bahay-pawikan, pawang mga Hawkbill, ay natuklasan ng pinagsanib na pwersa ng Naval Station Narciso Del Rosario at ng Balabac Municipal Police Station habang nagpapatrolya sa baybayin ng Sitio Mansalangan sa Barangay Sebaring sa bayan ng Balabac.
Kasama ng Navy at mga pulis ang mga tauhan ng City Environment and Natural Resources at Municipal Environment and Natural Resources.
Ang mga bahay pawikan noon ay nilagyan ng formaldehyde, nakabalot sa plastik at nakabaon sa lupa.
Bukod sa mga pinatuyo, nakakuha pa ng pitong na buhay na pawikan sa nasabing lugar.
Napag-alaman ng mga awtoridad na mayroong nagmamay-ari sa mga pawikan at nakahanda na para maibenta.
Nakakuha din ng isang rolyo ng panghuli ng pawikan o pukot kung tawagin ang mga awtoridad sa nasabing lugar.
Pinakawalan sa karagatan ang mga pawikan matapos maidukumento at matatakan. (LP)
Biyernes, Nobyembre 28, 2014
Pagasa-DOST sa mga taga-Palawan: iwas-dagat muna habang papalayo si Queenie
Ang larawan na ito ay mula sa Pagasa-DOST
QUEZON CITY, Nobyembre 28 (PIA)---Papalayo na ang Bagyong Queenie pero pinapayuhan pa rin ng Pagasa-DOST ang mga kababayan sa kanluran baybayin ng Palawan na huwag munang pumalaot .
Dahil dito, inalis na ang babala ng bagyo na pinairal sa Palawan.
Habang dumadaan ang bagyo nitong Huwebes, dalawang katao ang nailigtas ng mga tauhan ng Bantay Dumaran at Pulisya sa karagatang bahagi ng Dumaran.
Pinataob ng malalakas na hangin at malalaking alon ang bangkang sinakyan nina Ronilo Bacay at Jayson Tayo kahapon.
Ang dalawa ay naihatid na sa barangay Poblacion.
Mahigit sa limangpung katao kabilang ang may dalawamput-dalawang elementary student ang sinundo ng 117 Rescue Team at ng Kilos Agad Action Center matapos ma-istranded sa Sitio Magarwak, Barangay Bacungan sa Puerto Princesa City.
Sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office-Puerto Princesa City, nagsasagawa ng field trip ang mga biktima sa lugar nang abutan ng malakas na ulan.
Umabot sa 343 na mga kabahayan ang napinsala ng Bagyong Queenie; lima sa nasabing bilang ay ganap na nasira at matatagpuan sa bayan ng Linapacan.
Ang pang-anim na ganap na nawasak na bahay ay nasa bayan ng Roxas.
Ang karamihan ng mga bahagyang napinsalang bahay ( umabot sa 287) ay matatapuan sa bayan ng Araceli.
Labing dalawang bangka sa bayan ng Linapacan ang naiulat na nasira.
Hanggang baywang naman ang baha sa mga barangay ng Talog, Cataban at Poblacion sa bayan ng Taytay.
Pero sa ulat ng Office of Civil Defence - Mimaropa, bumababa na ang baha sa mga nabanggit na barangay. (LP)
Ilang mga residente sa mga baybaying barangay sa Palawan, pinalikas bago bumagyo
Ang larawan ay mula sa PAGASA-DOST
QUEZON CITY, Nobyembre 28, (PIA) - Maaang pinalikas ng mga awtoridad ang mga residenteng ng ilang coastal barangay sa Palawan para makaiwas agad sa disgrasya sa Bagyong Queenie.
Sa ulat ng Office of Civil Defense - Mimaropa (Sitrep No. 6)- umabot sa 2, 137 katao ang nailipat sa evacuation center.
Karamihan ng mga evacuees ay mula sa mga bayan ng Culion (mga barangay ng Osmena at Jardin), Taytay (mga barangay ng Poblacion, Biton at Pamantolon), Araceli at Linapacan (mga barangay ng Calibangbangan at San Miguel).
Ang mga bulto ng evacuees ay mula sa Barangay Poblacion ng Taytay, sumunod ang Barangay Calibangbangan ng Linapacan at panghuli ay ang bayan ng Araceli.
May ilang mga evacuees sa Araceli, mga 140 katao, tumutuloy ngayon sa kanilang mga kamag-anak sa halip na sa evacuation centers.
Ang maagang paglilikas ay karaniwang hakbang na ginagawa ng mga lokal na pamahalaan gaya ng Albay para maiwasan mapinsala ang mga mamamayan sa bagyo. (LP)
Miyerkules, Nobyembre 26, 2014
RDRRMC ng Mimaropa, pinaghahandaan si TD Queenie
Ang larawang ito ay mula sa PAGASA-DOST
QUEZON CITY, Nobyembre 27 (PIA) --- Hindi pa nakakarating sa Mimaropa ang Tropical Depression Queenie pero pinaghahanda ng mga miyembro ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga kababayan sa rehiyon lalo na yung mga taga Palawan na maghanda na.
Nakataas ang Public Storm Signal Number 1 sa Calamian Group of islands, Cuyo Islands at sa nalalabing bahagi ng Palawan.
Pinasabihan na ang mga may-ari ng mga malalaking at maliliit na sasakyang pandagat na ipagpaliban muna ang paglaot habang hindi nakakalagpas ang TD Queenie.
Tulad ng dati, nakikipag-ugnayan na ang Office of Civil Defense (Mimaropa) sa lahat ng response organizations para paghandaan ang parating na tropical depression.
Alertado na rin ang mga field office ng Department of the Interior and Local Government.
Naka-antabay na rin ang mga Social Welfare and Development teams sa buong rehiyon at maging ang kanilang quick reaction teams.
Ayon pa sa Department of Social Welfare and Development - Mimaropa, nakaposisyon na ang kanilang mga relief goods sa mga malalayong island barangays.
Mayroong 18,766 family food pack ngayong ang DSWD-Mimaropa.
Nasa Code White ang status ng Deparment of Health - Mimaropa na patuloy ang pagmamatyag sa kanilang mga tanggapan sa iba't ibang lalawigan.
Nakahanda na rin ang mga tauhan ng Provincial Regional Office ng PNP-Mimaropa kabilang na rito ang kanilang search and rescue team.
Nakakalat naman sa iba't ibang district office ang mga asset ng Department of Public Works and Highways gaya ng heavy equipment para makatulong sa clearing operation.
Gaya ng OCD-Mimaropa, wala tigil ang Coast Guard District Southern Tagalog ng mga weather bulletins sa kani-kanilang substations sa bawat probinsya.
Naka-stand by naman ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection kung kakailangan sa mga mga rescue operations: mayroon silang mga emergency medical units bukod sa mga fire-fighting equipments at personnel.
Tiniyak naman ng Department of Agriculture na mayroon silang mga planting materials na pwedeng ipamalit sa mga pananim na posibleng masira kapag naminsala ang TD Queenie.
Bagamat wala sa ilalim ng public storm signal number 1, naghanda na rin ang mga Provincial Disaster Risk Reduction and Management office ng Romblon at Oriental Mindoro sa pagdating ng TD Queenie na may pito hanggang labinglimang millimetrong ulan sa loob ng kanyang tatlong daang kilometrong diyametro na maaring maging dahilan ng pagguho ng lupa o kaya ay biglaang pagbaha sa mga mabababang at bulubunduking lugar.
At panghuli, ang PIA-Mimaropa naman ang tumutulong sa pagpapakalat ng impormasyon sa mga hakbang na ginagawa ng mga miyembro ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Office.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa OCD-Mimaropa sa (042) 723-4248 o kaya sa ocd4_mimaropa@yahoo.com. (Lyndon Plantilla)
Palawan, binabantayan ang pagkilos ng TD Queenie
Ang larawan rito ay mula sa PAGASA-DOST
QUEZON CITY, Nobyembre 27 (PIA) --- Pinag-iingat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga kababayang taga-Palawan partikular na yung mga naninirahan sa Hilagang Bahagi sa pagdaan ng Tropical Depression Queenie.
Kaninang alas diyes ng umaga, namataan ng PAGASA ang TD Queenie sa layong 120 hilangang kanluran ng Dumaguete City.
Bagamat patawid pa lang ngayon sa Sulu Sea, mamayang gabi ay magpaparamdam sa Palawan si TD Queenie na may lakas na 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna.
Inaasahang tatahakin ng TD Queenine ang pakanlurang direksyon sa bilis na 24 kilometro bawat oras.
Kaya naman nakataas ang Public Storm Signal Number 1 ngayon sa Palawan, Calamian Group of Islands at pati sa isla ng Cuyo.
Tinataya ng Pagasa na may magbubuhos ng pito hanggang labing limang milimetrong ulan ang TD Queenie sa loob ng kanyang 300 kilometrong diyametro.
Walang tigil sa kapapa-alala ang mga awtoridad sa mga kababayang naninirahan sa mga mabababa at bulubunduking lugar sa Palawan na nasa ilalim ng Public Storm Signal Number 1 at maging sa mga katulad na lugar sa Romblon at sa dalawang lalawigan ng Mindoro na mag-ingat at maghanda sa biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.
Iniulat ng Office of Civil Defense-Mimaropa (sa kanilang Sitrep No. 2), na suspindido na ang port operations ng rutang Puerto Princesa-Cuyo-Iloilo at rutang Coron-Palawan-Manila.
Pinayuhan naman ng Coast Guard District - Palawan ang mga operator ng malalaki at maliit na sasakyang pandagat na ipagpaliban muna ang mga biyahe habang papalapit ang TD Queenie.
Iniulat naman ng Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na naka-alerto na kanilang operation center, mga Disaster Risk Reduction and Management Offices sa iba't-ibang bayan, pati mga response group sa lalawigan kabilang na rito ang Palawan 165.
Para sa karagdagang detalye, tumawag sa OCD-Mimaropa sa (042) 723-4248 o kaya sumulat sa ocd4_mimaropa@yahoo.com.
Miyerkules, Oktubre 22, 2014
Misting at disinfection sa mga pantalan ng Mimaropa, umarangkada na
QUEZON CITY, Ika-22 ng Oktubre (PIA): Nagsimula na ang malawakang disinfection at misting sa mga pantalan ng Mimaropa.
Inilunsad sa Pantalan ng Puerto Princesa nitong Martes, pinangunahan ng Department of Health-Mimaropa ang paglilinis ng mga lugar na pwedeng pamahayan ng lamok sa mga pasilidad ng barko at puerto sa buong rehiyon.
Hanap ng mga awtoridad ang mga lamok na makakapagdulot ng dengue fever, malaria at maging filariasis.
Ang disinfection at misting operation ay suportado ng Philippine Ports Authority at ng mga pamahalaang lokal ng bawat lalawigan.
Naniniwala si Regional Director Eduardo Janairo na makakatulong ang kampanya para maiwasan makalipat ang mga lamok mula sa mga barko papuntang mga probinsya at mula sa mga lalawigan pabalik ng barko.
Tiniyak ni Director Janairo na babatayan ng kanilang mga kasamahan sa probinsya ang disinfection at misting operasyon sa mga pier upang matiyak na maprotektahan sa dengue, malaria at filariasis ang mga pasahero, mangagawa sa terminal, mga tripulante at maging ang mga kababayan sa mga lalawigan.
Hinikayat ni Director Janairo ang mga namamahala ng puerto at mga nagmamay-ari ng mga barko na magsagawa ng madalas na paglilinis partikular sa ilang bahagi ng terminal at barko gaya ng comfort rooms, basurang walang takip, bubungan, alulod at mga ilaim ng lababo.
Naiulat ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU)na nakapagtala ang rehiyon ng 1,818 kaso ng dengue mula Enero hanggang - Ika-18 October 18, 2014.
Mula sa nasabing bilang ng mga kaso, ang 1,146 na kaso ng dengue ay nasa Palawan.
Pero mababa ang bilang ngayong taon kumpara sa noong 2013 (4,941 cases).
Karamihan ng mga nagkasakit ay nagkakaedad ng isang buwan hanggang 94 taong gulang.
karamihan din ng mga may-sakit ay mga lalaki.
Labing isa ang bilang ng namatay sa Dengue sa Mimaropa.
Pagdating sa Malaria, ang rehiyon ay nakapagtala ng 352 na kaso ngunit mababa na naman ang bilang ngayong taon kung ikukumpara sa katulad na panahon noong 2013 na mayroong 1,170 na kaso.
Gayumpaman, karamihan ng mga kaso ng Malaria ngayong taon ay nasa Palawan rin (342 cases).
Nasa pagitan ng dalawang buwan hanggang 89 taong gulang ang edad ng mga nagkasakit at karamihan ay mga lalaki.
Tatlo naman ang naiulat na namatay sa rehiyon dahil sa Malaria.
Inilunsad sa Pantalan ng Puerto Princesa nitong Martes, pinangunahan ng Department of Health-Mimaropa ang paglilinis ng mga lugar na pwedeng pamahayan ng lamok sa mga pasilidad ng barko at puerto sa buong rehiyon.
Hanap ng mga awtoridad ang mga lamok na makakapagdulot ng dengue fever, malaria at maging filariasis.
Ang disinfection at misting operation ay suportado ng Philippine Ports Authority at ng mga pamahalaang lokal ng bawat lalawigan.
Naniniwala si Regional Director Eduardo Janairo na makakatulong ang kampanya para maiwasan makalipat ang mga lamok mula sa mga barko papuntang mga probinsya at mula sa mga lalawigan pabalik ng barko.
Tiniyak ni Director Janairo na babatayan ng kanilang mga kasamahan sa probinsya ang disinfection at misting operasyon sa mga pier upang matiyak na maprotektahan sa dengue, malaria at filariasis ang mga pasahero, mangagawa sa terminal, mga tripulante at maging ang mga kababayan sa mga lalawigan.
Hinikayat ni Director Janairo ang mga namamahala ng puerto at mga nagmamay-ari ng mga barko na magsagawa ng madalas na paglilinis partikular sa ilang bahagi ng terminal at barko gaya ng comfort rooms, basurang walang takip, bubungan, alulod at mga ilaim ng lababo.
Naiulat ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU)na nakapagtala ang rehiyon ng 1,818 kaso ng dengue mula Enero hanggang - Ika-18 October 18, 2014.
Mula sa nasabing bilang ng mga kaso, ang 1,146 na kaso ng dengue ay nasa Palawan.
Pero mababa ang bilang ngayong taon kumpara sa noong 2013 (4,941 cases).
Karamihan ng mga nagkasakit ay nagkakaedad ng isang buwan hanggang 94 taong gulang.
karamihan din ng mga may-sakit ay mga lalaki.
Labing isa ang bilang ng namatay sa Dengue sa Mimaropa.
Pagdating sa Malaria, ang rehiyon ay nakapagtala ng 352 na kaso ngunit mababa na naman ang bilang ngayong taon kung ikukumpara sa katulad na panahon noong 2013 na mayroong 1,170 na kaso.
Gayumpaman, karamihan ng mga kaso ng Malaria ngayong taon ay nasa Palawan rin (342 cases).
Nasa pagitan ng dalawang buwan hanggang 89 taong gulang ang edad ng mga nagkasakit at karamihan ay mga lalaki.
Tatlo naman ang naiulat na namatay sa rehiyon dahil sa Malaria.
Miyerkules, Mayo 28, 2014
Palawan: Kota Kinabalu's next door eco-tourism hideaway
Lyndon plantilla
Palawan is irresistible---from a backpacker with shoes-string budget to the corporate mammal who would trade suits with bright-colored tropical shirts, walking shorts and slippers.
Why not? The nature haven called Palawan is known for the Tubbataha Reefs Natural Park (a World Heritage Site for its fantastic coral reef colony located at the island municipality of Cagayancillo); the Calauit Game Preserve and Wildlife Sanctuary (home to giraffes, zebras, impalas, waterbucks, bush backs, gazelles, elands, topis, Calamian deer, mouse deer, bearcat, Palawan peacock pheasant, sea turtles and Philippine crocodile) and the Puerto Princesa Underground River in Puerto Princesa City, one of the world’s newest wonders.
Why not? The nature haven called Palawan is known for the Tubbataha Reefs Natural Park (a World Heritage Site for its fantastic coral reef colony located at the island municipality of Cagayancillo); the Calauit Game Preserve and Wildlife Sanctuary (home to giraffes, zebras, impalas, waterbucks, bush backs, gazelles, elands, topis, Calamian deer, mouse deer, bearcat, Palawan peacock pheasant, sea turtles and Philippine crocodile) and the Puerto Princesa Underground River in Puerto Princesa City, one of the world’s newest wonders.
Online magazine Travel + Leisure listed El Nido’s Pangalusian Island---where chances of meeting turtles and parrot fish on top of a reef in Bacuit Bay are high---as the sixth out of the 27 Best Places to Travel in 2014.
Last year, readers of same magazine rated Palawan as the World’s best island.
So it would not be suprising when Governor Jose Alvarez reported in a recent Development Communicators Network (DevComNet) Meeting in Makati City that tourist arrivals in Palawan will hit the million mark this year.
To would be visitors, Governor Alvarez suggested to book ahead of schedule because catching a plane to Palawan and back to Mega Manila may be a headache during peak season (even the governor himself had a hard time getting a seat last April).
Despite these achievements and acknowledgements, Governor Alvarez thinks Palawan deserved more visitors than what it is receiving today because the province and its peoples' livelihoods rely on agriculture and tourism.
One solution that Governor Alvanez could think of is maximizing the proximity of Malaysia.
If only the Department of Foreign Affairs would allow Palawan to put up an extension office in Kota Kinabalu—something Governor Alvarez had wished for---so the province can promote its gems and get a chunk of the 4. 5 Million tourists in that part of Malaysia.
Travelling between Palawan and Kota Kinabalu is easy.
Governor Alvarez said a boat ride crossing the West Philippine Sea from Balabac Island will reach Malaysia’s Kudat in three hours.
Kudat, a resort town in Sabah, is 190 kilometers or three hours away by car from Kota Kinabalu.
But if passengers prefer flying, then they take regular flights from Kota kinabalu to Palawan and vice versa, Alvarez advised.
Currently, the Puerto Princesa International Airport has also direct links to other rest and recreation venues such as Caticlan, Davao, Cebu and Clark.
The airport served some 1.3 Million passengers in 2013 making improvements in its facility a necessity.
Right now the maximum number of passengers that the airport can deal properly is 350,000 per year.
PIA-Palawan reported that the airport will undergo construction on the last quarter of 2014 to improve its capacity to handle flights and passenger loads.
Construction will include a new passenger terminal building, cargo terminal building, apron, connecting taxiways, a new air navigation system, and other support facilities.
The project is expected to be completed in 2017: by then, the airport may be able to handle 2-Million passengers a year. (LBR/LP/DevComNet/VSM)
Mga etiketa:
Calauit Game Preserve and Wildlife Sanctuary,
Kota Kinabalu,
last frontier,
PPUR,
Province of Palawan,
regional eco-tourism hub,
Travel+ Leisure,
Tubbataha Reef,
WEF
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)

.jpg)
.gif)
