Ipinapakita ang mga post na may etiketa na #SeniangPH. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na #SeniangPH. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Disyembre 31, 2014

Apat na mangingisda, hinahanap ng PCG sa Palawan



Inaalam ngayon ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang sinapit na apat na mangingisda na naiulat na nawawala sa Palawan noong parating pa lang ang Bagyong Seniang.

Gayumpaman, sa panayam sa Radyo ng Bayan, sinabi ni Coast Guard Spokesperson Armand Balilo na umaasa siya na  sumilong lang ang mga mangingisda gaya ng ginawa isang grupo ng mga dayuhang bisita nitong Martes nang makasagupa ng masungit na panahon sa karagatan.

Naiulat na may isang grupo ng dayuhan na kinabibilangan ng Australyano, Thai, Pranses at Vietnamese ang nagtangkang lumapit sa El Nido port nitong Martes para mamasyal.

Pero para matiyak ang kaligtasan ng kanyang mga pasahero sa mga malalakas na alon, minabuti ng kapitan ng motorbanca na sumilong muna sa Linapacan Port para makaiwas sa masamang panahon at maipaayos din ang kanilang makina.

Samantala, dalawa ang sinagip  sa pagkalunod ng mga tauhan ng CoastGuard Special Operations Unit at ng kanilang Canine Unit.

Tumaob ang bangkang sinasakyan nina Risaldo Asoque at Mark David habang pabalik ng Puerto Princesa City port sa dako ng Sityo Sibang.

Bago pa man dumating ang bagyo, magkasabay magpalabas ng babala at impormasyon ang mga tauhan ng CoastGuard District Southern Tagalog at CoastGuard District Palawan katulong ang Office of Civil Defense-Mimaropa.

Bukod sa kanila, alertado at naka-monitor din  ang iba pang mga miyembro ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council-Mimaropa gaya ng Department of the Interior and Local Government  Department of Health,  Department of Social Welfare and Development, Department of Public Works and Highways at Bureau of Fire Protection.

Naka-Code White ang mga pagamutan ng DOH at nagpadala ng mga karagdagang tauhan ng Police Regional Office para tumulong sa Operation Center ng Provincial Capitol Operation Center ng Palawan.

Maagang nagposisyon ng 686 na family food packs ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Palawan sa bayan ng Aborlan.

Unang nagsipag-antabay ang mga disaster risk reduction and management office (DRRMO) ng Puerto Princesa City, Roxas at San Vicente.

Nagsawa ng pre-emptive evacuation naman ang mga DRRMO ng Agutaya at Roxas sa mga kababayang nasa bahaing lugar.

31 Disyembre 2014

Pagasa-DOST: Bagyong Seniang, humina't lumiit habang nasa Sulu Sea


Larawan mula sa Pagasa-DOST

Humina at nabawasan ang lapad ng Bagyong Seniang habang binabagtas ang Sulu Sea.

Sa huling forecast ng Pagasa-DOST (Severe Weather Bulletin No. 15), namataan ang bagyo sa layong 290 timog-timog kanluran ng Cuyo, Palawan kaninang alas kuwatro ng hapon.

Taglay ng Bagyong Seniang ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at kumikilos pa-kanluran-timog-kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Ang dating lapad ng bagyo ay  300 kilometro diyametro; ngayong hapon ay 200 kilometro na lang na may kakayaha pang magpaulan ng 5 hanggang 10 milimetro bawat oras.

Public Storm Warning Signal No.1 ang Palawan at hindi nawawala ang banta ng biglang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga mababa at bulubunduking lugar.

Pinapayuhan pa rin ang mga mangingisda at mga byahero sa mga maliliit na bangka na ipagpaliban muna ang pagpalaot sa mga araw ito.

Bukas ng hapon, unang araw sa Enero 2015,  tinataya ng Pagasa-DOST na nasa layong 300 kilometro timog kanluran ng Puerto Princesa City ang bagyo.

Biernes pa inaasahang lalabas ng Pilipinas ang Bagyong Seniang kaya ibayong pag-iingat pa rin ang dapat pairalin sa lahat ng mga kababayan sa Palawan lalo na dakong katimugan.

31 Disyembre 2014

Martes, Disyembre 30, 2014

Roxas at Agutaya sa Palawan, nagsagawa ng pre-emptive evacuation sa ilang barangay


Larawan mula sa Pagasa-DOST


Umabot sa 478 ang bilang ng inilikas ng mga lokal na pamahalaan sa Palawan bago pa man dumating ang Bagyong Seniang.

Sa ulat ng Office of Civil Defense-Mimaropa  (Sitrep No. 3), karamihan ng mga sumailalim sa pre-emptive evacuation ay ang mga bayan ng Roxas at Agutaya.

Sa bayan ng Roxas, ang mga evacuees ay mula sa mga barangay ng San Miguel (205 katao), Salvacion  (11), Nicanor Zabala (55), Tumarbong (130) at New Cuyo (35).

Duon naman sa Agutaya, ang mga evacuees ay mula sa Bangcal (22) at Cambian (16)  at pinatuloy sa kani-kanilang mga barangay hall.

Ang pre-emptive evacuation o maagang paglilikas ay isa sa mga paraan para makaiwas sa disgrasya ang mga kababayan sa mga bagyong paminsala gaya ng Seniang.

Ang pagdaan ni Seniang sa kabisayaan at kamindanawan ay nag-iwan ng 35 kataong patay bukod sa mga sira-sirang imprastraktura at pananim.

31 Disyembre 2014

Ilang nasuspindeng biyahe pandagat sa Mimaropa, balik sa dati na.



Balik sa dati ang mga pantalang nagsuspinde ng operasyon bilang paghahanda sa pagdaan ng Bagyong Seniang.

Sa ulat ng Office of Civil Defense - Mimaropa, balik byahe ang rutang mula Dangay Port (Oriental Mindoro)  papuntang  Caticlan Port (Iloilo) at  Romblon Port papuntang Cajidiocan Port (Sibuyan Island).

Suspendido pa rin ang pagbiyahe ng mga barko't bangka sa mga pantalan ng Puerto Princesa City (pati Cuyo island)  - Iloilo at Coron (Palawan) papuntang Maynila.

Sa pagkakaalis ng mga babala ng bagyo sa ibang lugar, sinabi  ni Philippine Coast Guard Spokesperson Armand Balilo (sa isang panayam sa Radyo ng Bayan)  na pinayagan na nila ang mga shipping lines na na makapagbiyahe maliban sa mga barko sa Palawan kung saan umiiral pa ang Public Storm Warning Signal No. 1.

Tulad sa Dangay Port kung saan maraming pasahero papuntang Iloilo at Zamboanga ang naipon, umaasa si Balilo na  makakaabot ang mga ito sa pagdiriwang ng bagong taon mamayang hating-gabi.

Noong Martes, Ika-30 ng Disyembre, iniulat ng OCD-Mimaropa  batay sa mga pinagsama-samang report ng Coast Guard station sa Oriental Mindoro, Romblon, Puerto Princesa City at El Nido na umabot sa 2,179 ang bilang mga pasaherong naistranded.


31 Disyembre 2014

Seniang, mapanganib pa rin kahit bumagal at humina


Ang larawan ay mula sa Pagasa-DOST

Bagamat bumagal ang pagbaybay ng Bagyong Seniang sa  Palawan, pinapayuhan ng Pagasa-DOST ang mga kababayan doon na ipagpatuloy ang ibayong pag-iingat mula ngayon hanggang bukas.

Lalo na yung mga nakatira sa mga mababa at bulubunduking lugar kung saan pwedeng  bumaha o kaya ay gumuho ang lupa dala ng Seniang.

Nagpabaha at nagdulot ng mga landslide ang Bagyong Seniang sa Kabisayaan at Kamindanawan nitong mga nakaraang araw.

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 35 ang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Seniang sa mga nasabing rehiyon.

Dalawamput-anim ang sugatan at walong nawawala.

Gayumpaman, sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Doy Cada ng Pagasa-DOST na posibleng humina ang bagyong Seniang sa mga susunod na oras.

Kaninang 10 ng umaga, ibinaba ng Pagasa-DOST sa Public Storm Warning Signal No. 1 ang babala sa buong Palawan batay sa Severe Weather Bulletin No. 14.

Huling namataan ang bagyo sa layong 245 kilometro Timog-Timog-Silangan ng Cuyo, Palawan kaninang alas 9 ng umaga.

Mula sa 19 na kilometro bawat oras, natapyasan ng anim na kilometro ang bilis ng pakanlurang-silangan-kanlurang paglalakbay ng Bagyong Seniang

Bumaba rin mula sa 65 kilometro bawat  oras sa 55 kilometro bawat ang oras ang lakas ng bagyo.

Pero malapad pa rin ang kaulapan ng bagyo na may diyametro na 300 kilometro.

Dahil dito, inaasahan ng  Pagasa-DOST na mga pito't kalahati hanggang milimetro ng pag-ulan ang mararanasan ng mga bayang madadaanan ng Bagyong Seniang.

Mapanganib sa ngayon sa eroplano, barko at bangka ang himpapawid at ang karagatang nasasakupan ng Palawan.

Dahil dito, pinapayuhan ng mga awtoridad na wala munang lilipad o kaya ay papalaot sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1.

Bukas ng umaga, tinataya ng Pagasa-DOST na mamamataan ang Bagyong Seniang sa layong 220 kilometro katimugan ng Puerto Princesa City.

Antabayanan ang susunod na ulat ng Pagasa DOST mamayang alas singko ng hapon.

31 Disyembre 2014

Palawan at RDRRMC-Mimaropa, naka-antabay na kay Seniang


                                                  Ang larawan ay mula sa Pagasa-DOST

Binabantayan ngayon ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council-Mimaropa (RDRRMC-Mimaropa) at ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Palawan (Palawan PDRRMO) ang pagkilos ng Bagyong Seniang.

Signal No. 2 na umiiral sa Palawan at sa isla ng Cuyo samantalang Signal No. 1 sa Calamian group of Island alinsunod sa Severe Weather Bulletin No. 1 ng Pagasa-DOST.

Alertado na ang operation center ng Palawan PDRRMO at ang mga rescue unit ng lalawigan.
Naka-standby na rin ang mga ahensiya ng DILG, DSWD,DOH, PNP, BFP at iba pang mga miyembro ng RDRRMC -Mimaropa.

Nakataas sa White Code ang mga pagamutang nasa ilalim ng DOH samantalang tiniyak naman ng Department of Agriculture ang mga butong pampalit sa mga pananim na masisira kung saka0-sakali.

Namahagi na rin ng mga impormasyon tungkol sa bagyo ang Coast Guard District Southern Tagalog at ang Coast Guard District Palawan.

Sa ulat ng RDRRMC-Mimaropa (Sitrep No. 1 Effects of TS Seniang), suspindido ang operasyon sa pantalan ng mga sumusunod na mga biyahe: Dangay Port (Oriental Mindoro) papuntang Caticlan Port (Iloilo); Roxas Romblon port (Romblon) - Cajidiocan port (Sibuyan island); Puerto Princesa Port-Cuyo  papuntang Iloilo at Coron (Palawan)-Manila.

Sa ulat naman ng Coast Guard Station - Oriental Mindoro at Coast Guard Station Romblon, umabot sa 2,150 (1,800 sa Oriental Mindoro samantalang 350 naman sa Romblon)  ang bilang mga pasaherong pansamantalang pinahimpil sa mga pantalang kani-kanilang nasasakupan.

Anim na put anim na rolling cargoes ang naistranded sa Oriental Mindoro.

Anim na sasakyang pandagat ang nakahimpil naman sa pantalan ng Oriental Mindoro at isa sa Romblon.

Para sa karagadagang impormasyon hinggil sa mga operasyon ng pantalan, tumawag sa Office of Civil Defense - Mimaropa (043- 723 4248).

Ang OCD-Mimaropa ay maari ding sulatan sa email: ocd4_mimaropa@yahoo.com o kaya ay region4b@ocd.gov.ph. #

30 Disyembre 2014



Palawan at RDRRMC-Mimaropa, naka-antabay na kay Seniang



Ang larawan ay mula sa Pagasa-DOST

Binabantayan ngayon ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council-Mimaropa (RDRRMC) at ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Palawan (Palawan PDRRMO) ang pagkilos ng Bagyong Seniang.

Signal No. 2 na umiiral sa Palawan at sa isla ng Cuyo samantalang Signal No. 1 sa Calamian group of Island alinsunod sa Severe Weather Bulletin No. 1 ng Pagasa-DOST.

Alertado na ang operation center ng Palawan PDRRMO at ang mga rescue unit ng lalawigan.
Naka-standby na rin ang mga ahensiya ng DILG, DSWD,DOH, PNP, BFP at iba pang mga miyembro ng RDRRMC -Mimaropa.

Nakataas sa White Code ang mga pagamutang nasa ilalim ng DOH samantalang tiniyak naman ng Department of Agriculture ang mga butong pampalit sa mga pananim na masisira kung saka0-sakali.
Namahagi na rin ng mga impormasyon tungkol sa bagyo ang Coast Guard District Southern Tagalog at ang Coast Guard District Palawan.

Sa ulat ng RDRRMC-Mimaropa (Sitrep No. 1 Effects of TS Seniang), suspindido ang operasyon sa pantalan ng mga sumusunod na mga biyahe: Dangay Port (Oriental Mindoro) papuntang Caticlan Port (Iloilo); Roxas Romblon port (Romblon) - Cajidiocan port (Sibuyan island); Puerto Princesa Port-Cuyo  papuntang Iloilo at Coron (Palawan)-Manila.

Sa ulat naman ng Coast Guard Station - Oriental Mindoro at Coast Guard Station Romblon, umabot sa 2,150 (1,800 sa Oriental Mindoro samantalang 350 naman sa Romblon)  ang bilang mga pasaherong pansamantalang pinahimpil sa mga pantalang kani-kanilang nasasakupan.

Anim na put anim na rolling cargoes ang naistranded sa Oriental Mindoro.

Anim na sasakyang pandagat ang nakahimpil naman sa pantalan ng Oriental Mindoro at isa sa Romblon.

Para sa karagadagang impormasyon hinggil sa mga operasyon ng pantalan, tumawag sa Office of Civil Defense - Mimaropa (043- 723 4248).

Ang OCD-Mimaropa ay maari ding sulatan sa email: ocd4_mimaropa@yahoo.com o kaya ay region4b@ocd.gov.ph. #

30 Disyembre 2014

Bagyong Seniang bumilis, papunta na sa dako ng Cuyo


Ang larawan ay mula sa Pagasa-DOST


Bumilis ang pagtawid ng Bagyong Seniang papuntang Mimaropa partikular na sa dako ng Cuyo Island.

Mula sa 15 kilometro bawat oras, naging 19 kilometro bawat oras ang pagratsada ng bagyo bagamat nananatili ang lapad ng bagyo sa 300 kilometro, ang lakas ng hangin sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso sa 80 kilometro bawat oras.

Huling namataan ng Pagasa-DOST ang bagyo sa layong 108 kilometro timog kanluran ng Iloilo City kaninang ika-apat ng hapon.

Tinataya ng Pagasa-DOST na mamamataan ang bagyong Seniang sa layong 110 kilometro kanluran ng Puerto Princesa City bukas ng hapon (Miyerkules, Ika-31 ng Disyembre)  

Dahil dito, itinaas ng Pagasa-DOST sa Public Storm Warning Signal No. 2 ang babala sa Palawan at sa isla ng Cuyo batay sa Severe Weather Bulletin No.11.

Nananatili naman sa PSWS No. 2 ang babala sa Calamian group of islands.

Malapad ang bagyo kaya lahat ng mga bayan na madadaanan nito ay maaring makaranas ng pito't kalahati at labing limang milimetrong pag-ulan.

Lalong pinag-iingat ng awtoridad ang mga kababayan sa mga mababa at bulubunduking lugar na nasa ilalim ng Signal No. 2 at Signal No. 1 sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa mga mangingisda at mga nagmamay-ari ng bangkang maliliit, nakikiusap ang mga opisyal na huwag na munang pumalaot dahil kaya ng bagyo na makalikha ng mga dambuhalang bagyo na may taas na limang metro.

Pinapayuhan din ang mga residente sa mga posibleng daanan ng bagyo na sundin ang mga gabay ng kani-kanilang disaster risk reduction and management office.

Magbibigay ang Pagasa-DOST ng panibagong pagtaya ng panahon mamayang 11 ng gabi.

30 Disyembre 2014

Mga taga-Palawan, pinag-iingat kay Bagyong Seniang


                                                                                   Ang mapa ay mula sa Pagasa-DOST

Araw na lang binibilang at magpapalit na ng taon. 

Gayumpaman, hindi dapat maging kampante ang mga kababayan dahil may bahagi ng Mimaropa partikular ang Palawan (masdan ang mapa sa itaas) na maaring daanan ng Bagyong Seniang na bumabagtas ngayon sa ilang parte ng Kabisayaan at Kamindanawan.

Sa pagtaya ng Pagasa-DOST (Severe Weather Bulletin No. 10-A), mamamataan ang bagyong Seniang sa layong 70 kilometro bawat oras timog-timog silangang ng Puerto Princesa City bukas, Miyerkules (ika-31 ng Disyembre) ng umaga.

Malapad ang kaulapan ni Seniang---300 kilometro ang diyametro---at lahat ng lugar na babagtasin nitong bagyo ay maaring makaranas ng  pito't kalahati hanggang labing limang milimetrong pag-ulan kada oras.

Taglay ng Bagyong Seniang ang lakas ng hangin na 65 kilometro bawat oras at pagbugso ng aabot sa 80 kilometro bawat oras, kumikilos si Seniang pa-kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Dahil dito, Itinaas ng ahensya ang Public Storm Warning Signal No. 1 sa buong Palawan kasama ang mga isla ng Calamian at Cuyo.

Pinag-iingat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ng Mimaropa ang mga kababayan sa posibleng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa sa mabababa at bulunbunduking lugar.

Hinihikayat din ng mga awtoridad ang mga nagmamay-ari ng maliliit na bangka na iwasan munang pumalaot dahil ang bagyong Seniang ay may kakayahang lumikhang mga dambuhalang along na aabot sa taas na limang metro.

Abangan sa radyo, TV at sa internet ng mga pinakahuling pagtaya ng Pagasa-DOST sa Bagyong Seniang. #

30 Disyembre 2014