Larawan mula sa Pagasa-DOST
Sa ulat ng Office of Civil Defense-Mimaropa (Sitrep No. 3), karamihan ng mga sumailalim sa pre-emptive evacuation ay ang mga bayan ng Roxas at Agutaya.
Sa bayan ng Roxas, ang mga evacuees ay mula sa mga barangay ng San Miguel (205 katao), Salvacion (11), Nicanor Zabala (55), Tumarbong (130) at New Cuyo (35).
Duon naman sa Agutaya, ang mga evacuees ay mula sa Bangcal (22) at Cambian (16) at pinatuloy sa kani-kanilang mga barangay hall.
Ang pre-emptive evacuation o maagang paglilikas ay isa sa mga paraan para makaiwas sa disgrasya ang mga kababayan sa mga bagyong paminsala gaya ng Seniang.
Ang pagdaan ni Seniang sa kabisayaan at kamindanawan ay nag-iwan ng 35 kataong patay bukod sa mga sira-sirang imprastraktura at pananim.
31 Disyembre 2014
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento