Suspindido ang pasok sa tanggapan ng
pamahalaan at sa mga paaralan sa National Capital Region, Calabarzon
at Mimaropa ngayong araw na ito, Lunes, ika-8 ng Disyembre.
Kaugnay ito sa pagdating ng Bagyong
Ruby sa tatlong rehiyon ngayong maghapon at mamayang gabi.
Kagabi, itinaas ng Pagasa-DOST sa
Public Storm Warning Signal No. 3 ang Marinduque, Oriental Mindoro,
Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island, Romblon, Batangas,
Laguna, Cavite at Katimugan Quezon.
Public Storm Warning Signal No. 2 naman
sa Calamian Group of Island, Rizal, ang lalabing bahagi ng Quezon at
Metro Manila.
Public Storm Warning Signla No. 1 naman
ang umiiral sa Hilagang Palawan kasama ang Cuyo Island.
Sa isang panayam, ipinaliwanag ni
Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na kinansela ni
Executive Secretary Paquito N. Ochoa Jr. ang pasok sa lahat ng
government office sa Region IV-(Calabarzon), Region IV-B (Mimaropa) at NCR (Metro Manila) maliban sa mga
kawani na kasama sa 'basic and health services, disaster response,
and other vital public services.'
Kasama rin sa suspensyon, ani Usec
Valte, ang pasok sa mga eskwelahan sa lahat ng level.
Umapila rin si Usec. Valte sa pribadong
sektor na ikunsidera ang magiging lagay ng panahon ngayong araw ito
at sundan ang hakbang ng pamahalaan para sa kapakanan at kaligtasan ng kanilang
empleyado. (LP)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento