Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Typhoon Ruby. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Typhoon Ruby. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Disyembre 10, 2014

Prepositioning: ayuda sa mga LGU tuwing may bagyo, kalamidad




Malaking bagay ang prepositioning ng mga food pack, lalo na sa mga islang probinsya.

Tulad ng mga lamgam, maagang nagpapadala at nag-iipon (stockpiling) ng mga family food pack ang Department of Social Welfare and Development - Mimaropa sa iba't ibang lalawigan sa rehiyon.

Kaya naman noong nakapasok sa Pilipinas ang Bagyong Ruby,  ready na ang bawat lokal na pamahalaan sa Mimaropa para alalayan ang mga kanilang mga nasasakupan.

Ang mga naipadala ay bukod pa sa inihandang mga relief good ng mga lokal na pamahalaan.

" Mas prepared ang region ngayon compared dun sa nakaraan na bagyong Yolanda. Extent ng damage ngayon is not as grabe tulad noon, and ang supply ng food packs ay agaran nabibigay dahil sa stockpile na nauna ng naihanda bago pa man magbagyo, " sabi ni Dwight Macabuhay, Regional Information Officer ng DSWD-Mimaropa.

Bawat family food pack ay may lamang  mga de lata, kape, instant mami at  bigas.

Sa advisory ng DSWD-Mimaropa nung ika-6 ng Disyembre, umabot sa 31, 496 ang mga nakakalat na sa iba't ibang lalawigan: yung ibang food pack sa regional office pa binalot.

Lahat ng food packs para sa mga probinsya ay inilagak sa isang bodega sa Batangas City na siyang naging relief distribution hub noong kasasagan ng pagpapadala ng relief goods.

Lahat yan nagawa bago pa bumabay sa Sibuyan Sea ang Bagyong Ruby noong Lunes ng madaling araw.

Sa anim na bayan sa Marinduque, mga 1,457 na pamilya ang nakinabang sa mga naunang family food packs (1,457 packs) na naipadala.

Nakapagpadala din ang regional office ng 200 family food packs ang Romblon.

Ayon kay Macabuhay, mayroong 1,722 food pack na nakatakdang ibyahe sa Romblon pero ang mga ito ay prepositioning supply at pamalit na rin sa mga nagamit ng lokal na pamahalaan nitong mga nakaraang araw.

Ang Occidental Mindoro naman ay nakatanggap din ng food packs para sa may 1,600 na pamilya sa may pitong bayan.

Sa ngayon may ipapadala pang 1,500 family food packs sa Lubang Island ng Occidental Mindoro: 1,000 para sa Lubang at 300 para sa Looc.

May kasamang karagdagang 200 family food packs pang-prepositioning ng Lubang sa kanilang supply.

Dagdag paliwanag ni Macabuhay, handang pa rin mag-padala ng family food packs ang regional office kung mayroong pang  lokal na pamahalaan na hihiling sa kanila.

Inaasahang ngayong gabi lalabas ng bansa ang Bagyong Ruby batay sa huling pagtaya ng Pagasa-DOST nitong  Miyerkules ng hapon. (LP)


Linggo, Disyembre 7, 2014

Pasok sa gobyerno, eskwela sa NCR, Mimaropa at Calabarzon, suspindido dahil kay Ruby

Suspindido ang pasok sa tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan sa National Capital Region, Calabarzon at Mimaropa ngayong araw na ito, Lunes, ika-8 ng Disyembre.

Kaugnay ito sa pagdating ng Bagyong Ruby sa tatlong rehiyon ngayong maghapon at mamayang gabi.

Kagabi, itinaas ng Pagasa-DOST sa Public Storm Warning Signal No. 3 ang Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro kasama ang Lubang Island, Romblon, Batangas, Laguna, Cavite at Katimugan Quezon.

Public Storm Warning Signal No. 2 naman sa Calamian Group of Island, Rizal, ang lalabing bahagi ng Quezon at Metro Manila.

Public Storm Warning Signla No. 1 naman ang umiiral sa Hilagang Palawan kasama ang Cuyo Island.

Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na kinansela ni Executive Secretary Paquito N. Ochoa Jr. ang pasok sa lahat ng government office sa Region IV-(Calabarzon), Region IV-B (Mimaropa) at NCR (Metro Manila) maliban sa mga kawani na kasama sa 'basic and health services, disaster response, and other vital public services.'

Kasama rin sa suspensyon, ani Usec Valte, ang pasok sa mga eskwelahan sa lahat ng level.

Umapila rin si Usec. Valte sa pribadong sektor na ikunsidera ang magiging lagay ng panahon ngayong araw ito at sundan ang hakbang ng pamahalaan para sa kapakanan at kaligtasan ng kanilang empleyado. (LP)



Palace suspends work in gov't, classes in NCR, Mimaropa and Calabarzon

Malacanang on Monday suspended work in all government offices in Metro Manila (NCR or National Capital Region), Calabarzon (Region IV-A) and Mimaropa (Region IV-B) due to the impending passage of Typhoon Ruby in these areas tonight.

Also suspended today, December 8, are classes in all levels in the same regions, according to Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte based on an action made by Executive Secretary Paquito N. Ochoa.

But Usec. Valte clarified that the suspension does not cover those who are involved in the delivery of basic and health services, disaster response and other vital public services.

Pagasa-DOST on Sunday night raised Public Storm Warning Signal No. 1 over Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro including Lubang Island, Romblon, Batangas, Laguna, Cavite and Southern Quezon.

Public Storm Warning Signal No. 2 is in effect over Calamian Group of Islands, Rizal, the rest of Quezon and Metro Manila.

Only Northern Palawan including Cuyo island remained under Public Storm Signal No.1.

Usec Valte likewise urged private sector in the three regions to consider the forecasted weather conditions in favor of the welfare and safety of their employees. (LP)


Palace suspends work in gov't, classes in NCR, Mimaropa and Calabarzon

Malacanang on Monday suspended work in all government offices in Metro Manila (NCR or National Capital Region), Calabarzon (Region IV-A) and Mimaropa (Region IV-B) due to the impending passage of Typhoon Ruby in these areas.

Also suspended today, December 8, are classes in all levels in the same regions, according to Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte based on an action made by Executive Secretary Paquito N. Ochoa.

But Usec. Valte clarified that the suspension does not cover those who are involved in the delivery of basic and health services, disaster response and other vital public services.

Pagasa-DOST on Sunday night raised Public Storm Warning Signal No. 1 over Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro including Lubang Island, Romblon, Batangas, Laguna, Cavite and Southern Quezon.

Public Storm Warning Signal No. 2 is in effect over Calamian Group of Islands, Rizal, the rest of Quezon and Metro Manila.

Only Northern Palawan including Cuyo island remained under Public Storm Signal No.1.

Usec Valte likewise urged private sector in the three regions to consider the forecasted weather conditions in favor of the welfare and safety of their employees. (LP)


Sabado, Disyembre 6, 2014

Problemado sa relief goods? Mag-text sa DSWD

Hindi ba nakarating ang relief goods? O kaya kulang?

Mag-text sa 09209463766.

Ang 09209463766 ang text hotline na inilaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga reklamong may kinalaman sa relief goods.

Hinihikayat ng DSWD ang mga kababayan na mag-ulat sa kanilang tanggapan kung may problema sa pamamahagi o kaya ay hindi naabot ng relief goods ang kanilang lugar.

Kailangan ibigay ng magpapadala ng SMS ang detalye ng problema o sitwasyon, lugar (barangay, bayan lalawigan), pangalan ng sangkot sa problema o sitwasyon.

Panawagan ng DSWD, huwag tawagan ang hotline, mag-text lang.

Sa Lunes, sisimulan ng DSWD ang pagbibigay ng panibagong distribusyon ng family food packs at bigas para sa mga kababayang sumama sa pre-emptive evacuation o kaya ay force evacuation nitong Huwebes o Biernes sa Kabisayaan.

Ang sentro ng distribusyon ngayon para sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Ruby sa kabisayaan ay nasa Cebu.

Ang DSWD ay karaniwang naglalaan ng 200 – 300 sako ng bigas (tig-50 kilo bawat isa) sa bawat lokal na pamahalaan (LGU o local government unit) na maapektuhan ng bagyo; ngunit ang suporta ay nakadepende sa kakayahan ng LGU o kaya sa natitira nitong calamity fund.

Karaniwan ipinapadala ng DSWD ng mas maaga ang mga bigas at relief goods para maimpake ng mga lokal na pamahalaan.

Umabot sa 318,532 family food packs ang nailaan ng DSWD sa iba't ibang apektadong nilang field offices.


Samantala, ang Bagyong Ruby ay tumama sa kalupaan ng Dolores, Eastern Samar dakong 9:15 kagabi at inaasahan ng Pagasa-DOST na makakarating sa Masbate mamaya dakong alas 9 ng umaga batay sa . (LP)  

Huwebes, Disyembre 4, 2014

Dalawang ospital sa Palawan, naka-antabay na rin sa Bagyong Ruby

Halaw sa 11 am report ng Pagasa-DOST


QUEZON CITY, Disyembre 4 (PIA) --- Dalawang ospital sa Palawan ang nasa ilalim ng Code Blue bilang paghahanda sa pagdaan ng Bagyong Ruby ngayong weekend.

Ang mga ito ay ang  Ospital ng Palawan (Puerto Princesa City) at Culion Sanitarium and General Hospital (Culion Island).

Kapag nakataas ang Code Blue, paliwanag ng Department of Health, kalahati ng kabuuang bilang mga tauhan ng ospital ay kailangan pumasok sa trabaho.

Sa sandaling umakyat ang alerto sa Code Red, lahat ng personnel ng ospital ay kailangan nasa kani-kanilang puwesto.

Batay sa ulat ng Pagasa-DOST, Sabado pa inaasahang tatama sa kalupaan ng Samar ang Bagyong Ruby.

Mula Samar, ayon sa Pagasa-DOST, sasagasaan ng bagyo ang mga bayan sa gitnang Kabisayaan hanggang sa makalusot sa Mimaropa partikular sa Romblon at sa dalawang Mindoro batay sa forecast ng Pagasa-DOST kaninang umaga.

Tinatayang ng Pagasa-DOST na linggo pa lalabas ng West Philippine Sea ang bagyong Ruby. 

Sa huling monitoring ng Pagasa-DOST, bumagal ang ratsada ng Bagyong Ruby sa karagatan kaya wala pang pinsalang maidudulot sa alinman panig ng bansa.

Gayumpaman, maaga palang ay hinihikayat na mga awtoridad ang mga taga-Mimaropa na maghanda sa bagyo. (LP)

Miyerkules, Disyembre 3, 2014

Mga taga-Mimaropa, pinaghahanda rin sa Bagyong Ruby


                       Ang larawan ito ay hango sa 11 AM forecast ng Pagasa-DOST kanina 

QUEZON CITY, Disyembre 4 (PIA) --- Malayo at nasa karagatan pa ang Bagyong Ruby ngunit ngayong pa lang kailangan nang maghanda ang mga kababayan sa Mimaropa.

Sa ulat ni Pagasa-DOST  Administrator Vicente Malano sa pulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), halos kasama ang lahat ng lalawigan ng Mimaropa sa mga tinatayang daraanan ng bagyo pagkagaling sa Kabisayaan.

Partikular na tinukoy ni Administrator Malano na lulusutan ng bagyo papuntang West Philippine Sea ang Romblon at ang dalawang Mindoro.

Pinangunahan ng Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang pulong ng NDRRMC sa Kampo Aguinaldo habang isinusulat ang report na ito.

Sa ulat ng Pagasa kaninang alas onse ng umaga, ang Bagyong Ruby ay nasa layong 860 kilometro silangan ng Surigao City.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 195 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso nang hanggang 230 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang Bagyong Ruby pa-Kanluran-Hilagang-Kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Inaasahan din ng Pagasa na lalakas pa ang bagyo habang papalapit sa kalupaan.

Tanghali pa ng Sabado inaasahan ng Pagasa-DOST na tatama sa kalupaan ng Samar ang Bagyong Ruby.

Sa pagtaya ng Pagasa, ang Bagyong Ruby ay mamamataan sa layong 20 kilometro  Timog-Timog Kanluran ng Romblon pagsapit ng Linggo.

Pinapayuhan ng NDRRMC ang mga naninirahan sa mga lugar na mababa, bulunbundukin, malapit sa ilog o kaya sa baybaying dagat na sumunod sa mga tagubilin ng kanilang mga opisyal.

Pag-sinabihang lumikas, lumikas.

Pinapayuhan din ang mga mangingisda at mga nagpapatakbo ng iba pang sasakyang pandagat na makipag-ugnayan muna sa dalawang sangay ng Philippine Coast Guard at mga awtoridad bago pumalaot.


LYNDON PLANTILLA
Philippine Information Agency - Mimaropa