Tulad ng mga lamgam, maagang nagpapadala at nag-iipon (stockpiling) ng mga family food pack ang Department of Social Welfare and Development - Mimaropa sa iba't ibang lalawigan sa rehiyon.
Kaya naman noong nakapasok sa Pilipinas ang Bagyong Ruby, ready na ang bawat lokal na pamahalaan sa Mimaropa para alalayan ang mga kanilang mga nasasakupan.
Ang mga naipadala ay bukod pa sa inihandang mga relief good ng mga lokal na pamahalaan.
" Mas prepared ang region ngayon compared dun sa nakaraan na bagyong Yolanda. Extent ng damage ngayon is not as grabe tulad noon, and ang supply ng food packs ay agaran nabibigay dahil sa stockpile na nauna ng naihanda bago pa man magbagyo, " sabi ni Dwight Macabuhay, Regional Information Officer ng DSWD-Mimaropa.
Bawat family food pack ay may lamang mga de lata, kape, instant mami at bigas.
Sa advisory ng DSWD-Mimaropa nung ika-6 ng Disyembre, umabot sa 31, 496 ang mga nakakalat na sa iba't ibang lalawigan: yung ibang food pack sa regional office pa binalot.
Lahat ng food packs para sa mga probinsya ay inilagak sa isang bodega sa Batangas City na siyang naging relief distribution hub noong kasasagan ng pagpapadala ng relief goods.
Lahat yan nagawa bago pa bumabay sa Sibuyan Sea ang Bagyong Ruby noong Lunes ng madaling araw.
Sa anim na bayan sa Marinduque, mga 1,457 na pamilya ang nakinabang sa mga naunang family food packs (1,457 packs) na naipadala.
Nakapagpadala din ang regional office ng 200 family food packs ang Romblon.
Ayon kay Macabuhay, mayroong 1,722 food pack na nakatakdang ibyahe sa Romblon pero ang mga ito ay prepositioning supply at pamalit na rin sa mga nagamit ng lokal na pamahalaan nitong mga nakaraang araw.
Ang Occidental Mindoro naman ay nakatanggap din ng food packs para sa may 1,600 na pamilya sa may pitong bayan.
Sa ngayon may ipapadala pang 1,500 family food packs sa Lubang Island ng Occidental Mindoro: 1,000 para sa Lubang at 300 para sa Looc.
May kasamang karagdagang 200 family food packs pang-prepositioning ng Lubang sa kanilang supply.
Dagdag paliwanag ni Macabuhay, handang pa rin mag-padala ng family food packs ang regional office kung mayroong pang lokal na pamahalaan na hihiling sa kanila.
Inaasahang ngayong gabi lalabas ng bansa ang Bagyong Ruby batay sa huling pagtaya ng Pagasa-DOST nitong Miyerkules ng hapon. (LP)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento