Linggo, Disyembre 7, 2014

Mga pinatuyung bahay-pawikan, nabawi sa Balabac



Ang larawan ito ay halaw sa FB account ng Philippine Navy

QUEZON CITY, Disyembre 6 (PIA) --- Isang daan at apat na pung pinatuyung bahay-pawikan ang naisalin nitong Biernes ng mga tauhan ng Naval Force West (Navforwest) ng Philippine Navy sa Department of Environment and Natural Resources at Palawan Council for Sustainable Development sa Puerto Princesa City.

Kasama sa mga sumaksi sa turn-over ceremony ay sina  Vice Admiral Alexander S Lopez, AFP, ang Commander ng Western Command at Commodore Manuel Natalio A Abinuman AFP, ang Commander ng Naval Forces West.

Ang mga pinatuyung bahay-pawikan, pawang mga Hawkbill, ay natuklasan ng pinagsanib na pwersa ng Naval Station Narciso Del Rosario at ng Balabac Municipal Police Station habang nagpapatrolya sa baybayin ng Sitio Mansalangan sa Barangay Sebaring sa bayan ng Balabac.

Kasama ng Navy at mga pulis ang mga tauhan ng City Environment and Natural Resources at Municipal Environment and Natural Resources.

Ang mga bahay pawikan noon ay nilagyan ng formaldehyde, nakabalot sa plastik at nakabaon sa lupa.

Bukod sa mga pinatuyo, nakakuha pa ng pitong na buhay na pawikan sa nasabing lugar.

Napag-alaman ng mga awtoridad na mayroong nagmamay-ari sa mga pawikan at nakahanda na para maibenta.

Nakakuha din ng isang rolyo ng panghuli ng pawikan o pukot kung tawagin ang mga awtoridad sa nasabing lugar.

Pinakawalan sa karagatan ang mga pawikan matapos maidukumento at matatakan. (LP)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento